Kuwentong Barbero

19 0 0
                                    

Isang araw sa Davao City, pumasok si Tikboy sa isang barbershop malapit sa City Hall upang magpagupit. Pagpasok niya, walang customer sa loob. Nakita niya ang isang matandang barbero na nagbabasa ng newspaper. Ang headlines - "De Lima, Walked Out From Senate Hearing".

Barbero: Magpapagupit ka sir?

Tikboy: Oo, kol. (Kol, short for Uncle/Manong, tawagang ginagamit mostly ng mga bisaya)

Barbero: Dito ka umupo sir. Anong gupit ang gusto mo?
Tikboy: Yung "barber's cut" lang.

Habang ginugupitan si Tikboy, naaliw siya sa pakikipag-usap sa matanda.

Tikboy: Grabe 'yung hearing kagabi noh? Nagsigawan na sila. Nag walk-out si De Lima.

Barbero: Oo nga eh. Parang circus.

Tikboy: Hay naku, ayaw talaga tumigil nitong Trillanes at De Lima. Plano talaga nilang paalisin sa pwesto si Duterte.

Barbero: Oo nga pero parang malabo yang mangyari, dong. Wais si Digong para sa kanila.

Tikboy: Sana nga. Pero grabe na rin yung paninira ng ibang bansa.

Barbero: Pero sa pagkakaalam ko kay Digong, hindi yan paaapi. Matagal na ako dito sa Davao, pero niminsan hindi ko nakitang umatras si Digong sa kanyang kalaban.

Tikboy: Totoo yan. Sinabihan pa nga nya si Obama na "Go to hell" bago lang. Hehe

Barbero: Ganun ba? Pilyo talaga itong si Mayor. Iniinis lang niya yang si Obama.

Tikboy: Oo nga kol. Di ba sya natatakot? Presidente rin yun nang America.

Barbero: Naku, wala yang kinatatakutan si Digong, sabihan lang kita. Yang si Obama at Ban Ki Moon din naman yung unang sumaway at nakialam sa kanya regarding extra-judicial killings.

Tikboy: Alam mo rin pala yan Kol?

Barbero: Oo, kasi nakikinig din naman ako ng balita. Minsan, nagfa-facebook din ako. Bigay pa nga tong cellphone ko sa anak kung nagtatrabaho sa ibang bansa. Ito yung ginagamit ko kahit minsan free data lang.

Tikboy: Ganun ba. Mabuti't updated ka rin sa mga balita.

Barbero: Alam mo ba kung bakit mainit ang dugo ni Duterte sa Amerika?

Tikboy: Dahil dyan sa Human Rights?

Barbero: Isa lang yan, pero nagsimula yan noong may sumabog na bomba dito sa Davao, matagal na.

Tikboy: Yung sa Roxas, kol?

Barbero: Hindi. Yung nangyari pa noong 2013. Yung sa airport, Davao wharf, at terminal.

Tikboy: Ay oo, naalala ko yun. Bakit pala?

Barbero: Pagkatapos kasing sumabog ng bomba, na discover nila na C4 yung ginamit pareho nung ginamit ng isang CIA agent na nakapasok dito sa Davao.

Tikboy: Ha?

Barbero: Oo. Yung CIA agent na si Michael Terrence Meiring. Siya yung tinuro ng mga sundalo dito sa Mindanao na nagsupply umano ng mga bomba at mga armas sa mga terrorista.

Tikboy: So, possible na yung CIA ang umutos sa pambobomba dito sa Davao? Saan mo naman nalaman yan, kol?

Barbero: Laro ka kasi ng laro ng DOTA. Research ka rin pag may time.

Tikboy: League of Legends yung nilalaro ko, kol. Ipagpatuloy mo nga yung kwento mo, nakakaaliw eh.

Barbero: Ayun, nung nalaman ni Duterte about kay Meiring, huli na. Hindi na nila naabutan sa hotel si Meiring. Kinuha na pala siya ng mga FBI, pinalabas na ng Pilipinas. Kaya ayun, nagalit talaga si Duterte kaya hinding hindi niya yan makakalimutan. Masakit talaga sa loob niya. Napakabastos nung ginawa nung CIA agent.

A Teacher's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon