Ika-44: Regime of the First Magíssa

2.3K 88 10
                                    

Ikaapatnapu't-apat na Kabanata
Regime of the First Magissa

Gumugulo sa isipan namin ni Margaret ang mga sinabing 'yon sa'min ng nagpakilalang punong babaylan ng palasyo na si Elizea.

"Ang itinakdang tagapagligtas at tagapagtanggol."

Halos ilang araw naming pinag-isipan 'yon. Hanggang sa napagdesisyunan naming bumalik ng palasyo upang harapin muli si Elizea.

Nang makarating kami sa palasyo ay agad kaming dineretso sa silid-sambahan ni Mulciber, ang diyos na dragon ng apoy, ng Stavron.

At pagpasok nga namin doon, naroon na si Elizea, at sina Emperador Iolious at Emperatris Antheia.

"Ang aking Avo at Avina," sambit bigla ni Alexeus.

"Ang naging paghirang kina Margaret at Avo Marcus bilang mga unang tagapagligtas ng Stavron ay gaya rin ng nangyari sa inyo. Noong una'y nag-alinlangan ang dalawa, lalo na si Margaret. Nahirapan siyang tanggapin ito noong una ngunit sa matinding kagustuhan din nitong makauwi sa kanyang mundo ay pumayag na rin siya. Tutal ay wala rin naman siyang ibang alam na paraan," tugon ni Blasious.

"Ipinagkaloob ng babaylan kay Avo Marcus ang sandatang tinatawag na Flago, ang espada ng sagradong apoy na nagmula pa kay Kokkinos, ang bugtong na anak ni Mulciber, tagapangalaga ng mga kosmima, at mensahero ng mga diyos," dagdag pa nito.

"Si Kokkinos! Ang tumulong sa'kin upang maging Magissa ng Fotia," sambit ko nang may pagkamangha.

"Tama, naalala ko na. Diyan ko 'yon nabasa. Kaya parang pamilyar sa'kin ang pangalang Kokkinos," sambit ni Alexeus.

"Ipinagkaloob naman kay Margaret ang Stefani, ang ginintuang pulseras na magsisilbing sisidlan ng mga makukuha niyang kosmima. At nang matanggap niya ito ay nakapaloob na rito ang kosmima ng apoy," tugon pa ni Blasious.

Napatingin naman ako sa aking stefani na ngayo'y naglalaman na ng tatlong kosmima.

"Sa kanilang paglalakbay, una silang napadpad sa Imperyo ng Cascadia dahil 'yon ang isinaad ng katheftris, ang mahiwagang salamin na ipinagkaloob sa kanila ng babaylang si Elizea. Doon nila nakuha ang una nilang kosmima. Ang kosmima ng hangin. Nakuha nila ito mula sa pakikipagtuos sa pinakamalakas na kabalyero ng imperyo, si Andronikus," pagpapatuloy ni Blasious.

"Sumunod ay sa Hagnos. Nakuha nila ang kosmima ng tubig mula sa pagkakaipit nila sa digmaan sa pagitan ng mga tribo ng Fidi at Arkouda," pagpapatuloy pa niya.

"Arkouda?" usisa ko.

"Tribo ng mga taong oso. Mga taong malalaki ang pangangatawan. Tapos ay may tainga, buntot, kamay at paa na tulad ng sa isang oso," paliwanag niya.

Nagkatinginan kami ni Alexeus. "Mabuti na lamang at hindi kami napadpad sa tribo ng Arkouda. Mukhang nakakatakot do'n," sambit ko.

"Nakuha naman niya ang kosmima ng psyche nang makalaban nila si Mikadou, ang nilalang na nanggulo noon dito sa Aegaeon noong mga panahong 'yon. At doon din nagising ang tunay na kapangyarihan ng kosmima. Si Margaret ay naging isang babaeng may pulang buhok at mata, o ang--"

Naputol ang sinasabi ni Blasious nang bigla akong sumabad. "Magissa ng Fotia."

Sa mga pinagdaanan namin ni Margaret sa aming naging paglalakbay sa paghahanap ng mga kosmima ay lalong tumitibay ang aming samahan. At bukod do'n, lalo ding lumalalim ang aking nararamdaman para sa kanya.

Sa tingin ko'y mali ang aking nararamdaman 'pagkat alam kong hindi kami maaaring magkasama. Dahil magkaiba ang mundong aming pinanggalingan. Alam kong darating ang panahong magkakahiwalay din kami dahil babalik na siya sa kanyang mundong pinanggalingan.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon