Stupid Teenage Hormones

85 0 0
                                    

September 26, 2014

Bloody Friday

Warning: This story is not suitable for 18 years and below.

-;,-,-;,-,;-,-,--;:-;,-;:--;,-;;-:-,-;;--:-

Last night, before I fall asleep.. I was thinking what would I be dreaming.

This time, I remembered.

I'm on my bed. And there's someone with me. Crap. He's a guy. And I know him. He's a cute guy with white skin.Tall. Sexy. Curly hair. Pointed nose.  And the embarrassing part was that we're doing something SPG!!! T_T I hated myself in that dream. Perv! Bad girl. Ugh!!!

So okay... Here's the thing.. This guy is kissing me. And... I 'm kissing him back. And we're on my bed. And it feels so wrong but he's not stopping. We're not stopping. And yet my room's door is open. He wants to do something beyond kissing. But I am looking at my door. It's open. Darn it. Now, I want us to stop. I am thinking of my sister, Vixen. I know she's just upstairs. Taking a bath. And she might go here any moment. But still he is kissing me. Crap. What to do? What to do? The guy is so strong. I can't make a way of stopping him. I looked at the door. Thinking I should at least close it. But this guy! I can't believe this guy! I can't even believe we're doing this. It's just too weird. Super duper weird!!!

And it happened. My sister saw what we're doing. Shocked. I pushed the guy away from me. I shouted at him, "WHAT THE HECK ARE YOU DOING??? WHAT ARE WE DOING?!?  ARGH!!!!!! I THOUGHT YOU'RE GAY?!?!?"

But disgust is written all over my sister's face. I ran to my sister and told her, "Spare me. Please!"

Buwisit na dream yun! Grrr! But it brings back memories... Lagi na lang akong napapatambay sa past.

Feeling ko epekto yun ng libro ni Prince na Talk Back And You're Dead. I decided to read it before I return it to him. Pero mamaya pagdating ko ng school, isosoli ko na talaga yun sa kanya. Kelangan kong malaman bakit madaming nababaliw sa kwento nun including An. Only to find out na hindi pa siya pwede sa mga bata at kahit pa sa teenagers! Sobrang... My gulay. It corrupted my brain so bad. Ganito na ba gusto ng mga kabataan ngayon? Cussing? Violence? Childish Romance? Wala silang alam sa tunay na pag-ibig. Hindi yun fairy tales. O Koreanobela o pang-Wattpad palagi. -_- Puro na lang tungkol sa Gangster na pogi. Sila na lang ba ang may karapatang umibig at maging bida? Pano naman yung mga plain and simple looking guys and gals na deserve din namang mahalin? Ay ewan. Iba na talaga ang generation ngayon... :( Ang daming uso. Kahit sino.. pwede ng maging singer basta sumali sa mga singing contest sa TV. Kahit sino, pwede na maging artista, basta sumali sa PBB o kahit anong artista search na pakulo ng channels sa TV. Kahit sino.. Pwede na ring maging writer, salamat sa Wattpad. Wala na talagang imposible ngayon. Yung iba... Die hard fan. Willing pang pumatay para lang sa idol nila. Ewan ko ba.. Pero sobrang maling-mali na.. Naiinis ako.. Sobra.

Sana maging follower na lang sila ni God. Sana maging addict na lang sila sa pagbabasa ng Bible. Oo. Weird. Pero mas maganda sana kung marealize nila na nagsasayang lang sila ng oras sa pagsamba sa tao lang din naman kagaya nila. Pano kung pumangit si Daniel Padilla? Magiging crush pa ba nila ito? Puro physical admiration.  Pero sino ba ko para magreact ng ganito... x_x Magsasawa din naman sila...

****

And oh, the guy in my dream is none other than my gay friend, MJ. Uh huh. GAY. He has a relationship with another guy. (Okay lang naman sigurong ikwento kasi open naman siya about dun.) He deceived me long time ago that he's dating a girl because he calls his date 'girlfriend'. But later we found out, it's another guy. It was such a waste when I learned that. I had a crush on him when we were still in high school. Because I think he's different. And he didn't show any interest on me that's why I liked him. I didn't like guys who pretend to be nice when I'm around. Pero kaya pala hindi siya interesado sakin... Kasi hindi girl ang gusto niya. Wow.

He is really cute. When he came out of the closet, I thought... Nabawasan na naman ang lalaki sa mundo. Meron na talagang scarcity. My gulay.

Since high school kasi magkaibigan na kami. Pero parang one year ago ko lang nalaman na gay pala ang kaibigan ko. Shemay. And it's just really weird.

Hindi pa ulit kami nagkakasama nila Giselle. Nakita ko lang siya one time na nag-aabang ng jeep. Maybe that's just a month ago. Magkakalapit lang naman kasi kami ng mga barangay.

