Part 04: Stalker

146 62 7
                                    

ASHANTI'S POV

"What?!" malakas na sigaw ni Manang at ni Nahzury sa harap ko.
Maaga palang ay ginising na niya ako dahil nalaman niya ang project na binigay samin. At naikwento ko nga sa kanila ang nangyari samin ni Khane kahapon. Kaya ganyan ang reaksyon nila.

Si Manang ay hindi isang ordinaryong katulong, ang totoo isa siyang secret agent sa nagbabantay saming dalawa ni Nahzury. Kung saan man siya galing, at kung sino ang nagpadala sa kanya yun ay hindi ko alam. At hindi na namin inaalam.

Binaba ko ang iniinum kung gatas at tumingin sa kanilang dalawa na nakapamewang pa at hawak ang mga noo.

"Anong problema don?" tanong ko sa kanilang dalawa. Na nakakunot ang noo, wala namang masama sa ginawa namin kahapon ah. Nangutang lang ako sa kanya para sa kotse ko. Pero ang totoo kaya ko yun ginawa para mapalapit ako sa kanya at magkaroon kami ng mga dinner or coffee. Para makuha ko siya.

"What's a problem?! Nuba Ash! Sa ginagawa mo nagbibigay ka ng impormasyon sa kalaban." sigaw sakin ni Manang, na galit na galit. Nubang nagawa ko? Nangutang lang naman ako, tapos hinika, kumain at umalis na. Yun lang naman diba?

"Wala akong binigay Manang, at isa pa nakakapagbigay na ba ng impormasyon ang hikain?" Sabi ko sa kanya na napatayo pa ako para depensahan ang sarili sa kanilang dalawa. Nanlaki ang mata ko sa huli kung nasabi sa kanila.

Hikain? Shit impormasyon nga yun, nalaman niya na may trauma ako sa motor. At baka gawin niya yung panakot sakin sa susunod. Ilang beses kung sinampal ang sarili ko sa naisip ko. Antanga sadya ng bunganga ko. Shit!

"Oh diba? Diba sabi naman sayo ni Chua na wag kang magbibigay ng kahit na anong impormasyon tungkol sa sarili mo. Lalo Na't kakakilala mo pa lamang! Jusmaryusep Abo!" sigaw sakin ni Ashanti sabay lakad papunta sa kusina para kumuha ng mga pingan at maghain.

"Tawagin mo na Ashanti ang mga anak mo, at maaga pa ang pasok nila ngayon." utos ni Manang sakin. Sinamaan ko naman sila ng tingin at tumayo na sa kinauupuan ko.

"Manang di ko sila anak! Tinulungan ko lang sila!" sigaw ko sa kanya. Sabay kuha ng telepono sa may sala at nagsalita don.

"Edi anak mo na rin! HAHAHAHA!" sigaw ni Nahzury na nasa kusina. Di ko nalang sila pinansin at nagsalita na sa intercom

"Dane, Jaina, Jackie baba na rito. Kakain na maaga pa pasok may exam." salita ko sa intercom. Lahat ng kwarto namin may sari sariling speaker kung saan kapag tinatawag ka di na kailangan ng katulong na umakyat pa sa kwarto. Dahil masasabi na doon sa telepono.

Agad kung binaba ang intercom at pumunta sa kusina. Agad akong naupo sa upuan ko at inantay muna ang mga bata. Ilang sandali lang agad na nagpapaunahan ang tatlong bata na bumaba ng hagdan at agad na humalik kay Manang.

"Good morning Mama." sigaw ng tatlo kay Manang sila na ang tinagurian nilang ina. Suportado ang tatlong batang ito ng aking pamilya, pinag aaral, binibigyan ng mamahaling gamit at kumakain tatlong beses isang araw.

Nakita ko lang sila nong isang taon, high school palang ako nun nong napagdesisyunan ko na isama nalang sila sa bahay dahil nakakaawa naman kung wala silang makain at matirhan o masilungan kapag umuulan. Naiisip ko din dati nong umapit sila sakin, paano kaya sila natutulog sa gabi?

Kung kami ay natutulog sa malambot na kama, paano kaya sila? at kung kami minsan tinatapon lamang namin ang pagkain, naiisip ko din na mas maswerte kaming mga mayayaman. Dahil sabi ni Dane sa akin, minsan lang daw sila makatikim ng ulam, minsan lang sila kumain ng kanin. tubig ulan na ang iniinim nila pantagtag lang ng uhaw at halos bungkalin nila ang mga basurahan makakita lamang ng pagkain doon.
Naawa ako sa kanila, kaya kahit murahin ako ng Mommy at lolo ko.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon