KHANE’S POV
Dalawang araw makalipas ang nalaman ko at mga nakita ko sa loob ng Octagon ay sinisimulan ko na ang pagtulong sa mga Lane at Sy. Sinisimulan ko ng gawain lahat ng nasa plano at makipag-ugnayan sa kanila.
Tama naman kasi sila, siguro nga ito na ang panahon para gampanin ko ang tungkulin kong maging Protector ng Highness ang maging protector ni Ashanti.
Andito ako ngayon sa loob ng campus, kakatapos ko lang sa klase ko at balak na sanang umuwi nang biglang nagyakag ang barkada na tumambay. Syempre hindi naman ako makakahindi sa kanila kaya tumambay nalang kami.
“Asaan ka nga pala noong isang araw?” tanong sa akin ni Eleven.
Ngumiti ako sa kanya. “Sa mga Lane-Sy Mansion, tungkol kay Ashanti daw ang pag-uusapan kaya pumunta ako.” sabi ko sa kanya.
“Ano bro? Niyakag ka ba ni Astrid na makipag-balikan?” tanong ni Blue sa akin. Natawa ako sa sinabi niya.
“Aba’y oo. Si Khane pa kaya? Ei hanggang ngayon ata ay inlove pa rin siya kay Astrid.” mapang-asar nilang biro sa akin. Hindi naman ako mabilis magalit o mapikon kaya tinatawanan ko nalang sila sa mga sinasabi nila.
“Oo nga naman. Paniguradong hindi hihindian ni Khane iyon. Long time girlfriend niya iyon ei. First love pa.” mapang asar na sabi ni Lucas.
“May tanong ako sa iyo Khane.” Seryosong sabi ni Eleven sa akin. Napatingin ako sa kanya at inilibot ang paningin sa mukha ng mga kasama ko.
“Diba target mo lang si Ashanti? Bakit ka nainlove sa kanya?” tanong niya sa akin.
“Oo nga Bro, paanong naging seryoso ka sa isang laro lang? Paano kapag sinabi ni Z na tapos na ang trabaho mo?” tanong sa akin ni Blue.
“Hindi ko alam.” tipid na sagot ko sa kanila.
“Hindi mo alam?” tanong ni Eleven.
“Oo hindi ko alam kung paano ko siya nagustuhan, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin. Hindi ko alam kung paano at hindi para sa akin isang laro ito. Dahil simula ng makilala ko siya tinapos ko na ang larong iyon.” sabi ko sa kanila.
“WOW” sabay sabay nilang sabi.
“Bro saan mo nahugot iyon?” tanong nila habang kinukulit ako at tinitingnan ang paligid ko. Natawa ako sa ginagawa nila.
“Wala iyon.” natatawa kong sabi sa kanila.
“Grabe iba na pala kapag fiancé mo na ang jowa mo noh?” natatawang sabi ni Eleven sa akin.
“Mararanasan mo rin ang nararamdaman ko, kapag nagseryoso ka na sa isang tao.” nakangiting sabi ko sa kanila.
“Naku tama na nga, masyado ng lumalalim ang usapan na ito.” natatawang sabi ni Blue.
Nagpaalaman na kami sa isa’t isa at umalis na sa campus. Bukas nalang kami magkikita para sa game ng basketball at sayang wala rito si Ashanti para suportahan ako sa larong iyon.
Umalis na ako sa university at nagsimula ng magmaneho pauwi ng bahay hanggang sa nag ring ang telepono ko. Agad kong sinaksak sa tainga ko ang Earpods ko at agad na sinagot ang tawag.
“Hello? Who is this?” tanong ko sa kausap.
“Khane, This is Astrid, gusto sana ni Daddy na pumunta ka rito at pag-usapan ang unang plano.” sabi niya sa akin.
“Okay. Diretso lang ako sa bahay para magpalit ng damit tapos magpunta na ako diyan.”
“Okay, see you.” masayang sabi niya sa telepono. Agad din naman pinatay ang tawag at nagdiretso na ako papunta sa bahay.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Novela JuvenilAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...