ASHANTI'S POV
Lumakas na ang hangin, at lumalamig na ang paligid, nagpaparamdam na ang nalalapit na Pasko. Tumingin ako sa ulap ang ganda ngayon ng mga itsura ng mga ulap talagang napagaling lumikha ng diyos sa lahat ng bagay.
Napatingin ako sa baba, nakita ko ang isang lalaki na may mga kasama na kumakaway sa akin, pinalawak ko ang aking mga mata para maaninag siya. Malay mo hindi ako ang kinakawayan edi para ako ditong tanga hahaha.
"Babe?" agad kaway ko sa kanya ng maaninag ko na siya pala ang nakaway. Kinuha niya ang cellphone niya at halatang may tina-type, biglang nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at may nakita ako message galing sa kanya.
[Lunch together, maya?]
Napangiti ako sa message niya at napatingin sa kanya binigyan ng thumbs up na sagot at nag type rin sa keyboard ng cellphone ko. "Sure, I miss having lunch with you." Sabay send.
[Makinig ka na diyan babe, iniimagine mo nanaman hot kong body. See you later, iloveyou <3] napatawa ako sa sinabi niya, what hot daw? Sabagay hot naman talaga siya ahaha.
"See you, ily." Sabay send at tago ng cellphone sa bulsa. Nakinig lang ako sa President namin na sinasabi lahat ng requirements na kailangang ipasa bukas.
Oo bukas agad, ganun katatanga teachers dito sa school naming, ngayon binibigay lahat tapos kinabukasan ang pasa. Oh diba sinong hindi maloloka?
Hindi mo maintindihan kung anong uunahin mo na subject sa sobrang dami noon. Pero pagkatapos ng pagpapasa ng mga kailangan nila, fresh na ulit kami.
Kasi wala na kaming iintindihin na requirements wala muna kaming klase ng isang linggo, dahil nag aayos sila ng grades.
Oh diba? Antanga ng pamamalakad ng President nitong school namin, oy wag kayo maingay, si mommy nagpapalakad nito AHAHA.
Pagkatapos sabihin lahat ng requirements ay nag si daingan ang mga kaklase ko, kesyo bakit daw hindi noong isang linggo binigay. Kesyo bakit daw late nagsabi.
Kesyo daw gagawin niyo na ba kaming loka loka. May point naman sila doon ah, bakit nga ba hindi nila binigay ng mas maaga, para makapaghanda kami. Tapos kapag sinabi, asal na itong project mo ah.
Sasabihin lang nila, sorry ma'am wala pa kaming tulog noong ginagawa namin yan"Bakit ba kasi hindi tayo magreklamo?" tanong ni Yvanna yung kaklase ko na Secretary namin. Nakatingin lang ako sa kanila na nagrereklamuhan. "Sino bang may lakas ng loob na magreklamo sa mga iyon, edi nagsumbong ang mga yun sa dean."sabi ni Sunshine.
"Oo nga noh." Sang ayon ng lahat, pero napatingin sakin si Olivia ang President namin.
"Meroon na akong plano." Sabi niya.
.
..
...
....
"Shit! Olivia! Sunshine! Bitawan niyo nga ako!" sigaw ko sa dalawa, ako yung plano nila sa mga balak nila, hinahatak nila ako ngayon papunta sa faculty office.
"Bakit ba kailangang hinatakin?" tanong ko sa kanila. "Kanina ka pa kasi natakbong gaga ka!" sigaw ni Olivia sabay batok sa akin. "Loka! Kapag ako nakaalpas tuktok kayo sa aking lahat."
Banta ko sa kanila, hinahatak ako ng dalawang babae na ito sa kamay habang may dalawang lalaki naman na tinutulak ako sa likuran.
Habang naglalakad kami sa lobby ay ang ilan ko namang kaklase na kasama namin ay sigaw ng sigaw. "Gusto niyo ba ng extension para sa pagpapasa ng sandamakmak na requirements?!" sigaw nila sa bawat room.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Novela JuvenilAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...