September 30, 2014
Tuesday
ALARM 5:45 AM
Rrrrrrng. Rrrrng. Rrrrng.
15 minutes pa.. Mamaya na ko babangon.
Alarm set changed to 6 AM.
--
Knock. Knock. Knock.
5 more minutes.. Please. Inaantok pa ko. :(
Knock. Knock. Knock. "Pril..?"
Ugh. Grrrr. Binuksan ko ang pinto.
"Phone po. Si Ate Wena ata."
Halata kong natakot si Janice sa itsura ko. (Si Janice ay ang aming babysitter/yaya ng mga pamangkin kong sina Zac, Zoe at Zai.) Mukha kasi akong mangangain ng tao. Eh kasi naman eh... >_<
Ako: "Hello?"
Ate Wina: "Ay. Prul? Dapat pala si Xen na lang. Papasok ka di ba?"
Ako: "Uh.. Uu."
Ate Wina: "Sige. Si Xen na lang. Patawag naman."
Ako: "Uh. Okay."
---
Sleep walk. Knock. Knock. Knock.
Ako: "Xen, baba ka. Phone. Si Ate Wina."
Sleep walk. Balik ng kuwarto. Higa ulit.
---
Knock. Knock. Knock. "Pril..?"
Ano na naman? Deja vu? Rewind? Take two?
Binuksan ko ulit ang pinto. Si Janice ulit. "Phone ulit. Si nanay." Tumango lang ako sa kanya. Takte. Wala na.. My time to sleep was already stolen. *sob*
Ako: "Uhm, ma? Baket?"
Nanay: "Itext mo si Wina. Sabihin mo ganito na lang gawing first aid. Paupuin na lang kamo si Godi pero itaas ng konti ang ulo tapos lagyan ng yelo habang naghahanap pa ng botika si Vixen."
Ako: (Napapaisip. Ano bang meron...?) "Uh.. Sige.."
"Good morning! Blue tshirt tayo cher ha..
7:30 tayo. Wag m agahan. Heheh! See you!"
FROM: Teacher Donna Pableo 6:18 AM
***
Kakaiba lang. Parang kelan lang napanaginipan ko siya, ngayon kasabay ko na siya sa byahe, tumabi pa siya sakin sa jeep. Jeepney Love Story na ba ituuu? Hahahaha. Asa! Ang aga aga. Kalokohan agad nasa isip ko.
Ako: "Uy!"
MJ: "Oi. San ka bababa? (Nagbayad, para sa sarili niya lang.) Bayad ho. Isa. Pasig."
Ako: "Pateros."
MJ: "Nagtuturo ka na ba?" <singhot>
Ako: "Yep."
MJ: "Saan?"
Ako: "Sa Makati."
MJ: "Anong school?" <singhot>
Ako: "Integrated Montessori Center."
MJ: "Ano? Hindi ko naintindihan."
Ako: (Imbes ulitin, tinuro ko na lang yung patch ng summer shirt ko.) Ayan. Basahin mo."
MJ: "Ahh. Hindi ko yan alam." <singhot>
Ako: "Branch lang yung amin. (Nagbayad ako, para sa sarili ko.) Bayad po. Pateros. (Magpapalibre sana ko kaya lang para kasing awkward. Badtrip na panaginip. Q&A tuloy kami. Hindi katulad dati na kwentuhan. Badtrip.) Bakit nagbayad ka na?"
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
Non-FictionThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?