Malaya Ka Na

8 0 0
                                    

February 27, 2017
Monday


"Unti-unting dumarating ang pamamaalam... Hindi ko malaman kung sadyang mahirap lang ba akong mahalin o baka naman pagod na lang talaga akong magmahal. Hindi ko na kilala ngayon ang sarili. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang totoong kaligayahan. Akala ko nahanap ko na.  Akala ko natuto na ko. Akala ko kapag masaya siya, masaya na rin ako. Akala ko basta matupad yung mga panagarap niya, kahit hindi ako kasama dun... magiging masaya ako para sa kanya. Pero hindi pala. Ang totoo, gusto kong gawin lahat para mapasaya siya, pero sa loob ko'y sinasabi sa sariling, "Paano naman ako? Paano naman yung mga bagay na totoong makapagpapasaya sa akin?" Ang dami kong isinuko para sa kanya. Maraming desisyon ring ang dumepende sa kanya. Pero... Ang hirap pala ng naghihintay. Na sige, dito lang ako... Gawin mo lahat ng gusto mo. Hindi kita pipigilan kahit AYAW ko. Ganun kasi siya eh. Rebelde. Kahit naman sakin, hindi nakikinig. Sige.. Dito lang ako... Pansinin mo na lang ako kapag natupad mo na LAHAT ng pangarap mo. Ang hirap pala ng hindi mo masabi ang tunay na nararamdaman ng harapan kasi ang puno't dulo'y sasabihin niyang hindi mo siya naiintindihan. Na sa dulo'y maakusahan ka na nag-iinarte lang. Matagal na kong patay na bata. Pero hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam kung bakit ganun ako at anong gagawin. Pero oo, sige. Ako ng mali. Mas bagay nga siguro saking mag-isa. Alam kong may maliwanag na paliwanag na mali ang iniisip ko at susundan ng mga pangako niya. Pangakong tumagal na. At hindi ko alam kung gaano pa tatagal. Puro salita.. Na nakakasawa rin palang panghawakan. Hindi niya ata alam.. Na lahat ng inaasam-asam ay galing din sa kanyang bibig at hindi yun galing sa isip lamang. Pero baka nga naman hindi pa siya handa sa responsibilidad. Maski ako naman ay hindi pa. Pero sa tingin ko, hindi naman yun sa kanya mahalaga. Hindi ko kayang sabihin to ng harapan. Hindi ko kayang maglabas ng damdamin ng kagaya sa panulat. Hindi madaling desisyon. Pero kaya ko. Paunti-unti. Huwag na nating patagalin to. Kaya mo naman akong tiisin. Alam kong may mga pagkakataong hinihintay mo lang ding dumating ito. Mahal kita pero pagod na kong mahalin ka. Malaya ka na."

A Teacher's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon