Part 56: Ashanti Is In Action

29 14 1
                                    


KHANE'S POV

Makalipas ang isang linggo tuluyan na ngang nawala sa amin ang lahat katulad ng sinabi ni Lolo sa akin. Nawalan kami ng bahay at ng kompanya. Nawala sa amin lahat, pero nauunawaan naman ng mga magulang ko at ng kapatid ko kung bakit nangyari iyon.

Mas mabuti nga daw na lumayo kami sa issue ni Lolo, kesa sa mapadamay kami sa kalokohan na ginawa niya.

Lumipat kami ng bahay, at gamit ang sariling pera ay bumili ako ng bahay para sa pamilya ko. May naipon naman sina Mommy at Daddy sa paghahandle ng kompanya ni Lolo kaya okay lang sa amin na humiwalay na kami sa kanya.
Matagal tagal na talaga daw gusto ni Mommy na humiwalay ng bahay at hindi sumama kay Lolo. Kaya nag-ipon talaga daw sila para sa planong humiwalay, at nagpapasalamat pa sila sa akin dahil ako daw ang gumawa ng paraan para makaalis sa mansion na iyon.

Bumili ako ng isang bahay rito sa isang village, malaki rin ang halaga niya at tamang tama lang para sa amin.

Andito ako sa labas ng gate dahil may nareceive akong text na delivery. Hindi ko alam iyon, surprise daw at naguguluhan ako sa sinasabi niya. Sino naman magsusurprise sa akin? Ei wala naman rito si Ashanti para gawain iyon, siya lang naman ang mahilig sa surprises.

Ilang minuto ay may dumating na isang malaking truck. Bumaba ang isa sa pahenente ng truck at lumapit sa akin.

"Mr. Khane Simpson po?" tanong niya sa akin. "Opo ako po iyon." sagot ko sa kanya.

"Paki-pirma nalang po rito." sabi niya sabay abot sa akin ng mga papel. Tiningnan ko muna kung sio ang nagpadala pero ang nakasulat lang ay ALLS. Anong meaning naman ng Alls na iyon? Lahat ganun?

Binuksan ng lalaki ang likod ng napaka-laking truck, pinalapit nila ako at pinapunta sa likuran ng mabuksan ito.

Laking gulat ko ng isang kotse ang bumulaga sa mga mata ko. Saan ito galing?
Wow, mamahaling kotse ito ah? Kanino naman galing ang bagay na ito? Grabe.
Ibinaba nila ang sasakyan sa truck at binigay sa akin ang susi ng sasakyan.

Ngumiti ako sa kanya bago makuha ito.

"Kanino galing ito?" tanong ko sa kanila.

"Sa nagngangalang pong Ashanti Liyan Lane-Sy." nakangiti niyang sabi sa akin. Grabe mahal, kahit nasa malayo ka wala kang ibang ginawa kundi ang pasayahin at pagaanin ang loob ko.

Nagpaalam na sa akin ang mga delivery boy at naiwan ako rito na nakatingin pa rin sa napaka espesyal na regaling binigay ng minamahal ko. Narinig kong bumukas ang gate at may lumabas si Ate Astrid at napalapit rin siya sa nakikita niyang nasa harapan ko.

"Wow Khane, kailan mo ito binili?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at pinakita ang car key. "Regalo ni Ashanti." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Wow, grabe naman! Bigatin talagang magregalo mga bilyonaryo ano?" manghang sabi niya. Natawa lang ako sa kanya. Lumapit ako sa kotse at binuksan ang pintuan, sumunod naman si Ate doon siya pumunta sa kabila at umupo.
Nanlaki ang mata naming magkapatid ng makita ang ganda ng loob ng kotseng ito.

Binuksan ni ate lahat ng mga drawers rito at may nakitang isang sulat, agad niyang binigay sa akin at agad ko rin namang binasa iyon.

My Fiancé,

Advance happy 9th monthsarry, ito iyong gift ko sa iyo sa monthsarry natin. Sorry kung wala ako diyan para icelebrate ang napaka-importanteng bagay na iyon, sana alagaan mo si Pixie. Ito ang magiging kotse natin kapag mag-asawa na tayo. Iloveyou! Ingat ka lagi diyan! Wag kang mag alala sa akin, okay na ako. Mahal na mahal kita Mahal. - Ashanti

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon