Part 61

35 15 0
                                    

RIBO’S POV

Hindi ko makalimutan ang nangyari kay Ashanti noong gabing sinundo ko siya sa CK Night Club na sinasabi ni Khane. Pagkatawag sa akin ni Khane about na sa nandoon si Ashanti sa lugar na iyon na lasing na lasing ay agad akong pumunta.

Tumawag pa ako sa mansion nila at tinatanong kung bakit walang kasama si Ashanti na driver at bodyguard. Hindi daw alam ng Familia na aalis ito at wala silang alam na umalis pala ito ng mansion, si Ashanti na daw ang nag-refuse na hindi isama ang mga bodyguards niya at mukha daw nagmamadali ito dahil hindi na ito nag-abalang magdala ng sasakyan.

Pagkarating ko sa lugar na sinasabi ni Khane ay nakita ko pa sa parking lot si Khane na kasa-kasama si Astrid na inaalalayan na pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Anong ginagawa niya? Dapat si Ashanti ang tinutulungan niya at hindi ang kapatid niya.

Sino ba ang fiancé niya diba si Ashanti at hindi ang babaeng iyon! Bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin at masyado ng naging madami ang binibigay na atensyon nitong si Khane kay Astrid kesa sa fiancé niyang si Ashanti?

“Nasa likod siya.” pagkasabi niya noon ay agad kong pinuntahan si Ashanti na nasa likod raw.

Pagkarating ko sa likod ay naabutan ko si Ashanti na nakaupo sa sahig habang yakap yakap ang kanyang dalawang tuhod. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa balikat pagkakita niya sa akin ay agad niya akong niyakap ang humagulhol siya sa pag-iyak.

Pagkatapos niyang umiyak ay inalalayan ko siyang makatayo at inalalayan na makalakad hanggang makarating kami sa parking lot, nakita ko pa si Khane na nakaupo sa hood ng kotse niya. Talagang hinihintay niya kaming dalawa na makaalis ng lugar na ito.

Masyadong tulala si Ashanti at hindi siya makausap pagkapasok niya ng sasakyan ay agad akong lumpait sa tabi ni Khane.

“Ikaw na muna ang bahala sa kanya sa ngayon, kapag okay na ang lahat kukunin ko na siya sayo.” seryosong sabi niya.

Ano si Ashanti laruan? Na pagkatapos mong paglaruan at sabihan ng masasakit na salita ay iyo pang babalikan? Hindi rin ako papaya na mangyari iyon, kasi kahit kaibigan lang ang ituring sa akin ni Ashanti hindi ko siya hahayaan na bumalik pa sa mokong na ito!

Umalis na sila sa lugar na iyon kasunod kami, nang maihatid ko si Ashanti sa bahay nila ganoon pa rin siya tulala at hindi makausap. Kinuha siya sa akin ng kapatid niyang si Howard at ni Nahzury at inihatid na siya sa kanyang kwarto, hindi na ako tumigil pa sa mansion nila at umalis na rin ako.

Ngayon naman, parang wala lang nangyari kay Ashanti pagkatapos ng isang gabi na tulala siya ngayon napaka-energetic niya. Kahapon noong pagkatapos ng eksenang nangyari sa kanya parang wala lang sa kanya ang nangyari sa kanya noong kinagabihan.

Dahil sobrang energetic siya na para bang wala siyang problema na hinaharap. Sinasamahan ko siya sa lahat ng pinupuntahan niya dahil nag-aalala ako na baka may mangyari nanaman sa kanya.

Parang wala din sa kanya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Khane, kahapon ay bumisita pa talaga si Ashanti sa warehouse ni Khane para dalhan ito ng lunch pero matigas si Khane. Masyadong siyang matigas at hindi tinanggap ang bigay ni Ashanti.

Sa halip ay umalis ito ng kanyang kompanya at sa labas ng lunch kasama ang kapatid ni Ashanti. Alam kong masakit kay Ashanti ang nakikita niyang ito. Pero tinitiis lang niya ang lahat ng iyon, hindi niya pinapakita na nasasaktan siya.

“Miss sobrang saya po namin na nagbigay kayo ng mga kinakailangan namin.” nakangiting sabi ng isa sa employee ni Khane.

Nagpadala si Ashanti ng 50 sets of computer at nagbigay din ito ng mga water dispenser, coffee machine at mga maayos na tables at chair na kakailanganin nila.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon