Part 52: ASHANTI

41 16 1
                                    

ASTRID’S POV

Madaling araw na rito sa America ng makarating sina Mommy. Halos pugto na ang mata ni Mommy nang makarating rito, wala daw itong ginawa kundi umiyak sa eroplano habang paparito. Agad silang sinalubong ng mga bata kaya naman mabilis na pinahid ni Mommy ang mga luha sa kanyang mata ng makita ako.

Sina Kuya naman ay agad na umupo sa sofa wala silang tulog dahil sa pag-aalala sa nangyayari kay Ashanti. Kahapon at ngayon ay hindi pa rin matagpuan si Ashanti wala kaming update sa kung sino man ang nakakita sa kanya pero nagbigay na kami ng pabuya sa kung sino ang makakakita sa kapatid ko.

500,000 dollars sa kung sino man makakakita sa kapatid ko. Sa makakahuli sa salarin ay mas malaki ang pabuya.

Umabot ang umaga ay wala kaming natatanggap na balita. Ang Chief ng Police ay nagpunta ulit sa amin para magreport pero wala daw silang nakikitang kamukha ni Ashanti sa bawat pier.

Paniguradong wala na rito si Ashanti. Ang tanong saan naman nila ito dinala at sino ang kumuha sa kanya?

Tanghali nakatanggap kami ng balita mula sa isang Ospital, may dumating daw sa kanilang kamukha ni Ashanti inasikaso muna daw ito bago ilipat sa ibang Ospital. Dumating daw ito ng mahina ang pulso ng puso at halatang nanganganib ang buhay nito.

Halos namumula na daw ang kanang kamay nito at namamantal, kailangan daw itong dalhin sa ICU pero wala na silang space kaya pinalipat sa ibang Ospital. Kaso malayo ang Ospital na iyon rito. Nasa N.Y kami at nasa San Francisco ang lugar na iyon. Kaya si Kuya Magnus at Howard muna ang pinapunta namin doon.

Lilipad sila gamit ang chooper at kung si Ashanti man iyon ay lilipad si Ashanti sakay ng eroplano. Sana hindi si Ashanti ang taong nanganganib ang buhay na iyon.

Sinasabi na stable na daw iyong babae pero hindi pa nagigising.

Tinurukan ito ng drugs at magaling na lang ay naagapan nila agad ito bago lalong lumala. Pwede daw mamatay ito kung hindi naagapan ng ayos. Kaya mabuti nalang daw at ekspertong doctor ang tumingin rito.

Nang marinig ni Mommy ang balita ay nag-iiyak ulit siya sa nalaman. Sana hindi si Ashanti iyon, sana hindi siya ang babaeng iyon. Sana nasa isang ligtas na lugar si Ashanti at mabubuti ang taong may hawak sa kanya.

Sana!

NAHZURY’S POV

Nandito ako sa labas ng mansion, di ko kasi mapigilan mag-alala kaya nagpunta ako rito sa labas.

Kamusta na kaya si Ashanti ano kaya ang nangyari sa kanya?

Sana okay lang siya!

Sana hindi siya napapahamak!

Siyam pa naman buhay noon kaya hindi iyon mamamatay ng maaga! Pero nabawasan na ng dalawa kaya Pitong buhay na lang pero magiging okay din iyon!
Matapang iyon ei!

“Ma’am andito po si Mr. Khane.” sabi sa akin ng isang butler. Tumingin naman ako sa kotseng paparating, halos iharurot na niya ang sasakyan na dala niya pagmamabilis.

Pagkadating sa harapan ko ay mabilis na lumabas si Khane sa kotse. “Anong nangyayari?” tanong niya sa akin.

“Ano ang sinasabi ni Eleven na kinuha si Ashanti ng masasamang tao?” tanong niya sa akin, napakagat labi ako sa mga tanong niya. Bakit nga ba ako nagsabi kay Eleven madaldal nga pala bunganga noon katulad ng sakin.

“Ah hindi, hindi totoo iyon.” palusot ko, ayaw ko ding mag-alala si Khane sa nangyayari kay Ashanti.

“Anong balita ang nagtutulungan ang mga bansa para mahanap si Ashanti? Kung hindi nawawala si Ashanti bakit nagtutulungan ang ibang bansa?” tanong niya sa akin, napatungo ako sa tanong niya.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon