Part 41: PLAN

55 39 0
                                    

NAHZURY'S POV

"Ano? Sinasabi ko na nga may konektado yang si Simpson kay Montellier."

"Saan mo nalaman?" tanong ni Ashanti habang naghahanap ng damit na susuotin sa kanyang walk-in closet. Papunta kami ngayon sa hideout para malaman kung ano ang resulta ng pinapatrabaho ni Ashanti.

"Ha, wala instinct ko lang." sabi ko sa kanya. Naglakad naman siya papunta sa mga sapatos niya kaya sinundan ko siya. "Nagtataka lang ako sabi kasi ni Mr. Simpson mas madali na daw nilang makukuha yun. Anong kukunin nila?" tanong ni Ashanti sa akin napatigil ako sa sinabi ni Ashanti.

Naalala ko ang sinabi ni Olivia sa akin noong nasa America ako. "Gusto makuha ni Montellier ang nasa katawan ni Ashanti."

Tumingin ako kay Ash, lumabas siya ng kwarto na ito at nagpunta sa bedroom niya sumunod naman ako sa kanya. "Anong balak mo?" tanong ko sa kanya, tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Just wait! I will make his life miserable." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko, nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi niya agad akong lumabas ng kwarto niya. Feeling ko kasi may multo sa kwarto niya sa sobrang lamig. Feeling ko rin hindi ang Ashanting kilala ko ang kasama ko ngayon.

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone. I need to do something, denial ko ang isang number at ilang ring ay agad din namang sinagot.

"Ashanti makes her move now. We need to do something." Sabi ko sa kausap at pinatay ang tawag.

Iba na siya sa kilala ko, hindi na siya ang Ashanti na kilala ko. Nabubulag siya sa paghihigante at sa pakikipaglaban sa taong hindi naman niya kakayanin. Alam kong malaking gulo ang pinasok ni Ashanti kaya kailangan ko siyang tulungan. Kailangan ko siyang pigilan.

Umalis na kami ng mansion siya ang nag-drive ng kotse habang nag-dra-drive siya ay nakangiti siya, lalo akong kinalibutan sa mga ginagawa niya. Diretso lang ang tingin niya sa daan habang nakatingin siya.

Pinipigilan ko ang sarili ko na wag siyang tingnan kung maari lang ay wag siyang masdan.

Nang makarating kami sa hideout ay agad siyang bumaba at pumasok sa loob. May natanggap akong messages mula sa unknown number.

"I-report mo sa akin lahat ng kilos niya." Binasa ko lang yun at pinasok na muli sa bulsa ang cellphone. Sumunod sa kanya sa loob. Naandito na ang lahat ng team pati sina Hillary at Ivette. Tumabi ako sa kanila at ngumiti.

"Are you okay Zury?" tanong sa akin ni Ivette, ngumiti lang ako sa kanya at tumingin kay Ashanti na nakaupo sa unahan.

"Okay, can we start now?" tanong niya, tumango silang lahat maliban sa akin. Tumayo ang isang staff at lumapit sa laptop niya, may report silang ipapakita sa ngayon. Lahat sila ay kailangan mag-report sa nasabing trabaho.

"Mahilig po si Montellier na maglaro ng Bowling at magpunta sa casino."

"I know that." Sabi ni Ashanti, na binubuklat ang mga papel na nasa harap niya. "Bigyan mo ako ng magandang report! " Sigaw niya sa reporter.

"Narinig po ng isa sa amin na ang pamangkin niya ang naglagay ng bomba sa sasakyan niyo. Binalak po niya na patayin at takutin kayo para wala sa inyong magtangka ng guluhin siya." Napaangat ang ulo ni Ashanti sa narinig at napakuyom ang kamay.

"Bukod sa kompanya niya na Oil Company ay mayroon rin po siyang illegal na trabaho. Gumagawa po sila ng mga drugs at pinagtitinda sa mga mayayaman na tao. Napag-alaman rin po namin na katulong niya si Mr. Simpson sa mga trabaho na ito."

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon