ASHANTI'S POV
Nasa isa akong madilim na lugar, habang ang nasa paligid ko ay nagkakasiyahan ako naman ay malungkot na nag-iinum mag-isa. Hindi ko alam kung bakit ako naririto, basta dinala nalang ako ng mga gulong ko rito.
"One more!" sigaw ko sa bartender. "Sure kayo Ma'am mukha na po kayong lasing at saka wala pa po kayo sa tamang edad para uminom ng alak. Baka mapagalitan po kami" nag-aalalang sabi sakin ng bartender.
"Paki mo ba ha? Kaya kitang pa-alisin ri-to ga-mit ang pera kooo kapaaaaag diiiii moooo akooo binigyan ng Alaaaaaaak!" sigaw ko sa kaharap ko, dami dami pang sinasabi ayaw pang bibigyan. Bakit ganun uhaw na uhaw ako sa wine ngayon?
"No, Kuyang Bartender wag mo siyang bibigyan! Ashanti what happen to you? Tara uuwi na tayo, hinahanap ka na ng mga tao, at ng mga pamilya natin, pinapahanap ka ni President sa mga tauhan niya pati na rin si General." Sabi ng isang babae na kamukha ko. Haha, dalawa na ang mukha ko ang galing. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak hatak kaya naman kumapit ako kay kuyang bartender para di niya ako mahatak. "Ano ba Ashanti! Uuwi na tayo! Whether you like it or not!" sigaw niya sakin.
Tumingin ako kay kuyang bartender na hinahawakan ko. Nakakapit ako sa braso niya ng mahigpit, para di ako mahatak nitong manggagaya ng mukha ko. "Kuya 50,000 wag mo lang akong ipapasama sa loka na yan. Baliw siya, tingnan mo kuya ginaya niya ang mukha ko para sumama sa kanya." Pakikipag negosasyon ko sa bartender. "Hindi po Ma'am baka makasuhan pa kami ng pamilya mo dahil hinayaan ka namin. I'm sorry Ma'am pero kailangan mo ng umalis." Sabi ng bartender sabay buhat sakin na parang isang bigas.
"Naku, naku Ashanti kapag ikaw lang napahamak ng dahil sa ginagawa mong yan, lagot ka talaga samin! Pasalamat ka at andito ako kung wala ako wala nang magtatanggol sayo kay mommy at sa iba! Mahal kita kaya wag kang ganan, andito lang ako! Sabihan mo ako!" blahh! Blaaah blaaah, nangangaral nanaman ito, mukha bang huling buhay na niya ito? Hahaha parang hindi naman. Matagal mamatay ang masamang damo.
Agad akong binaba ng dahan dahan ng bartender sa loob ng kotse pero agad akong tumakbo palabas at hinanap ang susi ng motor ko sa bulsa agad akong sumakay doon at agad na pinaandar iyun ng sobrang bilis. Para di nila ako maabutan. Pero huli na ako, naabutan ako ng kotse, nakipagkarerahan na ako sa kanila. Hobby ko pa naman na makipag-karerahan, kaya nga ako nag-inum diba? Lumaban ako sa isang motor race sa Tagaytay, ako ang nag-iisang babae na sumali don, walang may alam na sumali ako dahil balak ko sana silang i-surprise pagkauwi ko. Mahigit dalawang araw ako sa Tagaytay ng walang kasama, kinaya ko yun para lang i-surprise sila. Anlaki kasi ng premyo kaya sumali ako. Then nanalo ako, pero pag-uwi sa bahay talong-talo ako.
Pumapatak na ang mga luha sa mga mata ko, naiisip ko ang mga sinabi ni Mommy kanina na sobrang sasakit, kaya naman hindi ko na makita ang dinadaaan ko sa sobrang dami ng luha na nasa mata ko, pinunasan ko ang mata ko at nang makakita na ako ng ayos isang matinding liwanag ang aking nakita na paparating sa kinaroroonan ko Shit! Mababangga ako nito. Sa sobra kung bilis di ko maigalaw ang kamay ko para ibaling ang manibela sa kabila. Kinakabahan ako. Pero bahala na saluhin nalang natin ito.
Boooooooooooooooooooooooooogggggggshhhhh!
Isang maliit na boses ang sumisigaw sa tabi ko, ansakit ng ulo ko, nahihilo ako, bakit feeling ko di ko maramdaman ang katawan ko. Bakit ganito? "Kuya, help me iangat natin itong nakadag-an sa kanya para makaalis siya. Ashanti wake up, Aslyne is here, oh my god kuya, anong nangyari sa kanya Bakit? Bakit?" yan lang ang nasabi ng kamukha ko. Na umaagos na ang luha sa kanyang mga mata. Anong nangyari sakin? Bakit siya umiiyak?
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Dla nastolatkówAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...