Part 49: Mission In America 2

38 22 0
                                    

NAHZURY'S POV

Dumating kami rito kaninang umaga masyadong mabilis ang biyahe namin, pagkarating naman rito. Agad na ginambala ng dalawang batang babae si Ashanti sa kwarto niya, nagdadamba sila sa kama nito at pinaghahalikan ang kanyang mukha.

Ito namang si Dane tahimik pa din, habang kalaro ang kanyang Tita-Mommy. Naglalaro naman si Astrid at ang paborito niyang si Jackie kasama si Jaina, pero itong si Ashanti naka-focus lang kay Dane, kailangan niya ng pansin para makabalik siya sa dati, at kailangan niya si Ashanti para maka-recover siya.

Umalis muna si Ashanti at umakyat papuntang second floor siguro may kukuhanin lang siya, nilapitan ko si Olivia sa kusina at nakipag-kwentuhan sa kanya. "Kamusta si Ashanti sa ilang araw na nandito siya?" tanong ko kay Olivia.

"Lagi siyang wala rito, minsan nandoon siya sa bahay ng kaibigan niya, minsan naman nasa restaurant siya nina Irene, iyon ang laging inerereport sa akin ng mga nakabuntot sa kanya." sabi ni Olivia sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Magaling naman kung ganoon lang ang ginagawa niya rito. Paniguradong wala na siyang ginagawang kalokohan rito sa America katulad ng ginagawa niya sa Pilipinas.

Tumingin ako sa babaeng pababa sa hagdan na may dalang laptop na nakabukas, nakangiti siya habang bumababa sa hagdan, siguro kausap niya si Khane.

"Look Love, me and Dane doing painting." nakangiting sabi ni Ashanti habang kaharap ang laptop. "Oh, it's nice! Hi Dane!" bati ni Khane kay Dane
pero tiningnan lang ni Dane ang kausap niya.

"HAHAHA, I'm sorry love. Alam mo naman na.."

"Yah, I know." yan lang nasabi ni Khane kay Ashanti.

Tiningnan ko lang silang nag-uusap ng masaya, at nagkukwentuhan. Madalas ay nagbabatuhan pa ng corny jokes.

Napaka sweet nilang dalawa, kahit sinong may sabi. Napakaswerte nila sa isa't isa at hindi ko rin maitatanggi na totoo iyon.

Paano kaya kapag dumating na ang araw para sa plano? Siguro, sobra ang magiging sakit para sa kanilang dalawa.

Panigurado na hindi nila makakayanan ang sakit na ito, para sa kanilang dalawa. May isang kailangan magparaya, sumuko at maging talo sa kanilang dalawa. Parehas silang nasa panagib, at hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang kailangan gawin iyon.

Humarap ako kay Olivia na abala sa pag-aayos ng kitchen. "Kailan ang plano niyo para kay Ashanti?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at nilapit sa tainga ko ang mukha niya. "Bago matapos ang linggo na ito, sabi sa amin ni Ashanti ay isang linggo lang ang ititigil niya rito. Kaya isa sa mga araw na ito, ay gagawin namin ang plano." bulong sa akin ni Manang.

Kailangan mag-stay rito ni Ashanti sa America, kahit ilang buwan pa iyan o abutin ng isang taon. Kailangan namin na naririto siya. Kapag naririto siya hindi na namin kailangan mag-alala pa. Hindi na namin kailangan mamroblema pa. Mas maganda andito siya kaysa sa nasa Pilipinas siya.

"Olivia, ready na ba ang breakfast? Kailangan kong pumunta kay na Irene para tupadin ang pangako ko sa kanila." sabi ni Ashanti kay Manang. Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Wala ka bang balak makipagkita kay Icharry?" tanong ko sa kanya, siniringan niya ako ng mata at umupo sa tabi ko.

"Baka ikaw gusto mo." prankang sabi niya sa akin.

"Bahala ka, baka kailanganin mo siya habang nasa New York ka." nakangiti kong sabi sa kanya, tumingin siya sa akin at kumunot ang noo, na parang may binabasa sa itsura ko.

"Bakit ko naman siya kakailanganin? Wala naman akong magiging atraso rito." nakakunot niyang sabi, sabay harap sa harapan niya.

"Ikaw kailan ka ba aalis?" tanong niya sa akin, ngumiti ako sa kanya. "Bakit pinapaalis mo na ba ako? Wag ka mamimiss mo ako." pang-aasar ko sa kanya. Hinampas niya ako sa braso ng malakas, tawa lang ako ng tawa.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon