Part 67: Oplan: HIDE ASHANTI

28 15 0
                                    

RIBO’S POV

Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko sa Twin Mirror ay agad akong tumawag kay Howard para magpa-schedule ako ng meeting sa Familia Lane-Sy, gusto ko sana ay sa lugar kung saan malayo at hindi alam ni Ashanti kaya si Howard na ang bahalang gumawa daw noon.

Noong naiwan ako sa Twin Mirror mag-isa ay mas marami akong nalaman sa plano ni Ashanti, si Twin ang lahat ng nakapagsabi noon sa akin, siya lang nakasagot sa lahat ng tanong ko.

(FLASHBACK)

“Successfully recorded.” pag kasabi ng screen noon ay agad akong napalingon kay Twin na nakatingin pa rin sa akin, nilingon ko ang daan kung saan wala na si Ashanti at paniguradong nakalabas na ito ng Mirror.

“Can you locate Ashanti?” tanong ko rito, tumango ang parang holo na bata.

“Twin, on the way on her penthouse.” sabi nito sa akin, ibig sabihin nandito pa rin sa building na ito si Ashanti at dito siya mag-stay.

“Pwede mo bang ipakita sa akin ang lahat ng napag-usapan niyo ni Ashanti tungkol sa Remembrance?” tanong ko rito at naglakad ako papunta sa upuan at umupo.

Are you sure na hindi mo ipagsasabi?” tanong nito sa akin, napatango ako sa kanya. Tumango siya sa akin at maya-maya ay tumunog ang aking telepono na nasa bulsa. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung ano ang natanggap ko, pero walang miski isa sa notifications.

“Tayo lang dalawa ang may secret na ito, dahil isa ka sa Master ko. Kailangan mo rin malaman ang mga bagay na ito, pero kapag ang promise mo ay hindi mo tinupad, may pupuntang mga armadong lalaki sa lokasyon mo para patayin ka.” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Kaya mong???”

Dahil isa akong computer-based kaya kong gumawa ng peke mong pagkatao at ipadala ito sa Main Organization ng Lane-Sy kung saan sila ang nag-uutos sa mga Member ng Organization na gumawa ng project at magiging isa ka sa project nila kapag nagsinungaling ka.” sabi niya sa akin.

Paano mo malalaman na hindi ko tinupad ang promise natin?” tanong ko sa kanya. "Ang cellphone mo ay konektado na sa lahat ng bagay na pagmamay-ari mo sa paligid, kapag may kasama ka sa isa sa mga contacts mo. Kahit naiwan mo ang telepono mo sa bahay ay malalaman ko pa rin sa pamamagitan ng ibang telepono. Naririnig ko lahat ng pag-uusapan niyo, may mga bagay na maririnig ko ay diretsong delete sa server at ang iba ay papasok sa server ko.” sabi niya sa akin.

“Ngayon, hindi mo ba ipagsasabi ang malalaman mo rito?” tanong niya sa akin. “Oo, pero paano iyong sinabi ni Ashanti, gusto kong sabihin iyon sa Pamilya niya para maproteksyunan siya.” sabi ko rito.

Katulad mo ay gusto ko rin gawain ang bagay na iyan, pero dahil hindi ako tao at isa lang akong holo ay ikaw lang ang taong makakagawa ng bagay na iyon. Maaari mong sabihin ang sinabi sa iyo ni Twin sa Pamilya niya, pero ang mga susunod mong malalaman ay siguraduhin mong itago nalang.” sabi nito sa akin, tumango ako sa kanya at ngumiti.

Safe naman pala ako.

Bumukas ang screen ng mga video ni Ashanti sa loob ng Twin Mirror, napakaraming video. Pinanood niya sa akin isa-isa ang lahat ng naririto, ang iba ay umiiyak, nag-iinom at sumasayaw para mawala ang stress. Tumatawa rin siya sa ibinibigay na jokes nitong si Twin at nagsasabi ng nararamdaman niya rito.

Si Dane lang sa tatlong bata ang makakaalam sa nangyari sa akin, hindi kakayanin ni Jaina at Jackie ang maririnig nila, pero alam kong brave si Dane kaya siya lang ang makakaalam ng bawat pangyayari.”

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon