In Memory of Prosper Kristian

52 1 0
                                    

September 27, 2017
Wednesday

Noon pa man, tinatanong ko na: "Kapag namatay na tayo, saan na tayo pupunta?" Ang dami kasing theory. Yung iba may explanation naman pero tunog imposible.

Mula kagabi, hanggang ngayong umaga at baka maextend pa sa mga susunod na araw - bigla ulit akong binalot ng kalungkutan. Ayokong-ayoko ng ganito sapagkat ako yung tipo ng taong hirap kumawala sa ganitong pakiramdam .

Kalungkutan ba talaga? O simpatya lamang? Hindi ko rin mawari. Hindi ko maintindihan. Pwedeng ang OA ko lang naman pala. Dahil hindi ko maiwasang magpaapekto sa isang usaping wala naman akong direktang kinalaman.

Ang larawan sa cover photo ng entry na ito ay galing sa Facebook page na 'Papel'. At ang labis na nakapagpagulat sakin ay ang pagkakita at pagkabasa ko sa caption.

[Isang liham para sa mga literary groups na kinabibilangan ng kapatid nating si Prosper Kristian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Isang liham para sa mga literary groups na kinabibilangan ng kapatid nating si Prosper Kristian.]

"Hanggang dito na lang ang panulat ko, nakuha na kasi ng lumbay ang aking pluma at ideya para kumatha. Walang hanggang pasasalamat nga pala sa inyong lahat, hindi mapapalitan ng salita ang pagmamahal ko para sa pagsusulat, wala itong hangganganan hanggang sa kamatayan, hanggang sa kamatayan, mag-aral kayo nang maigi ukol sa kritisismo, wika at pagsulat upang humusay. Maging masaya kayo, ha? Kung pupunta kayo sa burol ko at mag-iinom, magpaalam muna kayo sa magulang ko, wag din kayo magyosi malapit kay ate at papa, may hika silang dalawa."

Nagmamahal,
Prosper Kristian

[September 24, 2017]

Si Prosper Kristian.

Kahapon pa nagpapakita ang pangalan niya sa Facebook ko. Mula sa Friend Request niya sakin na hindi ko pa na-accept hanggang sa pag research ko sa Google na may keyword na "JDPNHS Suicide" nang malaman ko mula nung isang gabi kay EJ na may estudyante na naman daw siyang nag suicide. I spared him by avoiding asking the details, kasi alam kong napakasensitibong topic nito. Pangalawa na raw ito ngayong taon. I took my chances in the Google search engine instead.

EJ: "Jay ;( may student akong nag suicide na naman."
Ako: "Whaaaaaat? Laaa."
EJ: "Pangalawa na to."
Ako: "Kilala mo sila personally? I mean, close mo?"
EJ: "Oo. Close ko. 😔 Nakakainis."
Ako: "Damn."

Damn. I didn't bother to ask who. I wasn't aware but the answer was already there all along. I was reminded that I had this conversation with this kid before, documented in my Random Days here in Wattpad. This entry, was actually one of the articles popped up when I searched Google.

****

****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Teacher's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon