AUTHOR’S POVBuhat-buhat ni Khane at Ribo si Ashanti ay hinahanap nila kung saan nagparking ang sasakyan ng ambulansiya nilang dala. Hindi tumitingin sina Ribo at si Khane sa dalaga dahil sa ayaw ng mga ito na ipakita kay Ashanti na nagiging mahina sila sa sinapit ng dalaga.
“Madam!” sigaw ni Xeria ng makita ang kumpulang pamilya na hawak na ng mga militar.
“Ashanti anak!” sigaw ng ginang ng makita si Ashanti na buhat buhat ng dalawa. Agad itong tumakbo sa tabihan nito at hinawakan ang mukha ng nanghihinang anak. “Anak bakit nangyari ito sayo?” tanong nito sa anak sabay patak ng sunod sunod na luha sa mata nito.
“Stretcher” sigaw ng ilang kalalakihan, pagkarating ng higaan ay dahan dahan na inihiga ni Khane at Ribo ang dalaga, mula sa ilaw ng streetlight ay kitang kita si Ashanti na namumutla na dahil sa pagkawala ng maraming dugo at namumungay na ang mata nito.
Rinig na rinig din ng nasa paligid ang hirap nitong paghinga, agad na nilapitan ng mga rescuer si Ashanti, pero ngumiti siya Ashanti at pinigilan ang kamay ng isang rescuer na balak sanang lagyan siya ng Medical Cpr Mask para mabigyan ito ng hangin.
Naglakad paatras ang hinawakan ni Ashanti na lalaking rescuer at humarap sa Pamilya. “Mukhang ayaw po niyang gamutin namin siya.” mahinang sabi nito habang nakayuko.
Agad na hinawakan ni Ashlyne ang nagsabing iyon at umiling ang dalaga sa lalaki. “Hindi, gawain niyo please!” pagmamakaawa nito sa kausap, habang tumutulo ang luha sa mata nito. Umiling ang rescuer.
“Hindi po natin maaring pilitin ang pasyente sa kagustuhan nila. Sila po ang makakapag desisyon sa sarili nila kung gusto pa nilang mabuhay o hin….”
“NOOOOOOOOOOOO!” sigaw ni Ashlyne sa nagsabi. “Ngayon ko lang siya muli makakasama sa buong buhay ko, tapos ano? Babawiin niyo siya sa akin? NOOOOO!” sigaw nito, agad itong tumakbo palapit kay Ashanti na nakatingin lang sa mukha ng nasa paligid niya.
Nagpunta si Ashlyne sa ulunan nito at hinamas himas ang mukha nito. “Ashanti please, this time makinig ka naman.” pagmamakaawa nito sa kakambal habang tumutulo ang luha, ngumiti si Ashanti ng tipid rito.
“I’m happy, your alive.” sabi nito sa kakambal na nasa ulunan.
“Nice meeting you again, My Twin.” sabi nito, pumatak ang luha sa pisngi ni Ashanti mula sa kanyang kakambal. Tumingin si Ashanti sa kanyang pamilya habang nakangiti.
“Ashanti, dadalhin ka nanamin sa Hospital, makinig ka sa amin. Hayaan mo lang silang gamutin ka.” sabi ni Nahzury sa kapatid. Umiling si Ashanti rito.
“300 kilometers pa ang Hospital mula rito, baka hindi ko na kayanin bago pa ako makapunta sa……”
“No!” sigaw ni Howard sa kapatid sabay hawak sa kamay nito at halik. “Huwag mong sabihin iyan please. Andito na kami oh? Buo na tayo, kaya please wag mong sabihin iyan.” sabi ni Howard sa kapatid. Ngumiti si Ashanti rito.
“Please Ashanti iha, makinig ka naman muna sa amin.” sabi ni President Abseydi rito. Iniisa isa ni Ashanti ang mukha ng nasa paligid niya at tinitingnan kung kompleto ito, pero naging malungkot siya ng hindi niya makita ang isang taong inaantay niya.
Mag aalas singko na ng umaga at ayaw pa rin ni Ashanti na sumunod sa sinasabi ng Pamilya niya, para bang sa isip niya ay kahit anong gawain niyang pagsunod sa mga ito ay feel niya ay iiwan niya rin ang mga taong ito na nasa paligid niya.
Alam niya sa sarili niyang hindi na niya kaya at mahihirapan lang siya kung susundin lang niya mga utos ng mga ito.
“Ashanti!” sabi ni Tita. “Anak, ano bang gusto mo? Sabihin mo gagawin namin para sa iyo.” sabi ng ginang sa anak.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Novela JuvenilAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...