NAHZURY'S POV
"Highness ng..." hindi ko na piñatapos siya sa pagsasalita at agad na tinalikuran siya, nanginginig ang mga kamay ko at parang tinutusok ang puso ko sa nalaman ko. Hindi ko akalain na ang taong ito ang kinaaawayan ko at gusto kong patayin.
Tinitingnan ko lang siya habang may kay sa kausap sa telepono. "Nahzury!!!"
Hindi ako nakikinig sa bawat naririnig ko, tanging blangko ang nasa isip ko, gusto kong patayin ang babaeng ito na nasa harapan ko, pero paano ko magagawa ang kagustuhan ko, kung ang babaeng ito ay tinuring ko ng kaibigan na tunay.
Nagagalit ako! Siya ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang ko. Akala ko ay ibang tao ang gumawa noon, pero ito palang babae na ito na araw-araw kong kasama ang Highness na hinahanap ko. Paano niya nagawa sa akin ito? Paano niya natatagago sa akin ang kasinungalingan na ito?
Paano ko siya pakikisamahan at hindi kakasuklaman? Kung tama nga na siya talaga ang tinutukoy nila. Pero sana mali ang sinabi niya, sana hindi siya. Dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag siya talaga ang taong iyon.
Pagkalapit sa kanya ay hindi ko na mapigilan ang kamay ko, agad kong hinawakan ang balikat niya at mabilis na iniharap sa akin, pagka-harap sa akin ay malakas ko siyang sinampal sa pisngi. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko, pero mas nagulat ako sa nalaman ko sa kanya.
Mas nagulat ako na ang taong minamahal ko at hinahangaan ko ng sobra ay ang taong dahilan kung bakit nawala ang aking mga magulang. Ngayon alam ko na, na itong babaeng ito ay madaming lihim na hindi niya kayang harapin. Pero ngayong nasa sa harapan na niya ang isang lihim niyang tinatago. Ewan ko lang kung paano niya kakaharapin ang bagay na ito!
Gusto ko siyang patayin! Gusto ko siyang saktan lalo! Gusto ko siyang pahirapan katulad ng ginawa nila sa pamilya ko! Gusto ko! Gusto ko!
Pumatak ang luha mula sa aking mga mata, pumasok sa isip ko lahat ng alaala naming dalawa na magkasama at masaya, pero ngayon sisirain ko na ang pagsasamang iyon. Dahil tapos na ang kalokohan niya, tapos na ang mga tinatago niya, nabunyag ko na ang katotohanan na siya pala ang taong iyon.
"Ikaw pala!!!!!!!!!!" sigaw ko sa kanya. Agad nanlaki ang mata niya sa akin.
"Highness huh?" sabi ko sa kanya, agad niyang kinuha ang kamay ko at hinimas-himas, tiningnan ko lang siya ng masama.
"Magpapaliwanag ako." sabi niya.
"Para saan pa? Totoo naman na ikaw ang Highness diba? Ang tanga ko lang at ng mga kapatid ko, na hindi namin nahalata na ikaw siya!" sigaw ko sa kanya.
"Nahzury magpapaliwanag ako tungkol rito." sabi niya, nangingilid na ang mga luha niya, agad kong inalis ang kamay niya.
"Anong ipapaliwanag mo? Kung paanong pinatay ang mga magulang ko ng dahil sayo!" sigaw ko sa kanya.
"Ikaw ang dahilan kung bakit sila namatay. HIGHNESS!" madiin na pagkakasabi ko sa tawag sa kanya.
"Dahil sa pagproprotekta nila sa iyo. HAHAHA."
"Bakit ikaw nagawa ka nilang protektahan, samantalang kami iniwan nila!" sigaw ko sa kanya, hindi ko maiwasan na tumulo ang luha ko. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari at siya pa talaga ang taong iyon.
"Nahzury hindi ko rin gusto na mangyari sa kanila iyon." sabi niya sa akin, tumawa ako sa kanya at pinahidan ang luha ko.
"Hindi mo gustong mangyari?" tanong ko sa kanya.
"Please Nahzury, makinig ka muna sa paliwanag ko." sabi niya sa akin. "Bakit pa ako makikinig sa iyo?" tanong ko sa kanya. Bakit nga ba ako makikinig sa kaniya? Hindi ko kailangan ng paliwanag niya! Hindi ko kailangan ng sorry niya!
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Fiksi RemajaAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...