ASHANTI’S POV
“Hindi mo ba alam na tawang tawa ako sa mukha ni Montellier ng makita ko ang reaksyon ng mukha niya? Shems para siyang tigre na nawalan ng buntot. HAHAHA!” utas na kwento ko kay Nahzury.
“Tapos anong nyum* nyum* nyum*” yan lang naintindihan ko sa sinabi niya dahil punong puno ng pagkain ang bunganga niya.
“Lunukin mo nga muna iyan. Para ka diyang ngungu.” (bungal or di nakakapagsalita ng ayos) sabi ko sa kanya at inirapan niya ako ng mata. Pagkalunok niya ng kanyang pagkain ay nagsimula na naman ang walang tigil na pagsasalita ng bunganga ni Nahzuria na akala mo naman ay puwet ng manok na bumuka na ng bumuka.
“Pasalamat ka nga dinalahan kita ng chef para naman maging maganda yang katawan mo. Hinired ko pa yan para sa iyo. Boring boring kasi ng bahay mo, wala kang kasama!” sigaw niya sa akin, aba naboringan pa. Kaya pala wala siyang ginawa kundi magselfie sa buong paligid ng bahay.
“Ganito pala ang penthouse ng may-ari ng building na ito ano? Automatic lahat.” sabi niya sabay punta sa couch at umupo na animoy parang isang lalaki.
“Miss, pagpasensyahan niyo na yan takas lang yan sa mental.” natatawang sabi ko doon sa chef.
Totoo ako lang mag-isa rito sa bahay, sa totoo dalawa kami. Pati yung isa na hinold-up ko na pinalipat ko na ng kwarto, wala na siya sa study room nasa secret room na siya. Swerte nga niya ei, may taga bantay siya doong dalawang bodyguard. May kama, naka-aircon at pakain pa. Dapat nga kapag hino-hold-up hindi pinapakain diba?
Pero mabait kasi ako, baka kasi mamaya’t ang lalaki baka hindi makilala ng asawa kapag nasa himlayan na. Pinagawa ko na kay Zia ang pinagawa ko, nakakuha ako kay Ivette ng impormasyon kung saan nakatira ang may ari ng telepono na ito, at kung saan lugar siya nandodoon.
Si Zia, pinahahanap ko sa kanya ang mag-ina nitong hinold-up ko, baka sakaling kakanta ang lalaki na iyon, balik kay Nahzury, ayon nandoon naman siya sa Google Access ko kung saan ay si Cookie ang pangalan.
“Cookie turn on the blinds”
“Cookie turn the pool to wave pool"
“Cookie turn the light into dim light”
Yan lang sinasabi niya at sinusunod naman ni Cookie ang lahat ng iyon, with matching may palakpak pa itong si Nahzury. Naglibot-libot muna si Nahzury, hindi naman malalaman ni Zury kung nasaan banda ang secret room na iyon, dahil kakulay lamang ng pader ang pinto noon at may secret password pa na kailangan bago mabuksan iyon or kaya mayroon siyang card pass o mahanap niya ang isang pindutan bago mabuksan iyon.
“Abo, nagpadala pala si Manang ng isang taga laba at dalawang taga linis ng bahay. Papunta na ata ang mga iyon.” shemsss! Napupuno ang lugar ko ng tao, hindi ito ang gusto ko na mangyari. Mas gusto ko lang mag-isa at ayaw ng kasama.
“Bakit nagpadala si Manang ng mga tauhan?” tanong ko sa kanya. “Inutos daw iyon ni Ama kay Ina.” alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Ang ama ng mga kapatid ko na hindi ko rin naman nakikita dahil sila lang ang nagkikita kita.
Ang totoo hindi sinasabi ni Mommy sa lahat na dito ako nakatira sa penthouse at hindi sa mansion.
Malamang na malaki kasing gulo ang mangyayari kapag nalaman nila iyon, ayaw ko na kasi makihati sa atensyon nila. Ayaw ko na kasi ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila, hindi ko naman sila kaano-ano? Ni hindi ko nga dugo ng mga Sy ang nanalaytay sa katawan ko, ni hindi nga ako isang Sy at Lane ako.
Kaya bumukod na rin ito, mas magaling na ito kaysa naman nakikihati ako sa mansion ng mga Sy na hindi ko naman kaano-ano diba?
Nakakahiya lang, tumatanggap ako ng pera na hindi naman dapat sa akin at dapat sa mga nakakatanda kong kapatid, dapat nga yung mana ko na nakukuha sa kanila napupunta ei, hindi sa akin.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Fiksi RemajaAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...