September 29, 2014
Monday
Kakaiba. Napanaginipan ko si Daniel Padilla pati na si Kathryn Bernardo. At in all fairness, kausap ko sila. As in, part ako ng kwento. Hindi ako isang dakilang extra. At parang may namumuong love triangle. Haaa. Tigil -tigilan ako at hindi ako fan ng loveteam nila. >_<
Since nakasalubong ko si T. Jeane kagabi at nasabihan niya ko na hindi muna ako sasama sa umaga sa NIYES para sa Journalism training nila Prince, Princess at Tricia, hindi ko na inagahan ang pag-alis. Akala ko ako lang ang nasa faculty pagdating ko. Wala kasing klase ang buong grade school today dahil sa Science Fair sa Diego.
***
Pero dun muna tayo sa pagsulyap sa Bakery malapit kila Reign Somera. Walang ligtas dahil madadaanan paglakad papunta sa school. Andun na naman siya.. Nakangiti. Ang weird lang talaga.
Dear self, next time.. Kahit sulyap. Huwag mo na lang gawin. Baka isipin ni kuya na bantay ng bakery sa kasabay ng oras kapag pumapasok ka, crush mo siya. Asa.
Pagdating ko sa school.. Andun nga pala ang preschool. Then, I found out na nandun pa pala ang afternoon teachers: Riza and Jenn with T. Josie and T. Claire. Nasa Hele Room sila para mag breakfast. Niyaya nila kong bumaba. Nakikain lang ako dahil wala akong baon. (Yay! Nakalibre ng breakfast.)
Nagtext daw mommy ni Alijah.. Nagtatanong kung may makakapunta daw bang teachers. Alangan sila... Ako naman, hindi talaga. In the first place, hindi ko naman siya tinuturuan.. plus, lovelife day ko ang weekends, mostly Saturdays. And according to them, hindi naman talaga allowed umattend ng party ang mga teachers kapag outside of school.
****
"Teach, sabi daw ni t.jean ky t. Josie na punta ka na dito pagdating mo.. Sabihin mo sa 3yckel NIYES, malapit sa div. Ofiz.." - T. Donna
Binigyan ako ng pamasahe ni T. Josie. Malapit nga lang naman pala talaga. Sabi nung guard sa fourth floor daw ang training. Nakasalubong ko naman agad sila pag akyat ko. Hindi pa din daw nag-uumpisa. Iniisip ko kung pwede ba kaming maki seat in. Nagyaya munang mag breakfast si T. Jeane. Lalabas sana kami ng maisip ni T. Donna na may canteen naman sa loob ng school. Akala pa nga niya may basement. Antaas kasi ng floor pagpasok. Elevated siya. Umorder kami ng kanin. Fried siomai ang ulam.
Yay! Kakain ako ulit! ^*^ Naalala ko tuloy yung siomai days namin sa PAPUS sa PUP Manila. Uso kasi dun na ulamin ang siomai. Fried or steamed.
Nag-usap usap pa kami kung kakainin kaya ng mga bata kung sa canteen namin bibilhin yung mga kakainin nila. Parang I doubt it kasi. Halata namang hindi sanay sa mga pagkaing mahirap yung mga estudyante namin. Hindi na muna kami umorder. Umakyat muna kami tapos pumasok sa isang bakanteng classroom.
Umalis din si T. Jeane before lunch. Napaisip kami ni Donna kung ano na kayang nangyayari sa Science Fair. Sayang naman... Hindi ko man lang na experience. >_< Sayang din kasi namiss nila Trisha, Prince and Princess yung event. Conflicts. Nung tinanong ko sila last week kung bibigyan sila ng option, anong pipiliin nila.. Science Fair o Journalism. They chose the Science Fair. Tama nga din naman si Princess, "Cher, kasi.. Yun isang araw lang. Yung training, 2 days. Sana kahit tag-isang araw na lang sila." Kaya nga lang... Wala talaga silang choice eh. They won the Division's Journalism Contest for a reason. And one of it is to represent the school.
October 11 na ang Regional Contest. Pero narealize ko.. Kumpil din nga pala yun ng Kambal. Ay. Speaking of conflicts. T.T Pero sabi ni T. Donna.. since, konti lang naman ang contestants, isa lang naman daw ata ang teacher na pasasamahin. Oh. Let it be T. Donna! ^*^
Nag stay lang kami ni Donna sa vacant classroom. Pasilip-silip lang dun sa tatlo. Magkakahiwalay kasi sila. Trisha - Feature Writing; Prince - Editorial Writing; Princess - Copyreading/Editing.
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
No FicciónThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?