Part 03: Utang mo!

187 70 7
                                    

AUTHOR'S NOTE:
Sorry sa napakaslow-update mga bessie. Pero love ko naman kayo kaya sisipagan ko na. Mwuah Mwuah.
Supreme_Jedazy

KHANE'S POV

Maliwanag ang sikat ng araw, malamig na hangin ang sumalubong sakin habang nagbabiyahe papunta sa paaralan.

Maingay na kalsada ang naririnig kaliwat kanan, mga usok ang sumasalubong sakin kapag dumaraan, pero hindi niyan mapapantayan ang aking kapogian.

(A: Ang hangin yun Khane dinala ang author mong payat sa sobrang kahanginan eii. Hahaha)

Nagmamaneho ako ng motor papunta sa university. Lunes ngayon kaya may pasok, kaya naman maaga palang gumising na ako para mamaya makita ko na ang hinahanap ko na target.

Pagkadating ko, agad kong nakita ang mga babae na malapit saking paradahan na may hawak na mga paper bag at kung ano pa. Agad kong pinarada ang aking motor sa aking parking-an at agad na pinatay ang makina.

Agad akong nagtanggal ng helmet. At malakas na tili agad ng mga babae ang aking narinig.

"Kyahhh! Khane why you're so Gwapo?" tanong nong isang babae.

(Tanong mo sa Nanay at Tatay ko kung bakit ako gwapo.)

"Khane can you be mine?" tanong ng isang babae na may hawak na blue na paper bag.

(Sorry girl, but I don't like you.)

Yan lang ang nasasabi ko sa isip ko kapag nagtatanong sila kung bakit ang gwapo ko at kung pwede akong maging kanila. Paulit ulit man pero ito ang aking nagiging dahilan para gumising ng maaga at magsumikap mag aral. Joke!

"Hi girls." mayabang na bati ko sa kanila, agad naman silang nagtitili at parang kamatis ang mga mukha sa kilig.

Agad kong sinakbit ang aking bag sa balikat at naglakad papalayo sa kanila. Wala na akong balak pansinin sila dahil iilan lang ang kailangan kung pansinin.

Agad akong naglakad papasok ng gate.
Naglalakad ako papunta sa building ng makita ko ang mga kaibigan ko na nakaupo sa may bench at nagtatawanan. Kaya agad akong nagpunta sa direksyon nila.

"Khane!" malakas na bati ni Neoye sakin habang ako ay naglalakad agad ko siyang nginitian at naglakad papunta sa kanila.

"Bro aga ah." Sabi ni Eleven sakin, agad akong lumapit sa kanila at nakipagbatian. Pagkatapos nun agad kung tinanong sa kanila kung ayos lang ba ang ilan naming tauhan.

"Yun nga bro ei, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Galit na galit sila sa mga babae na sumugod samin kahapon." nag aalala na sagot ni Neoye sakin. Habang hawak ang kanyang noo at nakapamewang pa. Agad kong hinawakan pa balikat si Neoye para hindi masyado mag alala.

"Pasabi sa mga tauhan natin, wag na sila mag-alala ako na ang bahala sa mga babaeng yun. I have a plan bro!" Sabi ko sa kanilang dalawa. Agad naman nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi ko.

"What's your plan bro?" tanong ni Eleven na nilapit pa sadya ang mukha sa akin. Agad ko naman na nilayo ang mukha ko sa kanya.

"Bro! Nuba! Baka mahalikan mo pa ako, mahalikan mo pa ako. Alam mo ba yung salitang kadiri? Ikaw yun bro kapag nangyari yun. Hahaha." pang uuto ko sa kanya at malakas na sapuk ang nakuha ko sa kanya.

Agad ko siyang hinarap at kinutusan siya ng isa para makabawi at malakas na tawanan ang namayani samin.

"Taena bro! Di mangyayari yun, di ko ilalapat itong napakaganda kong labi sa may bacteria mong pisngi. HAHAHAHA!" pang aasar niya sakin, agad ko naman siyang inambahan ng suntok para manahimik.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon