Part 36: SEMBREAK

51 43 0
                                    

ASHANTI’S POV

“Wohoooo! Hello Batangas!” sigaw ko sa dagat ng makita ito. Yes break-free na!

Wala munang alalahanin na homeworks, paperworks at trabaho. This time ang aalahanin ko muna ay ang sarili ko at ang kasama ko ang Babe ko. EHE!

“What a nice view.” Manghang sabi ni Khane habang nakatingin sa akin. “Heee! Kanina ka pa nang-aasar ah! Yun yung nice hindi ako!” sigaw ko sa kanya at turo sa dagat. Kanina pa kasi niya ako inaasar na hindi naman daw bagay sa akin na mag bikini. Tae niya! Sa paningin lang niya hindi.

“Hey, I’m just joking.” Natatawa niyang sabi, tinarayan ko siya at naglakad, sinadya kong italsik ang mga buhangin sa kanya. Maaga pa kami naririto, pero ngayon lang kami lumabas mula sa bahay nina Tatay Edgar. (Di niyo tanda noh?)

Yung matandang lalaki na tinulungan naming ni Nahzury sa kaso sa lupa na ninakaw ni Sandoval. (Buti pa ako tanda ko, hahaha.)

“Malamang sa alamang, author ka ei”

(Ssssh, wag kang maingay, baka malaman nila. Ahehe)

Kanina pa kaming six am andito alas kwatro palang ng umaga ay umalis na kami sa Manila, hindi ako kay Mommy nagpaalam kundi kay President, panigurado kasi na di ako papayagan kaya kay President nalang.

Si Nahzury mamaya yung flight niya papuntang America, katulad ng napag- usapan ako dapat ang papupuntahin sa America dahil sa pag tra-training, pero ginawan ko ng paraan. Si Nahzury nagpapatakbo ng company ko, dapat siya yung nandoon ahaha. Utak noh?

Tatakbo akong sumunod kay Khane sa dagat at ng tampisaw. “Ang lamig ng tubig!” sigaw ko kay Khane.

“Hahaha.” Tumawa siya sabay talsik niya sakin ng mga tubig. Tinalsikan ko rin siya ng tubig haha, akala niya papatalo ako sa kanya ha. Hindi niya ako matatalo.

“Gosh, wag sa mukha ko! Ahaha.” Sigaw ko sa kanya. Tawa lang siya ng tawa at tuloy tuloy pa rin ang paghagis ng tubig sakin. Tumakbo ako palayo sa kanya at tumigil.

“Laro tayo.” Sabi ko sa kanya.

“What game?” tanong niya sa akin, napangiti naman ako sa tanong niya.

“Habol-Habolan, kapag nahuli mo ako ibabagsak mo ako sa tubig, ganoon din gagawin ko sayo. Deal?” tanong ko sa kanya.

“Yah, deal.” Sabi niya.

“Okay ikaw ang manghahabol.” Sabi ko sa kanya agad naman siyang tumango, agad akong tumakbo malayo sa kanya. “Game.” Sigaw ko, at nagsimula na siya tumakbo, inantay ko siyang makalapit sa akin saka ako tumakbo.

Nang malapit na siya agad akong tumakbo. “Hahaha, catch me!” sigaw ko sa kanya habang natakbo, nadadapa na siya kakatakbo niya at minsan napapadapa na rin ako.

Hanggang sa nahuli niya rin ako, agad niya akong niyapos sa bewang at agad na tinapon sa tubig. “HAHAHAHAHA.” Tawa lang ako ng tawa, habang tumatakbo siya. Feel ko pumasok sa ilong ko yung tubig alat ahaha.

Hinabol ko naman siya. Haha, bilisan mo Khane talagang mas masakit pa ang gagawin ko sa iyo. Nang makalapit ako sa kanya di ko namalayan abot hanggang dibdib ko na ang tubig. Hala, paano ko siya ibabagsak?

Samantalang maibagsak ko siya at hinatak niya ang kamay ko at itinumba sa tubig. Gago talaga ito, ang daya maglaro.

“Babe ayaw ko na ang daya mo kasi.” Pabebe kong sabi sa kanya at agad na naglakad palayo sa kanya.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon