ASHANTI’S POV
“Maam, tama po ba ang narinig namin na hindi kayo ang may-ari ng inyong sariling kompanya?”
“Maam? Totoo bang pinamana niyo ito sa inyong pinsan na si Nahzury Choi?”
“Maam, maari bang mahingi ang inyong opinyon, ukol sa nasabi sa balita na hindi kayo ang taong pinakamayaman sa buong mundo.”
Masikip, nagkakagulo, maingay at maraming tanong ang binabato sa akin, habang dumadaan ako sa kanila upang makaalis lamang sa kanilang tanong. Pinagsisiksikan, nagtutulakan, pinapalibutan at binabato ng mga tanong na ayaw kong sagutin. Pero pilit ko pa rin sinisiksik ang aking sarili upang makaalis sa kanila at maiwasan.
“Maam, sumunod lang po kayo sa amin,” sabi ng isang bodyguard.
Hinarangan nila ang dadaanan ko, at hinawi ang mga reporter na kanina ay parang inaatake ako. Nang makaalis sa kanila ay agad akong nagpakawala ng malalim na hininga. Inalalayan ako ng guard hanggang sa makapunta sa room ko, hindi ko kinaya ang pagod sa pakikipagtulakan sa mga taong nasa labas.
Nang makapasok ng room ay mga bulungan pa rin ang aking naririnig, na tungkol pa rin sa palabas ko na hindi nila maintindihan. Hindi ba nila maintindihan na iyon ang gusto ko.
“Bobo ba si Ashanti? Siya na yung may- ari pinamana pa niya sa iba.”
“Hindi, siguro gusto lang pasikatin ang kapatid niya.”
“Malay mo may dahilan kung bakit niya ginawa yun?”
“Kasi nga, hindi kaya ang negosyo!” sabay sabay nilang sigaw. Hindi ko nalang sila pinansin at pinokus ang sarili sa aking cellphone at naglalaro ng online games.
“Oy baka mamaya malaman ko ang LSU nakasangla na. Hahaha!” tawa nilang lahat ng magbiro ang isa naming kaklase.
Dumating na ang prof namin at agad rin namang nagsitigil ang mga mokong. Pagkakita niya sa akin ay iyon din ang tanong niya katulad lang ng mga reporters sa labas. Hindi ko nalang siya sinagot, ayaw kong sabihin sa kanya ang dahilan. Baka magka-idea pa sila kung bakit ko ginawa yun. Tama lang na ang mga pinagkakatiwalaan ko ang aking bigyan lamang ng impormasyon.
Natapos ang klase ng walang tigil sa pag-lelecture, malapit na daw kasi ang midterms kaya kailangan na mag-habol kami sa lessons dahil nahuhuli daw kami sa ibang section. Pagka-dismiss niya sa akin ay agad akong naglakad palabas ng room, lahat ng tao sa hallway ay nakatingin sa akin.
Na para bang may mali akong nagawang kasalanan sa kanila.
Napatigil ako sa paglalakad at napaharap sa kanila. “Isa pang tingin, kick out kayo!” sigaw ko sa kanila, napaiwas naman sila ng tingin sa akin at pinagpatuloy muli ang paglalakad nila. Pababa na ako ng hagdan papunta sa canteen ng biglang makita ko si Khane na paakyat naman.Agad siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng halik sa noo. “Tara na, I know you’re hungry.” Sabi niya sa akin na natatawa na. Napangiti ako sa kanya, inakbayan niya ako at sabay na kaming bumaba ng building at magpunta sa canteen na magkasama.
Pagkarating sa canteen ay marami ng tao, agad akong nagpunta sa pwesto namin kung saan andoon na si Nahzury kasama si Eleven at nandoon na rin si Blue. Umupo ako sa upuan ko at lahat sila ay nakatingin sa akin, napatingin naman ako sa kanila at nagbigay ng tingin na nagtatanong.
Nagpaalam si Khane upang siya na ang bumili ng pagkain naming dalawa, sa dami ba naman ng pila paniguradong pauunahin siya. Sa gwapo ba naman daw niya, yan lagi ang sinasabi niya kapag nasa public place kaming dalawa.
“Bakit kaya nagawa iyon ni Ashanti?”
“Bakit kaya tinalikuran niya ang negosyo niya at nagawang ipamana sa iba?”
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Fiksi RemajaAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...