NAHZURY’S POV
Maaga akong nagising ngayong araw na ito, dahil ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat ang araw na magiging isang ganap na tao na si Ashanti, dati kasi tingin ko lang diyan abo. Haha, pero seryoso ito na yung araw na pwede na siyang hindi dumepende sa magulang niya, sabagay dati pa naman siyang hindi nakadepende kay na Mommy, sadyang makulit lang sila.
Naandito ako sa Master Bedroom, inaayos at tinitingnan ang mga gagamitin ni Ashanti mamaya, ang kulay ng gown ay parang kulay buhangin na brown, sa ganda ng pagkakagawa ni Ate Farah rito ay paniguradong bagay na bagay sa kanya. Nasabi ko na ba? Si Ate Farah po ay nakakatandang kapatid ni Blue, magaling siyang gumuhit at gumawa ng mga damit at gowns at iyon ang business niya.
“Madam Nahzury, handa na po lahat.” Nakangiting sabi ni Chloe, isa sa baklang mag-aayos kay Ashanti mamaya.
“Oh sige, salamat. Bumaba muna kayo at mag-breakfast. If inaantok kayo, nandoon ang guest room sa third floor akyat nalang kayo.” Nakangiting sabi ko sa kanya, tumango lang siya at tinawag ang ilan sa kasamahan niya at umalis na ng kwarto. Ako naman, tinitingnan ko ang mga gagamitin ni Ashanti.
Napakaswerte niya dahil may mga magulang na nag-aabala sa kanya sa ganitong mga selebrasyon, samantalang ako noong ng 18th birthday ako, wala ang magulang ko, at tanging sina Mommy at Lola ang kasama at umasikaso sa bongga ko ring birthday.
Umalis muna ako sa kwarto na iyon at naglakad sa napakahabang hallway, balak kong tingnan si Ashanti. Paniguradong tulog pa iyon sa aga ba naman na ito.
Pagkarating ko sa pintuan ng kwarto ni Ashanti ay di na ako nag-abalang kumatok. Binuksan ko na lang ang pintuan at tumambad sa akin ang napakaraming papel sa lapag na nagkalat, siguro ay pini-print niya kagabi ang mga ito. Nilimot ko isa-isa ang mga nakakalat na papel at binasa ang isang punit na papel na kakadampot ko pa lamang.
“Withdraw: 10 million pesos. In the name of Ashanti Liyan Lane, transferred on Nahzury Choi.” WHAAT? Nakaupo ako ng mabasa ang nakasulat rito, ano nanaman kabaliwan ito. Ginasumot ko ang papel na hawak ko at binato sa mahimbing na natutulog na si Ashanti.
Katabi niya ang dalawang laptop niya, may mga nakakalat na chips sa lamesa at kama niya at maraming mga papel ang nakadikit sa pader niya. Ano ito? Napapaisip na lang ako sa ginagawa ni Ashanti, halatang may balak si Ashanti at di pa niya gustong sabihin sa akin ang lahat.
Nilimot ko lahat ng nakakalat rito, inalis ang mga papel na nakakapit sa pader, at pinatong sa lahat ng lamesa.
Nang malipit na lahat ay binuhay ko ang robot vacuum na nasa gilid ng silid niya at hinayaan na ito ang maglinis ng sahig.
Umalis na ako sa kwarto niya at
pumunta muna sa kwarto ko, balak ko ng maligo para makapunta na ako sa hotel para makitang ayos na ang lahat. Kinuha ko agad ang Bath towel pag kapasok sa kwarto at pumunta sa banyo.“Yes.” Yan lang nasabi ko sa sarili ko habang nanliligo, nang matapos na akong manligo ay agad na akong nagbihis at nag-ayos ng sarili pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto dala ang susi ng kotse ko. Pagkarating sa sala ay agad akong nagpaalam kina Lola at Lolo pati kay Mommy pero may humabol sa akin.
“Tita, can I come with you?” tanong ni Dane na bihis na bihis kasama ang kanyang Yaya.
“Why?” mataray na tanong ko sa kanya.
“Kasi gusto kong makita ang lugar na pagbibirthday-an ni Tita-Mommy.” Masigla niyang sabi. Agad akong tumingin kay Mommy at nagmamakaawa na pigilan si Dane pero ito ang sagot niya.
“Sige na Zury, isama mo si Dane ng may magawa naman siya. Yaya, pakibigay kay Zury ang credit card ni Dane. Dane be good ha, listen to your tita, Okay?” nakangiting sabi ni Mommy kay Dane.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Teen FictionAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...