ASHANTI’S POV
“Sorry I’m late.” sabi ko sa matandang nag-iintay sa akin sa isang restaurant. Nakipagkita ako sa kanya dahil may kailangan akong malaman tungkol sa mga nalaman ko kahapon. Hindi ko kailangang magpa-isang araw pa. Masyadong mahalaga ang mga itong mga kailangan ko para ipagpapabukas pa.
“It’s okay Miss, shall we order first?” pagkasabi niya noon ay agad akong tumango sa kanya, tamang tama kasi hindi pa ako nag-aagahan tumakas lang ako sa mansion para makausap siya ngayon. Pero nasundan pa rin ako ng mga butler na naka- assign sa akin at ayon sila nasa labas nagbabantay sa entrance ng restaurant.
“Waiter please.” pagkarating ng water at agad akong nagbigay ng aking inorder pagkatapos ay agad kaming nagkamustahan kami nitong si Mr. Santiago ito iyong taong tinulungan ko na mapasakanya ang kompanyang kinuha ni Montellier. Mahabang kwento pero nagtitiwala na ako sa kanya ngayon.
“Tanda mo ba ang sinabi mong pangalan na Mr. Axe Sy? Tingin mo saan ko siya makikita?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “Anong ibig sabihin ng ngiti niya?”
“Alam mo Miss, mahirap tuntunin kung nasaan si Mr. Sy sa ngayon, sa dami ng tahanan at negosyo niya maaring nasa ibang bansa o nasa ibang lugar siya ngayon.” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Pero nakita mo na ba siya miski isang beses?” tanong ko sa kanya. “Oo miss marami ng beses, marami na kaming meeting na pinagsamahan, at minsan nga ay nagkikita pa kami kapag may mga importante kaming ginagawa sa ibang bansa."
“Member ka ba ng Org?” pagkatanong ko sa kanya ay nanlaki ang mata niya sa akin.
Alam ko na ang ibig niyang sabihin. “Member ka diba? VIP member! Bakit ka sumali?” tanong ko sa kanya, pero tumahimik lang siya hanggang sa dumating na ang order namin. “Dahil kailangan kitang protektahan.” nakangiti niyang sabi, napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. “Ako proprotektahan?” natatawa kong sabi.
“Nagpapatawa ka ba Mr. Santiago?” tanong ko ulit sa kanya.
“Malamang para sa iyo nakakatawa ang sinabi ko. Ginawa ang Organization para may protektahan. Maraming bagay na pinoprotektahan ang Organization na ito, hindi lang mga kapakanan ng mga bansang sakop ng Organization ito, hindi lang tungkol sa mga taong taksil sa bayan, o may kasalanang nakapalaki sa lipunan. Ikaw ang top priority ng Organization.” nakangiti niyang paliwanag sa akin.
Mabilis kong dinampot ang juice na nasa harapan ko at agad na sinimsim ito. Anong pinagsasabi niya? Anong top priority? Lalo akong naguguluhan sa mga nalalaman ko, lalong sumasakit ang ulo ko sa mga ganito.
“Paano ko nakilala ang anak mo?” tanong ko sa kanya. “Pinorektahan mo siya diba? Hindi mo tanda?” tanong niya sa akin, napailing ako sa sinabi niya.
Wala akong matandaan, anong pinoprotektahan?Inisip ko ng mabuti kung ano ba sinasabi niya, pero wala akong matandaan miski isa sa mga pinagsasabi niya tungkol sa pinoprotektahan ko ang anak niya. “Bata ka pa noon Ashanti at wala ka pang alam sa mundo kundi maglaro ng paborito mong laruin na Bee.” napakuyom ako ng palad sa narinig.
BEE? Ang ayaw ko sa lahat naririnig ko ang salitang iyon! Pinakaayaw ko sa lahat!
“Wala akong matandaan, pero pwede ba sa usapan nating dalawa wag mong babanggitin ang tawag sa laruan na iyon!” may banta sa pagkakasabi ko. Mabilis kong hinawakan ang spoon at fork at mabilis na ginalaw ang pagkaing nasa harapan ko.
“Gusto mo bang makita kong paano kita binabantayan Ashanti?” tanong niya sa akin, pagkasabi niya noon ay agad akong tumingin sa kanya at agad na tumango sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Novela JuvenilAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...