This is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors.
Enjoy reading. ?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CALL CENTER AGENT PATAY SA AGAW MOTOR
Mas mahalaga ngayon sa mga kriminal ang mga puntriyang materyal na bagay kaysa ang buhay kaya’t animo’y parang manok na lamang kung pumatay ang mga ito.
Ganito ang sinapit ng isang rider na call center agent na binaril na parang isa lamang ibon kaya’t bigla na lamang nalaglag sa minamanehong motorsiklo sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.
Pero kasunod ng pagbagsak ng biktima at motorsiklo ay sumugod ang salarin at tinangay ang motor ng biktima.
May ilan namang nakasaksi sa pangyayari ang nagsugod sa biktimang si Ervien Dela Torre, 36, ng No. 6 Ramon Magsaysay St., Parang, Marikina City sa The Medical City subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng tinamong tama ng bala sa likod.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nangyari ang insidente dakong alas-dos ng madaling-araw sa kahabaan ng Ortigas Ave., kanto ng Meralco Ave., Bgy. Ugong, Pasig City.
Habang sakay ng motorsiklo ang biktima nang bigla na lang umanong sumulpot mula sa likuran ang suspek at biglang binaril sa likod si Dela Torre.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Randy Aurelia sa pinangyarihan ng krimen, marahan umano sa pagmamaneho ng motorsiklo ang biktima nang biglang barilin ito ng hindi kilalang suspek sa kanyang likuran.
Nang makitang bumagsak ang biktima mula sa kanyang motorsiklo ay agad itong lumapit at mabilis na minaneho ang motor ng biktima papalayo sa lugar patungo sa hindi mabatid na direksyon.
Agad namang pinagtulungan ng Bgy. Ugong Rescue Team ang biktima na maisugod sa pinakamalapit na ospital, kung saan binawian din ito ng buhay habang narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng .45 na baril.
Abante News
***
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Happy birthday Ervien. Dapat 30 ka na ngayon eh.. Curse the people who took your life. You don't deserve to die that way..
You only deserve to be with God now.
Although we clash, you always respect my opinion and ideas. I've learned a lot from you. You've added a beautiful chapter in my life. 6 months of knowing you felt like years.
After your birthday, I'll kill all these drama. Aalalahanin ko na lang yung good memories na naka-bonding kita. At oo na.. sige. Mag-i-smile ako. Kasi sinabi mo.
This was four years ago. And I still remember you. Happy birthday. I hope you are at peace where ever you are.