ASHANTI’S POV
Pagkarinig ng balita ay agad akong tumakbo palabas ng hotel, agad na kinuha ang susi ng kotse na dala ni Mommy at wala pa sa alas singko ay mabilis kong pinatakbo ang kotse na parang nakikipagkarerahan sa field.
“Anak, dahan dahan baka tayo naman ang madisgrasya.” Paalala sa akin ni Mommy, na ngayon ay kapit na kapit sa inuupuan niya.
“Ma, hindi niyo ba alam isang Legendary racer itong anak niyo, wag kayong mag-alala. Makakarating tayong humihinga.” Pabiro ko sa kanyang sabi. Nasa likod namin sina Kuya na nakasakay rin sa kani-kanilang kotse. Si Nahzury naman ay nanguna na pagpunta roon ng marinig ang balita.
“Shit traffic.” Mabilis kong inapakan ang preno ng makita ang traffic. Agad akong umisip ng paraan upang makalusot sa traffic. “Mommy Plan B.” sabi ko sa kanya, kunot noo siyang tumingin sa akin.
*PEEP* PEEP*PEEP* PEEP*“Move! Move! I have patient here Move!” sigaw ko sa labas. Nang marinig ng isang driver ng motorsiklo ay bumaba siya sa sinasakyan at tiningnan ang loob ng aking sasakyan.
Tiningnan niya si Mommy na nakahiga sa backseat at nakahawak sa puso na parang nahihirapan huminga.
“Tabi! Tabi! May pasyente rito Tabi!” sigaw ni Kuya, pagkarinig ng mga driver noon ay agad na nagsi-tabi ang lahat. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at nang makaalis sa traffic ay bumalik sa Mommy sa dati niyang tayo.
“Don’t do that again.” Seryosong sabi ni Mommy. “I will Mom.” Yan lang ang sinabi ko at inapakan ang gas pedal at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
Nang makarating kami sa university ay sobrang dami ng tao. May mga pulis na hinaharangan ang mga tao upang hindi makapasok sa loob. Agad akong lumapit sa isang pulis at nagpakilala. “Ashanti Liyan Lane.. and also a Sy. We are the owner of this school, what happened?” seryosong tanong ko sa kanya.
Sinabi niya sa akin na dahil daw ito sa electric circuit siguro daw ay sobrang dami ang nakasaksak sa isang extension or naiwan na bukas ang appliances tapos nag-init at sumabog at naging dahilan ng sunog.
“May tao ba sa loob?” tanong ko sa pulis. “Yes Mam, ang pagkakatala po naming ay mayroon na labing limang estudyante na puro basketball player.” Seryosong sabi ng Pulis. Shit si Khane! Kaya siya hindi nakaattend sa birthday ko dahil sa may practice nga siya. Shit!
“I need to save them.” Serysoso kong sabi sabay pasok sa loob, tatakbo akong pumunta sa isang building kung saan nangyayari ang sunog.
Pumasok ako sa loob, at puro mga usok na lang ang nakikita ko. Shit paano ko makikita ang hinahanap ko kung ang kakapal ng usok.
“Anak, here dito ang elevator.” Rinig kong sabi ni Mommy, madilim ang paligid dahil sa nawalan na nang kuryente. Kaya naman kapit sa pader akong lumapit sa kanya.
“Nagana pa ba iyan?” tanong ko sa kanya ng mahawakan ko na ang kamay niya. “Hindi ko alam pero susubukan natin.” Seryosong sabi niya. Pumasok kami sa elevator at nang magsara ito ay pinindot niya ang isang button.
Wala akong ginawa kundi yumakap kay Mommy habang umaandar ang elevator, hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Khane. Hindi ko alam! Bumukas ang elevator pero sa ibang floor ako bumaba. Hahanapin ko siya sa gym.
Kumalas ako sa yakap kay Mommy, at tumakbo palabas ng elevator. Sumigaw ako sa kanya. “See you Mommy.” Sigaw ko sa kanya.
“See you at rooftop. I love you.” Sigaw ni Mommy sa akin, pagkasara ng pintuan ng elevator ay tatakbo ako papunta sa hagdana. Nasa second floor ang gym at naririto ako sa fourth floor kaya naman mahaba mahaba pa ang aking hahakbangin.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Novela JuvenilAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...