Dahil nauso ang Teachers' Day, Christmas, Valentines Day at Birthday... O kahit anong araw na wala namang okasyon.
...At malay mo isang araw mapadaan ka ng mall o gift shops at maalala mo ako... Eto na lang ang iregalo mo sakin. Please?? Parang awa mo na.
♥ A water resistant, dust and shock proof wrist watch - wala kasing tumatagal sakin. T___T
♡ A great super big stuff toy/bear - yung pwedeng gawing punching bag/suntukin pag naiinis ako.. yung pwedeng ihug ng mahigpit pag nanggigigil o kaya nilalamig ako.. yung pwedeng kausapin kahit hindi naman niya ko sasagutin kapag nasa crazy mode ako.
♥ Books. Books. Books.
These are the titles na wala pa akong kopya:
- Everyday by Levin Lutheran (Hinulaan ko lang yung author, di ko na kasi matandaan :D)
- The Little Prince (Gusto ko kasi talagang magkaroon ng sariling kopya T.T)
- Mortal Instruments
- The Manuscript Found in Accra - Paulo Coelho
- The Fault in Our Stars (Trip ko lang magkaroon ng hard copy. Sa Ebook ko kasi siya nabasa)
- Hunger Games Series - Suzanne Collins
- Twilight Series - Stephanie Meyer
- Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo - Ramon Bautista
- Para sa BrokenHearted / Para sa Hopeless Romantic - Marcelo Santos III
- Heaven Is For Real
Marami pa... Basta ang genre, yung mga tragic.. Gustong-gusto ko yun. Kaumay kasi ang mga happy endings.
♡ A pair of earrings - pangarap ko yung pair ng earrings na isang star and moon.. Laging ganun ang hinahanap ko sa mga jewelry shop pero wala akong mahanap-hanap. :(
♥ Polaroid Camera - matagal ko na ding pangarap magkaroon nun T.T
♡ Cactus Plant - Ewan ko ba pero bigla na lang siyang pumasok sa isip ko.
♥ Male pet cat - yung mataba at malaki pero maamo. Gusto ko kasing may naglalambing sakin pag-uwi ko galing sa trabaho.
♡ Samsung charger - dahil wala talagang nagbalik sakin ng charger ko na nawala sa school -_-
♥ Lamp Shade - Para mas madaling i switch off pag antok na antok na ko.
♡ Shoes/sandals - Size 5 ako. :))
♥ Dress - my favorite color is RED. :)
♡ Personalized Pen - yung may nakaukit ng napakaganda kong pen name 'Mapurul Abrilata'.
♥ Glow in the Dark Wall paper Stickers - ok na ok kung galaxy ang tema. :)
♡ Stress ball - namimiss ko lang.
♥ My Charcoal Portrait
♡ Cadburry Dark Chocolate
♥ A Roundtrip Ticket to Palawan or any other tourist places
Ayan na lang muna siguro ang ilalagay ko sa listahang ito. :))
Hindi din naman ito mababasa ng taong talagang pinapatamaan ko eh. >_<
Wala din..
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
Non-FictionThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?