December 7, 2015
WednesdayAng sarap pakinggan ng mga katagang 1.) 'ang ganda mo' - kahit madalas kunwari ayokong maniwala at sinasabi kong binobola mo lang ako. 2.) 'miss na kita' - na susuklian ko lang ng ngiti, at higit sa lahat, yung 3.) 'mahal kita' - na susuklian ko naman ng mas malawak na ngiti.
Eto yung isa sa mga milyong-milyong pagkakataon na pinasaya mo ko kasi nagtyaga kang makipagdambahan sa MRT at sumuong sa matrapik na kalsada mula Makati hanggang Taguig para sa kakapiranggot na oras na nilaan natin sa paglakad para humanap ng masasakyan, tumayo para mag-abang ng jeep, umupo ng matagal sa byahe at aliwin ang mga sarili sa mga kwentong nais nating marinig ng isa't-isa, kumain sa Mcdo, pumunta sa Masaya para kunin ang aklat para kay Elvie, at maglakad muli para maihatid ako hanggang sa aming bahay. Oo nga pala. May dulo pala ang langit. Buti na lang, nakanakaw ako ng halik. :3
Sa uulitin. <3
- Paglalakbay sa Ikapitong Langit, Mapurul Abrilata
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
Não FicçãoThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?