Part 26: DEAL

52 47 0
                                    

NAHZURY’S POV

“Ano?!” sigaw ko sa kanya. “Ash alam ko na matalino ka, pero hindi mo ba inisip na delikado ang gagawin mo?” seryosong tanong ko sa kanya, nasa loob kami ng kwarto niya, sa loob ng kwarto sa kanyang secret office at pinag-uusapan ang tungkol sa pagbili ng shares niya sa Oil Company ng mga Montellier.

“Nahzury, ito ang tama para malaman ko kung sino siya.” Seryosong sabi niya sa kanya, habang titig na titig sa laptop niya.

“Bakit, balak mo bang maging isa sa board of directors ng kompanya na iyon?” seryosong tanong ko sa kanya, at tumango lang siya sa sagot ko.

“Una palang alam mo na isa na ako sa board of directors ng kompanya na iyon.” Seryoso niyang sabi, sabay tayo sa swivel chair niya.

“Alam ko, so ano gusto mo ng magpakilala sa buong mundo?” tanong ko sa kanya. “Hindi ako ang magpapakilala, kundi ikaw.” Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.

“Ako? Bakit ako?” seryosong tanong ko sa kanya, na nagulat pa ang tono ko sa sinabi niya. “Magpapakilala ka lang bilang bagong taga pag-may-ari,  pero ako pa rin ang actual owner. Kumbaga pansamantala lang.” seryoso niyang sabi habang pinapagpagan ang damit ko.

“Ano ei diba si Kuya Magnus na ang lahat nag-aasikaso ng negosyo mo?
Bakit ako pa?” tanong ko sa kanya, sabay talikod at ngiti. Pangarap kong asikasuhin ang kompanya ni Ashanti bukod sa anlawak ng koneksyon nito ay mahahawakan ko ang milyong tao.

Nakapagtapos na rin naman ako sa training at nag-aaral pa lang din ako. Pero alam ko na ang lahat ng ginagawa at dapat gawain sa isang kompanya. Dahil sa pamilya namin pagtungtong mo ng 18 years old kailangan nag-tra-training ka na kung paano mag-handle ng kompanya.

“Sa tingin mo kayang pagsabayin ni Kuya Magnus ang negosyo ko at negosyo ng pamilya niyo. Lalo na’t lumalaki ang populasyon ng ospital niyo.” Sabi niya sa akin, humarap ako sa kanya at nakataas naman ang kilay niya sa akin.

Tama nga siya, lalo na ngayon at marami ng pinapaggawa si Mommy na ospital sa ilang probinsya rito sa Pilipinas. Lalo pang mahihirapan na ihandle ni Kuya ang ganitong sitwasyon. Hindi naman ito maihahandle ni Kuya Maximus dahil sa nakafocus pa ito sa pag-aaral sa Korea.

“Oh sige, ako na. Sa isang kondisyon kailangang ipaalam muna natin ito kay na Mommy.” Seryoso niyang sabi.

“Oh sige.” Sabi niya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.
                                ----

“Ano?!” sigaw nilang lahat ng marinig ang gustong sabihin ni Ashanti.

“Ash, gagawa ka ng isang palabas at ang gusto mong bida ay si Nahzury? Nababaliw ka na ba? Kailangan ko siya sa Ospital!” sigaw ni Kuya Magnus. Tumingin ako kay Ashanti at umiling na sinasabi sa kanya na hindi kumbinsido si Kuya.

“I have a plan, at kailangan kong magawa iyon. Nakapag-training na si Nahzury, walang maghahandle ng negosyo ko. Dahil mag-tra-training palang ako. Ayaw.. kong.. maghandle ng negosyo ko ng hindi pa ako nakakapag-training.” Seryosong sabi ni Ashanti, habang patigil-tigil upang mag-isip ng idadahilan.

“Ikaw ang tatayong CEO, at ikaw Ashanti ang actual owner, matalino ang naisip mo. Tama nga Mommy, tulungan natin si Magnus sa pagpapatakbo ng negosyo ni Ashanti, hindi pwedeng pagsabayin ni Magnus ang negosyo ng pamilya nila at ang negosyo ni Ashanti, baka mabaliw siya.” Pabirong sabi ni Kuya Howard kay Kuya Magnus, kaya nag-asaran silang dalawa.

“Paano ang pag-aaral mo Nahzury?” tanong sa akin ni Mommy, habang seryoso ang mukha.

“Siguro po isisingit ko nalang po siya sa schedule ko.” Seryoso kong sabi, paano nga ba ang pag-aaral ko? Pangarap ko pa naman na makapagpatayo ng isang Gaming Company.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon