ASHANTI'S POV
Hindi ko makalimutan ang sinabi ng isang babae sa akin kagabi. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang kanyang pinapahiwatig. Hindi ko rin alam kung kakilala ko siya o isang kamag-anak dahil sobra niyang saya ng makayakap niya ako. Na para bang ilang taon kaming hindi nagkikita sa sobrang ganda ng ngiti ng kanyang mga mata.
Flashback
Naandito ako sa isang room sa kabilang building, hinatak ako rito ni Zia at dalawang tao na hindi ko kakilala, sa pag-alis nila ay may lumabas na babae na nakagown ngunit may nakataklob ang mukha niya, mayroon siyang itim na mask at itim na shades.
“Miss walang araw sa gabi. Wag tanga.” Pabiro kong sabi sa kanya. Bakit ba siya nakashades ei gabi na nga. Ano siya artista?
“Kamusta? Okay ka lang ba?” yan lang ang sinabi niya sa akin. Ano long time no see lang ang peg ganun?
“Hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kakilala, pasagot sino ka ba?” Tanong ko sa kanya, nakapamewang na ako habang sinasabi iyon.
“Isa akong tao na mahalaga sa iyo.” Taong mahalaga? Bakit? Sasakyan ba siya? Para maging mahalaga sa akin?
“Bakit taong ginto ka ba?” yan lang ang naitanong ko sa kanya.
“Sabihin na natin na magkapatid tayong dalawa. Kaya napakahalaga ko para sa inyong lahat.” HA? Kapatid? Wait kapatid ko ba ito sa ama? Shocks so may kabit nga ang Daddy ko, sabi ko na nga ba ei. Malandi ang daddy ko andaming asawa.
“Totoo ba ang sinasabi mo?” tanong ko sa kanya, kailangan kong isure kung kapatid ko nga siya sa Ama. Baka mas mayaman pa ito sa akin noh? Mapirahan nga! Hahaha.
Lumapit siya sa akin at yumakap, shocks? What is this? Hold up Hold up! Umalis siya sa pagkakayakap ko, at hinawakan ang pisngi ko. Hala siya nainlove na ata ito sa akin.
“Kung alam mo lang Ashanti.” Yan lang ang sinabi niya, nagtaasan lahat ng balahibo ko pagkasabi niya ng pangalan ko. Biglang may malamig na hangin na yumakap sa akin. Shocks! Minumulto ba ako?
“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” tanong ko sa kanya. “Matagal na kitang kilala, ikaw lang ang may hindi kilala sa akin.”
“Kamusta ka? Kamusta kayo? Mahal na mahal kita kung alam mo lang. Mag-iingat ka lagi ha. Magkakasama na tayo kaunting tiis lang. Mahal na mahal kita Ashanti, sana ganun ka rin sa akin.” Habang sinasabi niya, hindi ko alam pero tumutulo ang luha ko habang pinariringgan ang sinasabi niya. Sino ba siya? Bakit ako nagkakaganito? Bakit ako naluluha ng ganito?
“Ito lang ang sasabihin ko sayo, wag kang basta-basta magtitiwala sa mga tao, mapanlilang sila. Huwag mong hayaan na lamunin ka ng galit, kilala kita Ashanti. Sana bumalik ka na sa dati. Sana maalala mo na kami, dahil ikaw hindi ka namin nakakalimutan.”
Anong sinasabi niya? Hindi ko maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig, sino ba kasi siya?
“Hayaan mo, hindi man kita kilala. Hindi ako basta magtitiwala sa kanila. Mag-iingat ka rin kung sino ka man, hayaan mo hindi ko man ikaw/ kayo maalala pipilitin kong hanapin ka sa memorya ko kahit matagal na.” yan lang ang sinabi ko sa kanya at niyakap siya.
“Huwag ka sanang magagalit kung iniwan at pinabayaan ka namin, pero hayaan mo binabantayan at pinoprotektahan ka naman namin.” Yan lang ang sinabi niya nang biglang bumukas ang pintuan ng room na ito.
“Miss, aalis na po tayo, tumawag na po si Boss.” Yan ang sinabi ng isang bodyguard ng sumilip siya sa amin. Umalis siya sa pagkakayakap ko. “Give me 5 minutes.” Yan lang ang sinabi ng babaeng kaharap ko.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Fiksi RemajaAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...