Khane's POV"Khane!" malakas na bati sakin ni MT ng makababa ako sa kotse.
"Oh MT, kamusta?" salubong kong tanong sa kanya at agad akong nakipag apir sa kanya bilang pagbati.
"Ito daming trabaho, oh bakit ka nga pala naparito ng ganitong kaaga?" tanong niya sakin at tiningnan ko lang siya at binaling sa iba ang paningin ko. Panigurado kasi na di niya alam na pinatawag nanaman ako.
"Pinatawag ka ba ni Master? Naku! Pumunta ka na sa office ngayon at beastmode ang lolo mo." pabiro niyang sabi sakin. Kaya naman agad ko siyang tiningnan at pinagkunutan ng noo.
"Bakit naman beastmode? Agang aga?" tanong ko sa kanya, minsan lang kasi siya mabeastmode kapag may ginawa kang di maganda, o kung may kaaway siya.
"Iyun, yung anak kasi non, umalis ng bansa walang paalam sa kanya, kaya ayun nagalit. Napakaseloso kasi non. Hahaha." seryoso niyang sabi na may halong pagbibiro. Agad ko siyang nginitian para mahalata niya na nakikisakay ako sa trip niya, kahit hindi, wala ako sa mood para makipagbiruan.
"Hahaha, diba anak ka rin naman niya?" tanong ko sa kanya, kaya biglang sumeryso ang mukha niya. Na parang may mali sa tanong ko sa kanya. Weird!
Agad niyang binago ang ekspreyon sa mukha at napalitan ng nakakalokong ngiti, kaya nginitian ko rin siya para di niya mahalata na nagtataka ako sa expression niya kanina nong tanungin ko siya.
Tinapik niya ako sa balikat, kaya napatingin ako sa kanya ng diretso. Nginitian siya at kita mo sa mga mata niya na malungkot siya pero tinatago niya lang. Ganyan silang magkakapatid magaling magtago ng nararamdaman.
"Geh pre alis na ako. May trabaho pa akong gagawin." sabi niya sakin biglang lakad paalis. Agad naman akong tumalikod at balak na harapin pa siya pero ang bilis niyang maglakad para mahabol ko pa. Kaya naman napagdesisyunan ko nalang na magtungo sa loob ng building.
Habang naglalakad ako, nakikita ko ang mga tauhan ng amo ko na palabas na ng building. Si Maximus ang isa sa mga yun, kaya kilala ko siya isa sa mga anak ng amo ko. Sa lahat ng anak niya isa lang ang hindi ko nakikita ang anak niyang bunso na babae. Pero itong babaeng ito ang may pinakamaraming litrato sa buong building na ito nong bata pa yun.
Pumasok na ako sa loob at agad na sumalubong sakin ang limang tauhan ko sa building, iba ang tauhan ko sa gang at iba ang tauhan ko sa loob ng kompanya na ito.
"Good morning Khane." Bati sakin ng isa sa tauhan ko at tinanguan ko lang siya bilang sagot.
Naglakad na kami papunta ng elevator ng biglang may humarang sakin na isang nakaitim na itim na babae na biglang hinatak ako sa damit, para matigil ako sa paglalakad at harapin siya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, itim na buhok, itim na labi, itim na mata, itim na jacket, itim na sando, itim na pantalon, at itim na sapatos. May katangkaran, may itsura pero di papasa. Tinaasan ko siya ng kilay at agad na tumikhim.
"What do you want?" seryoso kong tanong sa babaeng nasa harap ko. Agad naman na yumuko ang babae na ito, at tumingin nalang sa baba.
"I'm so sorry Fifth Master Khane, Di ko po sinasadya na hatakin kayo." mahina niyang sabi at nakatungo pa rin sa sahig at kinakalikot ang kanyang mga daliri. Agad ko siyang hinawakan pa balikat at tumango siya. Nginitian ko siya kaya naman ngumiti na rin siya sakin. Hindi kasi pwedeng pagalitan ng isang Master ang isang tauhan kapag walang ginagawang nakakasakit o masama. Isa yan sa rule ng organization namin.
"It's okay Ms...?" tanong ko sa babae na nasa harap ko.
"I'm Rank 73, Krizia Dennis, but you can call me Zia." Taas noo niyang pagpapakilala sa sarili. No1 Rule. Be Confident.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Teen FictionAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...