During my Filipino Class:
Ako: "Ang aralin natin ngayong araw ay tungkol sa isang kuwento na may pamagat na Semana Santa. Mayroon ba sa inyong hindi Katoliko ang relihiyon?"
May mga nagtaas ng kamay. May isang Muslim, may Iglesia ni Cristo at may Born Again Christians.
Ako: "O kahit ano pa man ang relihiyon natin, iisa lang naman din ang pinaniniwalaan nating Diyos. Ang Diyos na Lumikha ng lahat."
Estudyante: "Eh Teacher, meron pong ibang religion, iba God nila po eh."
Ako: "Ahh oo, sa ibang bansa, mayroong ang tingin nila sa kalikasan at ibang hayop, ay mga Diyos. May iba-iba tayong paniniwala. Basta ang mahalaga, igagalang natin ang paniniwala ng bawat isa."
Fast forward sa aralin at talakayan tungkol sa mga salitang nabanggit sa kuwento.
Ako: "Sabihin nga sabay-sabay: malay- tao. Ano kaya ang ibig sabihin ng malay-tao?"
Estudyante: "Consciousness po, teacher!"
Ako: "Tama! Very good! Ibig sabihin, aware ka o alam mo ang nangyayari sa paligid mo. Paano naman kaya kapag nahimatay ka? O nawalan ka ng malay?"
Estudyante: "Ako, teacher! Alam ko yan!"
Ako: "O sige. Ano?"
Estudyante: "Play dead po! Di ba po? Walang malay. Play dead."
😂😂😂😂😂
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
Non-FictionThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?