Part 12: Acquaintance Party

69 50 1
                                    

ASHANTI'S POV

Malamig na hangin, magandang gabi, bilog na buwan, at mga nagkikinangan na bituin ang makikita. Nasa harap ako ngayon ng school namin, maraming tao. Bakit?

Ngayon na ang araw ng Acquaintance namin kung saan kapartner ko si Khane na nasa tabi ko ngayon.

"Imagine that you and me is the one whose here in the party." Napangiti ako sa sinabi niya habang hawak hawak ang kamay ko, at nagpatuloy sa paglakad sa mahabang red carpet na ito.

Isang lingo na rin ang nakakalipas simula ng manligaw sakin si Khane, pinakancel ng school ng last Saturday ang party kaya ngayon ginanap. At masasabi ko na sa isang lingo na iyon nakikilala na namin ni Khane unti unti ang isa't isa.

Lumalakas ang tunog na nagmumula sa speaker, at lumalakas rin ang kabog ng dibdib ko, na para bang nag-exercise ako magdamag at hindi tumigil hanggang sa pagod na pagod na.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Khane kaya napatigil siya sa paglakad at ganun din naman ako. Hindi ko alam, pero kinakabahan ako, ngayon lang ako nakapunta sa isang party sa school.

"Why?" tanong niya sa akin. Tumingin siya sa mga mata ko kaya naman, yumuko ako.

"Pwede bang mag back-out?" tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko, at itiningala ako paharap sa kanya. Yumuko siya na kaunti na parang magkalapit ang mga mukha namin.

Amoy ko na ang mabango niyang hininga, at ang kanyang perfume na sobrang bango na parang siya lang ang mayroon ng ganoong klase na pabango.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang dalawang pisngi ko. " Hangga't nasa tabi mo ako, wala kang dapat ipagpakaba." Sinabi niya yan habang nakangiti sakin. Inakbayan niya ako at nagsimula na muli kaming maglakad papasok sa lugar kung saan gaganapin ang party na ito.
Ashanti, tama ang sinabi ni Khane hangga't asa tabi mo siya wala kang dapat ikakaba kaya naman makakaya mo yan, si Khane ang gawin mong inspiration mamaya. Haha, ano kayang klaseng pag-iinspire meron siya?

Nang makapasok na kami sa field makikita ang malaking stage at ang napakagandang ginawa sa lugar na ito, maraming mga lamesa at upuan ang nasa loob ng field na ito sadyang pinuno ng upuan at lamesa ang running field na ito sa dami ba naman ng kasali sa party na ito. Ang buong junior high at ang 1st year college na iba't iba pa ang courses.

"Don muna ako friends ko pwede?" tanong ko sa kanya ng makita ko na kumakaway sina Nahzury sakin. Tumango naman siya bilang sagot at hinatid niya na muna ako kay na Nahzury na nakaupo sa pinakaunahang table.

Nang malapit na ako sa kanila, naririnig ko silang nagtitilian. Anong meron sa mga ito? Masyado atang nasiyahan sa view.

"Hi." Bati ko sa kanila ng nasa harapan na ako nila si Khane naman ay nagpalingon lingon sa paligid na parang may hinahanap.

"Ash, dito kayo umupo oh." Turo ni Hillary sa dalawang upuan na nakatapat sa kanila. Pabilong ang lamesa na ito na kasya sa anim. At ang pinakaayos nito ay hinati sa dalawa.

Nasa magkabilang gilid ang mga lamesa at ang nasa gitna ay ang napakahabang carpet na daanan ng mga tao.

"Ash, bakit hindi mo kami ipakilala sa partner mo?" tanong sa akin ni Zury.

"Ano ba nakilala niyo na siya diba?" tanong ko sa kanila.

"Saan?" tanong samin ni Yvette.

"Diba don sa kidnap chuchu." Sabi ni Nahzury sa dalawa napatingin sa akin sina Yvette at Hillary na parang may tanong sa kanilang mga mukha. Kinindatan ko sila, para malaman nila.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon