Introduction
Bessie Introduction palang ito ha. :-)
Author's POV
Masayang namimili ng gamit sa eskwelahan ang mag amang Axe At Ashanti kasa-kasama ang mga kababata nito na inampon nila na si Nahzury at Maximus at Magnus.
Masayang kumukuha ng mga gamit si Nahzury at nilalagay sa cart na hila hila ng kanyang ama na halos mapuno na. Namimili sila ng mga gamit sa eskwelahan dahil papasok na si Ashanti sa eskwela at daycare na siya sa pasukan kaya naman mamimili sila samantalang si Nahzury ay Kinder sa pasukan si Maximus naman ay Grade 2 at si Magnus na 4th year high school na.
"I want this. Dad look this is so cute i want to put this in my room." masayang sabi ni Ashanti sa kanyang ama na hawak hawak ang isang malaking kulay pulang bubuyog agad naman na lumapit ang dalawang batang lalaki sa kanya at tiningnan ang hawak niya.
"Bwahahaha." malakas na tawa ng dalawang batang lalaki sa kanya.
"Why? Dad diba kyut siya?" masayang tanong ni Ashanti sa ama. Tinanguan lang ito ng kanyang ama at napapatawa narin sa itsura ng kanyang mukha na sobra ng taba ng pisngi dahil sa pagnguso nito.
"Hahaha, look Daddy Ash like Jollibee Bwahahaha."natatawang sabi naman ni Maximus na tinuturo pa si Ashanti. Na agad naman na ikalungkot ni Ashanti dahil tinatawanan ang kanyang paboritong laruan.
"Why? Is there any problem with my Jollibee?!" nangingiyak na sigaw ni Ashanti kay Maximus.
Agad naman na inawat ng ama ang mga anak at pinagpatuloy na ang pamimili ng gamit. Pagkatapos mamili ay dumiretso sila sa cashier at binayaran lahat ng kanilang pinamili.
Dumiretso sila sa paboritong kainan ni Ashanti kung ano ang hilig niyang laruan yun din ang hilig niyang kainan ang Jollibee. Nagpunta sila roon at masayang umorder ng mga gusto nila samantalang si Ashanti ay busy na busy sa pakikipaglaro sa kanyang mahal na laruan.
"Dad." tawag ni Ashanti sa ama at agad naman nitong nilingon.
"Mm. Baby why?" tanong ng ama sa anak agad naman na dumating ang order nila kaya inasikaso niya at ng kanyang kasamang katulong.
"Dad paano kung mawala ako. Iiyak ba kayo? Kasi kapag nawala sakin si Jollibee iiyak ako." seryosong sabi ng bata kaya naman napahinto ang ama sa kanyang ginagawa at tinuon ang sarili sa anak. Nginitian lang nito ito ng pilit dahil masyado siyang natakot sa tanong ng bata na animoy kahit anong oras mawawala ito sa kanya.
"Yes, i cried, pero di ko hahayaan na mawala ka sakin Baby. Lagi akong nasa tabi mo kahit kelan. " sabi ng ama sa kanyang anak ngitian lang niya ito at hinalikan sa noo. Tiningnan niya ang ibang mga batang kasama nila at nagtataka rin sila sa tanong ng batang Ashanti dahil sa edad na iyun ay naitatanong na niya iyun
"I love you Dad. Promise me na wag mo akong iiwan ha. At lagi mo akong babantayan Daddy. I love you so much." sabi ng bata sa kanyang ama at agad na yumakap, yumakap rin ang kanyang ama sa kanya dahil feeling niya huli na itong pagkakataon para mayakap ang anak.
Masayang kumakain sila, nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Makikita sa mukha ni Ashanti ang sobrang saya dahil sa pagpapatawa ng katulong na kasama niya. Pinagmamasdan lang ni Axe ang anak na tumatawa at ngumiti sa bawat sandali. Ninanamnam niya ang bawat sandali na kasama ang anak dahil parang huling beses na niya itong magagawa.
"Promise my Little Ashanti. I love you too. And remember Daddy is always here okay and ikaw lang ang nag iisang prinsesa ko. At ako ang hero mo. " nakangiting sabi ng ama na ikinangiti ng bata at agad na yumakap sa ama.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Teen FictionAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...