Tristan's POV
Flashback..
Nag aayos na ako,para pumasok ...excited na excited ako dahil ngayon ang 6 months namin ni Hailey...
actually nagpa reserved na ako ng isang spot sa isang restaurant...mahal pero pinagipunan ko talaga yun ..dahil gusto Kong mabigyan nang magandang memories si Hailey kasama ako...
pero papalabas na sana ako,nang biglang bumungad sa akin si Abby...umiiyak ito at nanginginig sa takot...agad ko siyang pinapasok at ikinuha ng tubig...
tinanong ko kung ano ang nangyari,at ikinuwento naman niya agad...
dahil ang boyfriend daw niya ay isang miyembro ng sindikato at sinasaktan siya at pinagbabantaan na papatayin kapag Hindi siya nakapagbenta ng drugs ....natakot rin ako sa pwedeng mangyari sa kanya...kaya sabi ko ay manatili na muna siya sa bahay ko.at mamaya pag uwi ko ay pag uusapan namin ang problema niya...pero bigla nalang siyang umiyak parin ng umiyak...kaya kahit masakit na Hindi ko agad makita si Hailey ay binantayan ko Muna siya hanggang sa makatulog..
Pero lumipas ang minuto ay Hindi parin siya natutulog...tumayo siya at nagtanong kung may stock ba ako nang alak...sabi ko oo meron...
pumunta siya sa kusina at pagbalik ay meron na siyang dalang tatlong beer.. yung isa ay pilit na inaabot sa akin...pero tumanggi ako dahil may pasok pa nga ako..
pero dahil sadyang makulit ay ipinilit parin niya ang beer sa akin...at nangako siyang pagkainom ko non ay pwede na akong umalis..
at dahil gusto ko nang umalis ay agad ko nang tinungga ang beer...at nang naubos ko ay saka na ako lumakad palabas...pero Ewan ko kung anong nangyari at bigla na lang akong bumagsak at bigla nalang nagdilim ang paningin ko...
flashback end...
At ngayon ay nagising nalang ako sa lakas nang pagkakasamapal sa akin ng sinuman...
"What the....galit Kong sigaw!at nandumilat ang mata ko nang makita ko si Hailey na umiiyak at galit na galit habang nakatingin sa akin..
" he-hailey...what happened...agad Kong tanong sa kanya...at nung lalapit na sana ako ay biglang natanggal ang kumot na bumalot sa katawan ko..at nagulat ako nang ni isang saplot ay wala na ako...Hindi ko alam ang nangyari pero agad Kong hinanap si Abby sa paligid at ganun nalang ang panglulumo ko dahil pakiramdam ko ay naulit na naman yung dati....
at pagharap ko Kay hailey ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa pisngi ko..at sa lakas non ay halos mapatabingi ang muka ko...
tinignan Kong muli siya..at parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko sa kanya.. sakit at galit ang nakikita ko sa mga mata niya...
"Bakit Tristan...bakit mo nagawa ito.. " turan niya habang walang tigil sa pagtulo ang luha niya...at nasasaktan ako para sa kanya...
"Hailey...tawag ko at pilit Kong kinukuha ang mga kamay niya ...pero ganun na lang ang gulat ko nang hawiin niya ang kamay ko..." Don't touch me"...sagot niya pa...
"Hailey" tawag Kong muli..hindi ko na alintana ang itsura ko..basta ang mahalaga ay maipaliwanag ko ang side ko..
tuloy parin siya sa pag iyak..."bakit kailangan mo Kong saktan sa ganitong paraan.. ha!Tristan..sana kung ayaw mo na sa akin ay kinausap mo nlang ako nang maayos..baka matanggap ko pa ...pero ito hindi ..iyang ginawa niyo ni Abby ay hinding Hindi ko kayang tanggapin.."..sigaw niya "ang sakit sakit dito Tristan...turo niya sa dibdib niya...
hindi ko alam kung ano pa ang pwede Kong gawin.para mapatunayan sa kanyang wala akong Alam sa nangyayari. pero siguro saka ko nalang siya kakausapin kapag malamig na ang ulo niya..dahil kahit anong gawin ko ay alam Kong Hindi niya ako pakikinggan ...
tumayo siya at lumapit sa akin akala ko ay sasampalin niya ulit ako,pero lumapit siya sa akin para punasan ang muka ko gamit ang palad niya.
madiin niyang pinupunasan ang muka ko at talaga namang sumasakit ang muka ko sa ginagawa niya.. ramdam ko ang galit..pero tiiisin ko basta ang kapalit ay mapatawad niya lang ako..
"Tristan...tawag niya sa akin ..agad ko siyang tinignan..
" Tumayo ka at maligo...aalis tayo
turan niya habang nakakatitig parin...Hindi agad ako nakakilos at dahil don ay nakatikim ako nang isang malakas na hampas sa braso..."ouch!that's hurt".. angal ko,pero Hindi naman galit...
" hurt?..pasalamat ka nga iyan lang ang natanggap mo..kaysa naman sa natanggap ko!...madiin niyang sabi at nagbalik na naman ang pagiging seryoso nang muka niya...agad na akong tumayo at dire diretsong pumunta nang banyo...at narinig ko na lang ang pagsipol ni hailey ....lihim akong natuwa. pero ang mahalaga ngayon ay Hindi niya ako hinawalayan....dahil kung nagkataon hindi ko alam ang magagawa ko Kay Abby....
BINABASA MO ANG
Ako si TRISTAN "ANG LALAKING,WALANG PAHINGA"
RomanceAko nga pala si Tristan Mendoza, isa akong scholar sa school na pinapasukan ko..19 years old, gwapo, matalino at hindi naman sa pag mamayabang isa akong habulin ng mga babae sa campus namin..ultimo teacher's humahanga sa akin..pero kahit kailan hind...