September 27, 2014
Saturday
L-B-C!!!!! L-B-C!!!! Tao po!!!
Pambihira. Istorbo. Antok pa ko... >_<
Nakailang sigaw din ng LBC at tao po yung lalaki sa labas bago ako bumangon. Kaya naman pala. Wala ang kotse. Umalis pala sila. -_-
LBC Guy: "Ziegfred Borja po?"
Ako: "Kapatid ko."
LBC Guy: "Pasensya na Ma'am sa istorbo ha? Palagay na lang po ng name and then sign."
Ako: "Uh. Ok lang."
Itsurang bagong gising lang naman kasi talaga ko. May morning glory pa siguro ko.. Badtrip. -_-
Pagbalik ko sa loob ng bahay. Past 9:00 AM na pala. Haaay.
Naglaba muna ko ng undergarments and uniforms. Sa totoo lang antok pa ko. Kinatamaran ko na ding kumain ng breakfast. Kumain lang ako ng isang pirasong hopiang Tipas. Inaantok pa talaga ko. :(
Check FB. Isip. Kain gummy worms. Isip. Inom tubig. Ayos ng kama. Isip. Antay ng text ni EJ. Tunganga. Inat. Punta sa rest room. Balik ng kwarto.
*****
"Sa Galleria naman tayo ngayon, para maiba naman. Mga 2pm tayo kita. Ang malelate manlilibre :)"
FROM: <3 Peter Pan 10:21 AM
***
Bago ko maligo, nagpahinga muna ako ng konti after na maglaba. I had a chat with Alex thru Messenger. Nagyayaya kasi ulit magsimba tomorrow sa Victory. Sabi ko may lakad ako ng hapon. Birthday ni Aaron ni T. Andie. Matagal na niya kong sinabihan tungkol dun kaya hindi pwedeng hindi ako pumunta bukas. And we talked something beyond that.
Ako: "Anong plano mo?"
Alex: "Saan? Sa pag-aasawa?"
Ako: "Wala ka pa ngang gf. Asawa agad? -_-"
Alex: "Saan ba? Maghanap ng gf?"
Ako: "Hinde. In general. Hindi naman di ba habang buhay nasa call center ka lang.."
Alex: "I will leave it to god. I have plans but i believe god has kase kapag ginagawa ko gusto ko, walang nangyayari. Di naman pwede magtuturo ka rin habangbuhay?"
Ako: "Imba ka tlaga."
Alex: "Let us see and im excited to know. Dont mind being old. Baka ikaw ang magiging destiny ko or si demie, we dont know hahaha."
Ako: "Funny. >_<"
Alex: "I know we have to prepare for the future, great things will come, my sis can take care of herself now, i can have a relationship now but i choose not to ;) Relationship is just a label."
Ako: "Hindi ko din talaga mawari kung pano at bakit naging kaibigan kita."
Alex: "Ewan ko nga mongoloid ka eh. Hahahaha."
Ako: "Mas mongoloid ka."
Alex: "Ang cool nga eh, magkakaiba tayo, merong parang tanga lang yung relasyon, merong the legal wife ang awra, may single na cute, merong may struggle sa past mga ganun."
Ako: "Makadescribe ka naman. Haha."
Alex: "I mean diversified tayo. Buti nga walang adik satin eh haha."
Ako: "Meron. Ikaw. Nagsusulat ka pa rin ba?"
Alex: "Oo naman. Yung mga panaginip ko. Pero drawing siya."
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
Phi Hư CấuThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?