Part 51: Finding ASHANTI

23 15 0
                                    

RIBO’S POV

Pagkagising ko kaninang umaga ay agad akong nag-ayos at nagpuntang kwarto ni Ashanti, pero wala siya doon. Hinanap ko siya sa First Class na deck pero hindi ko siya makita, pinahanap ko siya sa mga crew pero walang makahanap sa kanya.

Tiningnan ko ang bawat cctv, nakita si Ashanti na naglalakad paalis ng kwarto pero sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay napahawak ito sa pader habang patuloy na naglalakad hanggang sa matumba na lang ito at mapahiga.

Sunod na camera ay kahit malayo ay kitang kita na si Ashanti ang binubuhat ng dalawang lalaki, papunta sa isang yate.

Naka standby ng ilang oras kagabi ang barko dahil s autos ng kapitan. Ngayon kinakausap namin ang kapitan pero sinasabi niya na galing sa isang tao na hindi daw nagpakilala sa kanya ang nag-utos nito.

Sa galit ko ay nasapok ko siya. Bakit siya magbibigay ng utos ng hindi naman niya kilala ang nagbibigay nito. Ngayon lumayag na kami sa Los Angeles at pagkalayag namin ay agad akong naghanap sa buong pier kung may yate na katulad ng nasa cctv footage na nakita ko kanina na lumayag din dito pero wala.

Mukhang hindi sila rito papunta at wala silang balak na sa Los Angeles lumayag.

Agad akong tumawag sa isa kong kakilala rito, para ihatid ako ng mabilis pabalik sa New York. Kailangan ko ng helicopter para makabalik at pinayagan naman niya ako. Kailangan kong bumalik, baka pamilya ni Ashanti ang nagpakuha sa kanya pero malabo. Hindi gagawin ng isang pamilya ang ipahamak ang isa pa niyang pamilya.

Tumawag agad ako kay Mr.Harisson ang President ng CDC na pag-mamay-ari ni Ashanti. Siya lang ang kilala kong malapit kay Ashanti at siya lang ang taong may numero ako. Siya lang ang taong makakatulong sa akin.

Pagka-ilang ring ng kanyang telepono ay agad din naman niyang sinagot.

“Mr. Harisson? Hello? Hello? Kailangan mong sabihin sa mansion nina Ashanti na nawawala si Ashanti, hindi ko alam kung paano nangyari pero sa pagbiyahe namin papuntang Los Angeles ay kinuha siya ng mga di kilalang lalaki.” walang prenong paliwanag ko sa kanya, kinakabahan ako sa nangyayari. Kargado ito ng konsensya ko dahil ako ang kasama niya.

“Mr. Lee hindi ko po maintindihan ang sinasabi niyo, pwede po bang huminga muna kayo ng malalim at ikalma ang iyong sarili bago magsalita?” binaba ko ang aking kamay na may hawak ng telepono. Tama siya!

Huminga ako ng malalim at agad na pinikit ang aking mga mata. Kailangan kong sabihin ito sa kanya ng ayos, kailangan ko munang pakalmahin ang sarili ko. Nang maging ayos na ang aking pakiramdam ay agad kong minulat ang aking mata at nilagay muli ang telepono sa aking tainga.

“Please tell to Miss Astrid na nawawala si Ashanti, papunta kaming Los Angeles kagabi at noong nagpapahinga na kami lumabas si Ashanti sa kanyang kwarto bigla nalang itong natumba at kinuha ng dalawa lalaki at sinakay sa isang yate. Hindi namin kilala kung sino ang kumuha sa kanya, pero baka ang pamilya niya ang may alam.
Pabalik na ako sa New York at doon ako didiretso sa mansion nila.” hindi ko na siya inantay pang magsalita pa ng marinig ko na ang parating na helicopter ay pinatay ko na ang tawag.

Pagkababang pagkababa ng helicopter ay agad akong sumakay, dala ang aming gamit ni Ashanti. Nakipag-kamay pa ako sa nasa loob na aking kaibigan. Kilala niya si Ashanti panigurado isa siya sa nakalaban ni Ashanti sa race dito sa America kaya kapag nabanggit ang pangalan nito sa kanya kilalang kilala niya. Tahimik lang kaming umalis sa LA at lumipad sa NY.

Siguro nakakalimutan niyo, nagkakilala na kami ni Ashanti, remember sa Jet?

Nakasama ko na siya pati si Nahzury. Pero tulad nga ng sinabi ni Astrid sa akin kahapon, mabilis makalimot ang utak ni Ashanti dahil sa mga gamot na tinuturok sa kanya.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon