ASHANTI’S POV
Fiesta na ngayon rito kay na Lolo Edgar, alas singko palang ng umaga ay nagsi-liguan na kami at nag-asikaso ng mga kailangan. Pagsapit ng alas syete ng umaga ang dami na agad na pumunta na mga bisita na nagsi-kain ng agahan.
Wala kain lang tapos kwento, bigay minsan ng alak o regalo. Tapos maya-maya aalis na. Ang ginawa lang namin nina Ana ay naglagay ng mga pagkain kapag paubos na. Nilalaro ko rin ang mga bata na mga apo ni Lolo Edgar, pinapasyal kasama si Ana tapos binibilhan ko sila ng gusto nila kapag nasa labas na kami.
Si Khane ayun busy sa kasama si Topher, wala, ewan ko ba kung ano ang ginagawa ng dalawa na iyon. Pero hindi ko na sila pinapakilaman. Busy kasi sila sa pag-aayos sa plaza. Dahil si Christopher ang Presidente daw ng Kabataan kaya ayun, sobrang busy nilang dalawa.
“Ate Ashanti, may napanood ako sa Youtube about sayo. Totoo ba lahat ng iyon?” tanong niya sa akin, napatingin naman ako sa kanya na may mapagtanong na tingin.
“Ano yun?” tanong ko sa kanya, pero abala pa rin sa pagpapatawa sa 1 year old na baby na nasa stroller.
“About sa Net Worth mo at sa mga negosyo mo daw na ikaw ang nagmamay-ari. Totoo ba iyon?” napatingin naman ako sa kanya.
“Naku Ana, wag kang magpaniwala sa ganan. Minsan ang napapanood mo sa Youtube ay fake news, kaya wag kang magpapaniwala. Tsaka wala akong ganon noh.” Tumingin ako sa kaniya at kumindat.
“Tama ka naman Ate, pero yung mga magulang mo diba?” sabi niya sa akin. Hindi ko pinakita ang emosyon ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
“Yung mommy na tinuturing ko, hindi ko iyon tunay na Mommy. Tsaka yung Daddy ko iniwan ako sa kanila. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit niya ako iniwan sa hindi ko kadugo. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Pero okay lang iyon, hindi ko naman siya kailangan. Nabuhay nga ako ng wala siya diba? HAHAHAHA.” Tawa ko sa kanya, napasimangot siya sa sinabi ko.
“Ana, wag kang malungkot. Ano ka ba ayaw ko ng kinakaawaan. Huwag mong ipakita sakin na naaawa ka sakin.” Sabi ko sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin naman siya.
Ang ayaw ko talaga sa lahat ay iyong kinakaawaan ako ng isang tao. Hindi naman ako totally na nakakaawa. Kasi kahit papaano mayroon pa namang pamilya na tumanggap sa akin kahit hindi ko sila kadugo. Kahit minsan pinakikisamahan ko nalang yung ugali ni Mommy sa mansion.
Pinapasok kami ni Lolo sa loob upang magtanghalian. Hindi ko namalayan tanghali na pala. Ang dami kasi naming ginawa kaya ayun di ko na namalayan ang oras. Dumating sina Khane na pagod na pagod, agad si Khane lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. Pinunasan ko ang pawis niyang tumatagaktak ng aking panyo.
Umupo siya sa tabi ko, pinatalikod ko siya at pinunasan rin ang likod nito. “Shemay, naligo ka ba?” tanong ko sa kanya napalingon siya sa akin, hindi niya alam ang ibig kong sabihin. “Never mind, ano bang ginawa niyo at pagod na pagod kayo?” tanong ko sa kanila.
“I help Tophe to decorate the stage.” Patuloy pa rin ako sa pagpunas ng likod niya. “Can you please change your clothes Mister.” Tumingin siya sakin at tinaasan siya ng kilay, tumayo naman siya at sumunod na rin sa sinabi ko, tumaas ng hagdan at nagpunta na ata sa kwarto namin.
Apat na araw na kami rito at bukas, aalis na kami rito kay na Lolo talagang inintay lang namin ang fiesta. Maraming nangyari sa apat na araw na pag-iistay naming rito.
Natuto ako na tumulong sa gawaing bagay, pahalagahan ang maliliit na bagay.
Kumain ng naka-kamay, maghugas ng plato ng walang gloves ang kamay, makipag-away sa mga malalandi, makisigaw sa pag-chi-cheer sa mahal mo at isa pa sulitin ang bawat oras kasama ang pinakamamahal mo.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Teen FictionAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...