“KHANEEEEEEEEEEE! HONEEEEEYYYYY!!” agad akong tumakbo papunta sa second floor ng marinig ang sigaw na iyon mula sa taas, mabilis akong umakyat sa hagdan, nadaanan ko pa ilang maid na naglilinis at agad silang tumabi sa pagmamabilis ko.
Mabilis kong binuksan ang pintuan at nakita ang aking magandang asawa na nakaupo sa kama at kapit na kapit sa bedsheet ng kama. Napatingin ako sa reaksyon ng mukha nito, tiningnan ko ang paanan nito. Agad akong lumapit rito.
“Bakit?” nag-aalalang tanong ko rito, sabay hawak sa malaking tiyan nito na dala-dala ang aking munting anak.
Huminga siya ng malalim saka nagsalita. “Manganganak na ako!” sigaw nito, agad akong tumabo papuntang walk-in closet at kinuha ang mga nakahandang bag, agad na lumapit sa asawa ko at agad itong binuhat.
“YAYA! Yung mga gamit sa kwarto!” sigaw ko pagkalabas ng kwarto.
“Iready ang sasakyan!” sigaw ko rito, agad kong pinindot ang button ng elevator, hindi ako maaring maghagdan ngayon dahil baka magpatak kaming dalawa at maging delikado pa iyon para sa asawa ko at sa aking anak.
Pagkapasok sa elevator ay mabilis na sumunod ang dalawang yaya na dala-dala ang gamit ni Ashanti.
“Tawagan niyo sina Mommy.” sabi ko rito, pagkabukas ng elevator ay agad na binuksan ng driver ang pintuan ng kotse at dahan dahan kong isinakay doon si Ashanti, kasunod ako. Mabilis din na pumasok ang dalawang katulong sa likuran, hawak hawak ang kamay ng aking magandang asawa ay hinahaplos haplos ko ang ulo nito at hinahalikan ang noo nito upang mawala ang sakit na nararamdaman.
“Natawagan na ba ang doctor ni Ashanti?” tanong ko sa dalawang nasa likod. “Yes Sir, tinawagan na po ni Manang noong sumigaw kayo.” sabi nito sa akin tumingin ako sa aking asawa ng ang kanyang kuko ay umukit na sa kamay ko.
“Masakit na” sabi nito sa akin. “Pakibilis po Manong.” sabi ko sa driver. Agad naman nitong ginawa ang sinabi ko. Tiningnan ko ang aking asawa at agad na niyakap ito. “Hold on, malapit na tayo.” sabi ko rito.
Tumango ito sa akin. “Sir, nasa likod na po ang security.” sabi ng Driver ko, agad kong binaling sa likod ang paningin.
“Pakisabi linisin ang daan.” sabi ko rito, tumango siya at pagkasabi niya noon ay mabilis na may nag-overtake sa dalawang gilid namin na ilang sasakyan.
“Malapit na tayo Honey. Kunting tiis nalang.” sabi ko rito.
Noong makarating sa Hospital ay agad na inilipat si Ashanti sa stretcher, agad na dinala papunta sa operating room para doon asikasuhin. Naghintay lang ako rito sa labas habang iniintay ang aking mag-ina. Hindi ako maaring pumunta sa loob dahil sinabi sa akin ni Ashanti na gusto niya akong masurprise sa gender ng baby.
Umayon naman ako sa gusto niya. Kapag nagpapacheck-up kami dati ay kapag sasabihin na ng doctor kung anong gender sinasabi ni Ashanti na i-email nalang dito. Gusto niyang masurprisa ako rito, ito lang daw kasi ang maibibigay niyang regalo sa akin sa buong buhay ko ang anak namin kaya gusto niyang sa regalong ito, masurprise ako.
Tatlong taon bago kami nagpakasal ni Ashanti, noong una kaming nagkita sa China muli, napag desisyonan naming dalawa na ituloy muna ang buhay magkarelasyon. Marami pa kaming hindi nalalaman sa isa’t isa kaya naman kailangan muna namin alamin iyon.
Tinapos ni Ashanti ang kanyang pag-aaral. Siya na rin ang nagpapatakbo ng Ashanti Liyan Lane Group of Companies na ngayon ay pinaltan na muli ng pangalan na Lane Sy Group of Companies. Tinutulungan ako minsan ni Ashanti sa business ko, pero hindi niya ako pinakikilaman sa mga desisyon ko sa halip ay sinusuportahan at inaadvice-han niya ako sa mga desisyon na ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Teen FictionAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...