Part 57: 'Protector'

26 14 0
                                    

ASHANTI’S POV

Nakarating sa akin ang balita tungkol sa pag-aayos ng Familia ng ilang mga lugar na nakasulat sa file kung saan andoon ang ilang mga tinatago ng Organization.

Nakarating sa kanila ang balita na mabilis na nai-ayos ang mga ilang lugar at wala silang alam kung sino ang nagpa-ayos ng mga ito.

Kung may isang tao na katulad ko na makakahata kung sino ang nag-ayos noon, masasabi kong napakatalino niya para masabing ako. Dahil sobrang talino niya talaga at sa dinami dami ng pwedeng mapagbintangan ay ako ang nasabi niya at tama naman siya roon.

Nakarating kami rito sa China kahapon at hindi muna kami gumagawa ng kahit anong aksyon ni Ribo, nagpapahinga lang kami at gumagala gala para naman masulit rin namin ang pagpunta rito.

May pupuntahan kaming napaka-importanteng tao, talagang sinadya namin talagang magpunta sa China para makilala siya at makausap siya. Siya pa mismo ang nag-email sa akin para tulungan ko siya sa problema niya.
Syempre mabait tayo, kaya naman hindi natin kailangan tanggihan ang mga nangangailangan.

Pagkalabas ng hotel ay agad kaming sumakay sa kotse na na-assign bodyguard namin rito sa China. Talagang kumuha pa ako ng bodyguard rito sa China para lang may magprotekta sa amin, mahirap na baka kilala ako rito at baka mas lalong maging mahirap ang sitwasyon ko kapag nakilala ako rito.

Pupunta kaming NextGen Gaming Company, na pagmamay-ari ni Zhuang Leng. Nag-email siya sa akin bago ko napagdesisyunan na makita si Ferrer at humingi ng tulong rito, gusto ni Zhuang Leng na tulungan ko siya dahil bankrupt na ang kompanya niya at wala na siyang ari-arian para maipambayad sa utang.

Kaya noong nag-email ako sa kanya, sinabi ko na bibilhin ko nalang ang kompanya niya at babayaran lahat ng utang niya sa isang kondesyon. Katulad nina Mr. Harisson at Mr. Yale ang gagawin niya, akin ang kompanya isasama ko siya sa Ashanti Liyan Lane Group of Companies then sila magpapatakbo ng kompanya.

Sinabi naman niya na sa personal nalang niya sasabihin ang kanyang sagot tungkol sa sinabi ko, paniguradong nagtanong muna siya kay Mr. Yale tungkol rito dahil si Mr. Yale naman ang nag suggest sa kanya sa akin.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating kami sa building ni Mr. Zhuang, malaki ang kompanya at masasabi mong maganda ang pamamalakad nito dahil sa ganda ng pagpapagawa rito. Mataas at malawak ang space masasabi kong mas malaki ang kompanya na ito kesa sa Creative Dine Corporation kung saan 42 floors lang ang meroon pero ito mukhang nasa 50 plus ah.

Lumabas kami sa sasakyan ni Ribo at agad na nagbigay sa amin ng pa-welcome ang mga taong ito na nasa harapan, nakita ko agad si Mr. Zhuang agad akong lumapit at bumati sa kanya. Kailangan bago ka makipagkilala sa isang tao lalo na kung business meroon kang hawak na tungkol sa kanya.

“Ni hao, Mr. Zhuang Leng.” sabi ko sa kanya sabay bow, bumati rin siya sa akin, at agad niya akong inalalayan na pumasok sa kanyang kompanya.

Wala masyadong tao rito sa kompanya niya, halatang wala na talagang pag-asa pa ang kompanya niya kaya ganito ang nangyari. Nawalan ng trabahador.

Sumakay kami sa elevator kasama si Mr. Zhuang ang aking dalawang bodyguard at ang secretary ni Mr. Zhuang. Tahimik lang kaming tumataas papuntang 54th floor. Grabe naman palang taas nito ei.

“Welcome to NextGen Gaming Company.” sabi niya ng makalabas kami ng elevator, ngumiti naman ako sa kanya ng pagkalapad lapad para ipakita ang pagiging masaya ko.

Pumasok kami sa isang office, office niya at pinaupo kami sa sofa. Dumating ang isang babae na may dalang tea para sa amin at ibinaba iyon sa lamesa kasama ang mga cake.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon