ASHANTI’S POV
Andito na kami ngayon sa eroplano, agad akong umakyat sa taas para kausapin si Twin. “Ano ng balita?” tanong ko rito.
“Sa ilang minuto kang wala ay naligaw na ang kalaban.” sabi nito sa akin.
“Ipadala mo ang sasakyan sa isang lugar na maraming tao, papupuntahin ko doon ang mga tauhan ko.” sabi ko rito, tumango siya sa akin.
“Wala pa ba ang piloto?” tanong ko kay Ribo na nasa likuran ko.
“Nakarating na.” sabi nito sa akin. Agad kong kinuha ang telepono at may ipinasa kay Zia na isang direksyon kung saan sila pupunta. Pagkapasa noon ay agad ko siyang tinawagan.
“Darating ang sasakyan sa lugar na iyan at safe kayo sa sasakyan na iyan. Dadalhin kayo niyan sa bahay ni Ferrer.” sabi ko rito.
“Salamat Miss. Pero ang mga White.” sabi niya sa akin.
“Ako na ang bahala sa mga White, walang atraso ang mga ito sa Black Society at kay Montellier kaya hindi nila ito gagalawin. Papasunudin ko sila sa inyo, dalawang oras ang makalipas. Magkikita nalang kayo doon.” sabi ko rito sabay patay ng tawag.
Bumukas ang isang cctv footage na pagbukas ng sasakyan ko sa harapan ng bahay ni Ferrer nakita ko siyang lumabas ng bahay.
*phone ring*
Ferrer
“Anong nangyayari?” tanong niya sa akin. “Bakit nagbukas ang sasakyan ni Twin?” sunod niyang tanong.
“Emergency, niraid ng Black Society ang aking Mansion at marami ng patay. Ang pamilya ko ay papunta na sa bahay mo, pero sila ay sinusundan ng kalaban. Kailangan ko ang sasakyan ni Twin para maprotektahan sila at ang mga tauhan mo.” paliwanag ko rito.
“Okay, thirty of men, charge!” rinig kong sigaw niya sa kabilang linya.
“Hihintayin ko sila sa pagdating sa bahay ko. Ang pamilya mo ay pamilya ko na rin, kaya handa akong tulungan sila sa ganitong sitwasyon.” sabi niya sabay patay ng tawag.
“Go back to the target.” na ang tinutukoy ko ang pamilya ko.
Sinasabi ko na nga ba sa pananahimik ng kalaban ay umaatake sila ng tahimik at gusto nilang talagang biglaan ang pag-atake nila. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari kaya wala akong kaplano-plano sa utak ko na pwede kong gawain.
“Call all the VIP members.” sabi ko kay Twin, agad naman nagflash sa screen ang video call sa lahat.
Oo nga pala ang sasakyan na ito ay hawak rin ni Twin lahat ng gamit na mayroon ako ay monitor nitong si Twin at siya rin ang minsan ang nagpapatakbo ng eroplano sa pamamagitan ng paggamit niya ng computer para paandarin ito.
Itong si Twin ang pinakamalaking armas para sa akin, dahil ang Twin lang naman na ito ang hindi ko inaasahang ihahack ang Black Society at lagyan ng virus ang mga computers ng mga ito para malaman kung sino ang boss. Dahil kay Twin na ito nalaman ko na si Montellier ang unang nagsimula ng Black Society kasama ang ibang mga drug dealer sa buong mundo.
“Good afternoon Highness.” bati nila ng sagutin nila isa-isa ang aking tawag. Agad akong tumingin sa screen at nag-cross-arms.
“Ni-raid ng tauhan ng Black Society ang mansion ko sa America.” sabi ko sa kanila at nagsunod sunod silang magsalita.
“Ihanda niyo lahat, simula na ang laban. Need ko ng tulong mula sa America, kaya kung maari pwede niyo bang puntahan ang bahay ko sa America at tingnan kung may buhay pa?” tanong ko sa mga ito.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Novela JuvenilAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...