November 19, 2014
Wednesday
Third Quarter Mastery Test
First Day
Malayo pa lang, natanaw ko na siya. Oh geez. "Good morning Ma'am!" Nagniningning yung mga mata niya. Nakangiti siya. O baka imagination ko lang yun. Kinaway niya pa yung kanang kamay niya na tipong nag ha-hi. "Good morning!" Bati ko rin na may matipid na ngiti sa mga labi.
May bigote siya pero hindi naman masyadong malago. Matangkad. May itsura. Mukha naman siyang mabait. Namamangha lang ako sa mga pagkakataong nagkakasalubong kami. Ngayon ko lang kasi siya nabigyang pansin. Bigla kong narealize na matagal na kaming nagkakasalubong. Matagal na niya kong binabati. Matagal na siyang nag ha-hi. Feeling ko tuloy crush niya ko at ang ganda ganda ko. LOL. Imposible. Ang haggardo versoza ko kaya palagi pagdating sa Guada dahil sa mahabang biyahe na tinatahak ko mula bahay papuntang eskwela.
Kidding aside, mas mainam na rin yun para naman hindi boring ang paglalakad ko papuntang school sa umaga pag papasok na ko. Wala naman sigurong masama sa pagbabatian ng goodmorning at pag ngiti sa isa't-isa.
♡♥♡♥♡♥♡♥
Tingin sa log book. Hindi pa rin pumasok si T. Shane. Malamang, ako ang magpoproctor sa Grade 5. Wala namang problema. Pero sana may magawa pa rin ako ngayong araw na to. Nandun si T. Josie pero nang pumasok siya sa faculty, sinabi na niya ang hinala ko. "Teacher April, ikaw na muna ang magpa exam sa grade 5. Pinatapos ko lang mag exam si Renzi. Tapos na sila ng isa. Nag iinarte kasi."
Oh my. May Renzi nga pala kami.
Masakit daw ang ulo niya. Nilagyan ko siya ng efficascent and then I told him to think about other things. From time to time, sumisigaw pa rin siya na masakit ulo niya. Pero napasagutan ko pa rin yung exams niya. Phew. Nagdala na lang ako ng pwedeng gawin while the grade 5 pupils answer their exam. Nakakaewan lang kasi kanta sila ng kanta habang nagsasagot. Gusto atang gawing musical ang pamumuhay nila. -_- Pasimuno kasi si Janvi. Ok lang naman sana pero dapat ilulugar. And I think they're crazy over a cookie. -_- Samahan mo pa ng paglalaro ng Truth or Dare. Sina Neo, Jaireb and Renzi lang ang hindi kasali. Well, si KC and Jerome rin dahil absent.
Sulat ng Lesson Plan. Sagot ng exams. Pinag-aralan ko ng matindi yung Filipino 5. Kelangan mai discuss ko yun sa kanila bukas. After nilang mag exam, nag discuss si T. Jenn for about 20 minutes. Iniwan ko muna siya para makapag ayos ako ng gamit.
Meron kaming chocolates from T. Angie na dala ni Ms. Del. Sa totoo lang, ayoko ng Reeses. Hindi rin ako kumakain ng peanut katulad ni T. Elsha. Ang gusto ko lang ay yung pampalaman sa tinapay pero ayoko siya as a flavor. Pero yun yung nabunot ko eh. Malas. :(
After T. Jenn's discussion, I went back to the grade 5 room. Ang haba pa ng oras bago ang dismissal. I let them play during their free time dahil ang dami ko ring kailangang gawin at tapusing paperworks. Back to their Truth or Dare, there was this one dare to Jireh to kiss Trej in his cheek. Game naman si Jireh. Then, lumapit sakin si Neo saying, "Buti pa si Trej, teacher, kiniss ni Jireh." Oh. I sense jealousy here. He was also talking about the two being like couples daw. Tsk. Tsk. Tsk. He even thinks na parang mag-asawa na raw yung dalawa. Pambihirang bata. I told him, "Why don't you join them so you'll also have a chance?" Nag sorry naman si Neo about his thoughts and nung umalis din siya nung dismissal agad without praying. Pero bumalik naman siya ang nag pray so we're good.
I ate with Teachers Elsha and Kristoff. Nag reminisce na naman kami ni Toff nung grade school days naman. Blurry sakin yung memories ko noon eh. Wla ako halos matandaan. Pero si Toff, halos tanda niya yung mga pangyayari nun sa buhay niya. His childhood memories. Cool.
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
NonfiksiThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?