Ganito kasi yan. May nabuong barkadahan kami noong high school. Dahil nainlove at niligawan ako ni PChan. Pchan, Kumag, MJ, Giselle and I are in the same circle of friends. Si Louigie lang ang napalayo samin kasi when we graduated in high school. Lumipat sila ng family niya sa Quezon tapos dun na siya nag-aral nung college. Pero ibang kwento na yun. Masyadong mahaba. Kupas na kupas na din kung ikekwento ko pa. Basta ang weird lang na si MJ yung nasa panaginip ko.

****

Bingyan ako ulit nila Jana at Kristin ng Tortillos. Nag-away pa sila kung sinong bibili at magbibigay sakin. -_- Hinayaan ko silang kumain sa library kasi ako din nanginain. Gutom na din kasi ako nun. Nagcheck ako ng QFRT ng grade 3 habang hinihintay si T. Donna. Binilin ko na lang kay Jana na itapon yung pinagkainan namin sa basurahan. Nahuli kami ni T. Josie at pinaalalahanang "No eating in the library."

*****

Grade 4 class. Tongue Twister Recitation. Para maiba naman. Ang dami ko pang hahabuling lessons sa kanila pero nakakaumay maging bookish. Para naman mag-enjoy ang mga bata. Habang enthusiastic at excited sila sa activity namin, ako naman... hindi makagalaw masyado. Bloody hell. >_< I think I must go to the restroom ASAP. Ugh! Dang this girl thing.

****

Lunch time. Andami naming napag-usapan ni Donna. Yung mga health issues namin. Anemic nga pala siya. We shared our near death experiences. Yung mga himatayan blues namin. Napag-usapan namin bigla dahil kay Kristoff. Biglang ang tamlay niya kasi. Samantalang kanina, ang hyper niya. Siya pa yung nag test ng bagong projector kung gumagana. Dala kanina nila T. Lau.. Napadaan na naman sila dito sa branch. Masama daw pala pakiramdam ni T. Kristoff. Napansin kong sakitin siya pero mukha naman siyang malusog. ^*^

Sabi ni Donna, baka sa stress daw. Sabagay, stress is the root of all sickness. Pero masayahin naman si T. Kristoff. Makulit at saka pasaway. Sila nila Elsha at Jessie ang nagpapaingay sa faculty. Nagpapatawa at nagbibigay-buhay sa boring kong presensya.

Donna: "Malay natin.. Defense mechanism niya lang. Pero madami din siyang iniisip. Hindi lang siya nagsasabi."

Ako: "Uhmm.. Kung sabagay... Dapat talaga na eexpress natin yung mga frustrations natin."

Kaya I can't last a day ng hindi nagsusulat sa journal. Yun na yung comfort zone ko. Next ang pagtatravel.

******

Hindi kami natuloy sa pagdalaw namin kay Jessie sa bahay nila. Traffic daw papunta sa kanila tuwing Friday at ang estimated time bago kami makarating ay 9 PM. Whoa? Tapos over time kami dahil sa photoshoot sa Wednesday. Wala daw ibang dapat makita sa faculty kung hindi mga libro lang. Seriously? Gagawin ba naming library ang faculty? >_< Kaya kanya-kanya kami ng tago ng mga gamit. Sa locker at sa mga cabinets.

****

Pumunta muna kami nila Shane at Donna sa Guada Mall. Bibili daw kasi si Donna ng gift para sa anak ni T. Valen. Napunta kami sa Broadway Gems then Kenko World. So.. Kenko World pala yung shop na nadiscover ko noon na nabilhan ko nung brown shoulder bag na may stars. Nakita ko na naman yung scrapbook at punchers with designs. I'm gonna buy those next week! May nakita kong red cute bunny coin purse. Sobrang cute kaya hindi ko napigilan ang sarili kong bilhin. Bawas ng php60 pera ko tuloy today. :3 Pero si Donna, hindi kuntento sa nabili niyang gift. Inaasar kasi siyang kuripot ni Shane.

Call of nature bago umuwi. May nahanap kami sa bandang baba ng mall pero nagbayad ako ng php7. Ang gastos mamuhay sa mundong ibabaw. >_<

*****

Pag-uwi ko... Pinost ko sa room wall ko yung card na galing kay KC, na may "Happy Teacher's Day" na kasama dun sa maagang regalo niyang binigay kanina para daw sa Teachers Day. Kasama ng card ni KC yung letter na binigay ni Kristin at Erin na nakapost din. Pati note ng high school dept. ng mag judge ako sa Maskara Festival nila.

Napahalungkat ako ng mga gamit. Magtatapon na din sana ko ng mga journals. Only to be back in the past again. Bakit ba kasi masyado akong sentimental. >_<

A Teacher's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon