November 18, 2014
Tuesday
I was 3 minutes late. Na late ako kasi dumaan pa ko kila Kuya Ric para bumili ng pamprize sa grade 3. The usual cloud 9 na tag php2.50 ang isa. Tama pala si T. Donna na 12 lang ang laman ng isang kahon na Beng Beng.
Late ako. Kaya this morning, hindi ko nakasalubong si kuyang bigotilyo.
Dati, sobrang affected ako pag nalelate ako. Pero hindi ko naman hawak ang oras o pwedeng pigilan ang pagtakbo nito. Ang dami ko ng lates pero hindi pa naman lumagpas sa 30 minutes. Lagi kong chinecheck kung binabawas ba nila yun sa payslip. Parang hindi. Kung hindi, eh di masaya. Siguro nagbibigay sila ng grace period. Ang maipagmamalaki ko lang ay yung wala pa kong absent. Hindi pa naman ako dinapuan ng matinding sakit kahit na mukha akong sakitin. Basta, matagal ko ng sinabi, sa December 5, naka set na. Planado na ang pag absent ko. Kaya kailangan matapos ko ng maaga lahat ng dapat ipasa for clearance.
I need to do a lot of tasks today like I always do. Plus, substitution for T. Shane because she's absent. Kahapon pa masama ang pakiramdam niya and she has fever. She really needs rest.
I am so confused with the topics in Filipino. Mas hirap talaga akong umintindi ng Filipino kaysa sa English. I need to translate every single word. I have a degree of English Language course pero we had more Literature subjects than Language. Sa tingin ko, kailangan kong mag-aral ulit para makapagturo ako ng maayos. Wala lang din kasi akong mahanap na matinong libro as references. Madalas akong mag rely sa internet which I agree with Princess Yasmin, "Cher, hindi naman laging tama yung nasa internet." However, I don't just rely to the internet, I also consult other teachers kapag sobrang nakakakabagabag yung mga aralin. Minsan I feel stupid na rin kapag hindi ko masagot yung mga tanong nila. Hindi naman lahat alam ko pero siyempre, I still want to be able to answer their questions on the spot. And the hard part is injecting humor with it. Kenkoy din ako minsan pero hindi bagay sakin yung ganung personality as a teacher. Gusto kong may matandaan sila sakin, yung tipong sakin lang nila nakita at natutunan. Hindi ko pa lang maisip kung ano.
Mastery Test na agad this coming Nov. 19-21. Ambilis na ng pacing. Pakiramdam ko ang daming lessons ang hindi namin natapos. Pero tiwala lang. Kaya naman siguro nila yun. Sa grade 5 nga, nalito na sa Filipino.. Pambawi ko na lang sa kanila yung bigyan sila ng matindi pero simpleng paraan para malaman yung tamang sagot. Aaralin ko na nga in advance yung lessons nila para di ko na kelangang mag on the spot.
Nung tinanong ko kasi si T. Riza, sinunod ko lang rin yung advice niya. Filipino teacher rin kasi siya. At since first time kong mag handle ng Filipino class, siyempre.. pati ako confused. Tinanong ko kung baliktad ba yung halimbawa dun sa libro kasi nalilito ako. Baliktad nga raw at yun ang naituro ko. Kaso, I realized na mali pala kami kaya nagtanong ako ulit kay T. Josie. Inanalyze ko kasi ulit. This time. Nang mabuti. Dun lang ako naliwanagan. Asaaar.
Deprived kasi ako palagi ng breakfast kaya hindi nag pa function ng maayos utak ko. -_- Haaay. Please naman po Lord. I need wisdom. Kung wala ako nun, wala akong maibabahagi sa mga estudyante ko. Pare-pareho kaming nganga. Ima-masters ko nga ang Languages para naman matuwa ako sa sarili ko. I am already asking Aileen that we enroll next year.
After Filipino class, Jana asked me, "Cher, naiirita na po ba kayo sa dalawang yun?" Pertaining to Bryan and Maynard na kaaakyat lang dahil gustong malaman kung anong itatanong ni Jana. Nagpaiwan kasi siya. Usually, kay Maynard lang naman ako naiirita rin talaga. Ang lakas kasi ng boses. Ang hirap makipagsabayan. Eh ang mga teachers, maghapong nagsasalita para mag discuss. Isama mo pa ang pagsigaw pag ang gugulo ng mga estudyante. She then had a follow up question, "Eh cher, saming lahat as a whole class? Cher, naiirita ka na ba cher?" There were Kristin and Princess. Na nagpaiwan din. The three of them waiting for answers. Actually, no. Unlike the other teachers na minsan suko talaga sa kanila, sakin, ok naman sila. Kahit sasampu lang sila at katumbas nila eh pang isang daan. Bata pa kasi sila. Marami pa silang dapat matutunan bago sila tuluyang maging responsable at mature. Keep the faith lang. Contained din kasi sila in the school since sila-sila lang din ang palaging magkakasama. At least, pag nakatuntong na sila sa Grade 7, they will be able to learn new things. Sana lang maalala nila yung sinasabi kong discipline. Okay lang naman kasi talagang gumawa ng kalokohan kung gusto talaga nilang gumawa ng kalokohan.. Kung matalino silang talaga, handa sila sa kahit anong consequences o outcomes ng gagawin nila. Cause and effect. Huwag lang silang iiyak sa bandang huli.
When I went back to the faculty, kausap ni T. Josie si T. Karen sa phone. Mukhang mainit na yung pag-uusap nila. Wala kasi pala talaga yung exam para sa English 5. Nireport ko naman yun kay T. Josie last week pa. Pinagtanong-tanong ko rin sa teachers, especially kay T. Donna kasi siya may handle sa grade 5 English class. Pero wala raw talaga. Ako lang yung nag double check pero hindi ako ang nag receive upon delivery dahil nasa Pasiklaban kami ni Gia. Sila T Elsha and T. Kristoff daawang nag update sa board. May check yung sa English 5, then wala namang check ang Hele 4, pero kasama na sa dineliver. Kaya ewan ko kung ano nga ba talagang nangyari. Basta ako lang yung nag sort out at nag double check.
Biglang pinasa sakin ni T. Josie yung phone. High blood na ata siya kaya ayaw niya ng makipag-usap kay T. Karen. I heard her say, "Ganito na lang teach, para hindi na tayo mag-away. Para wala ng argument, i-fax niyo na lang sakin dito kahit kami na lang magpa reproduce. Ano kasing gagwin natin? Eh wala talaga dito. Eto, kausapin mo si T. April. Siya yung inutusan ko na mag double check ng mga test papers."
When T. Karen talked to me, maayos naman siyang kausap pero halata na rin na irita siya sa boses niya. "H
Good afternoon teach, pasensya na po. Kaya lang wala po talaga yung test paper for English 5. Iba po ang nagreceive nun tapos dinouble check ko lang po. Pinagtanong ko na rin po sa mga teachers pero wala raw po talaga. Kung pwede po sana, yung sina suggest na lang po ni T. Josie. Pasensya na po talaga teach." Hindi ko alam din sasabihin ko, on the spot. Humility na lang. Bahala na mapagalitan kahit wala naman akong kasalanan. Panay tuloy ang sorry ko.
T. Karen: "Hindi ganun kadali yun teacher. Importanteng dokumento yung mga ganyan. Pag maglalabas tayo ng mga ganyan, dapat may letter. May approval signed by T. Myrna. Hindi yun basta-basta. At saka kasi antagal na yan pinadala dyan. Dapat na check niyo at kung may problema, nireport na agad. Eh tinatanong ko si Ate Marnie, ang sabi nadala na raw dyan. Kumpleto na raw. Next time teach ha. Please. I check na agad. Kasi tulad ngayon, ako ang inaaway ni Ate Marnie kasi kumpleto na naman daw yan. Sige. Gagawan ko na lang ng paraan."
Ako: "Yes po teach. Noted po. Ireremind na lang po sa whiteboard para po hindi makalimutan. Pasensya na po teach. Thank you po."
Pagkatapos ng mainit naming pag-uusap, umakyat na ko sa grade 3. Dala-dala ko yung prize nila. Sub ako kay T. Shane. Nag lesson na lang ako sa Reading. After that, nag lunch akong mag-isa. Super late lunch na naman. Balik ulit grade 3 by 2:20 PM. This time, nag lesson naman sa Language. May mga kakaibang ugali talaga yung mga bata pag disappointed. Lalo na si Sophia. May dark aura kapag hindi sa kanya pabor yung mga nangyayari. Lalo na pag nagkakamali siya. Nag review game kami. Sana lang makatulong para mas ganahan silang mag-aral pa ng mabuti.
I went to Hailey's para ireview siya for English, Music and Art. Nag focus lang kami sa English. Magaling kasi tong batang 'to na nag salita. When you hear her talking, you might think English is her native tongue. But no. She's actually having a hard time in writing ang spelling. We also had a little bit of Math. She was able to solve 28 multiplication numbers within 5 minutes. At first, she got 26. In our second try, she improved 1 point with 27 over 28. As usual, she keeps on forgetting. Nahahawa na nga ata ako sa batang 'to eh. -_-
I was given by Hailey's grandma php1500 today. When I checked it at home, I figured that it would be my payment including the tutorial I had tonight.
Thank you Lord. You are truly my provider~
BINABASA MO ANG
A Teacher's Diary
Non-FictionThis is a collection of my thoughts, my random days journal, selected written outputs and literary pieces from various famous and infamous authors. Enjoy reading. ?