NAHZURY’S POV
ISA! Isang linggo na si Ashanti na walang pahinga sa kakatrabaho, simula ng malaman niya kung sino ang nasa likod ng ginagawa ni Sandoval ay wala siyang ginawa kundi humanap ng paraan upang mapansin ng kalaban ang atensyon niya.
“Ashanti anong oras ba tayo kakain? Kanina pa tayo nagmamanman dito sa harap ng gusali ah?” tanong ko sa kanya, agad naman siyang
“Bili ka don, gutom na rin kasi ako.” Nakangusong sabi niya sa akin habang tinuturo ang isang restaurant, agad naman akong umirap sa kanya at agad na lumabas ng kotse.
Pagkalabas ko ng kotse agad kong binalibag ang pintuan ng kotse at tuloy tuloy na naglakad papunta sa kabilang daan kung saan nandoon ang restaurant. “Bakit ba napakatamad niyang si Abo?!”
“Ano bang pagpapalaki ginawa ni Lola diyan sa America?” “Buhay Prinsesa ang gaga!” sinasabi ko yan sa sarili ko habang lumiliban ng daan, hanggang sa..
“PEEEEP!”
“Magpapakamatay ka ba?” sigaw sa akin ng isang pamilyar na boses, napaharap ako sa lalaking sumigaw sa akin, agad na may lumabas sa sasakyan at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Si Khane, shit paano ito nasa kotse si Ashanti, paano kapag nakita niya na nagmamanman kami rito, lagot na.
Hinatak niya ako papunta sa tabi at doon niya ako kinausap. “Oh Nahzury ikaw pala, bakit ka ba nasa gitna ng daan?” tanong niya sa akin. Ano bang sasabihin ko rito?
Kailangan ko ng palusot, shit paano?
“Ah bibili kasi akong pagkain diyan oh.” Turo ko sa restaurant na nasa harap namin. “Ah ganun ba? Samahan na kita.” Agad naman akong tumango sa sinabi niya, magaling ng kasama ko siya baka kasi mamaya makita niya kotse ko, malaman na may kasama ako, di pa naman tinted ang bintana non.Pumasok kami sa restaurant at agad na umorder. “Ma’am, Sir what’s your order?” agad akong napatingin sa kasama ko, agad naman siyang tumango sakin na ibig sabihin ako muna ang mauna.
“Favorite mo pala ang Jollibee?” tanong niya sa akin, napatango na lang ako sa kanya bilang sagot para wala ng marami pang tanong. “Uhm, 2 rice and 2 pc. of chicken, 2 regular price and also 2 coke, Takeout.” Dire-diretso kung sabi sa cashier, agad kong binigay ang pera sa kanya at nag-antay ng ilang saglit.
“May kasama ka?” tanong muli sa akin ni Khane napatingin ako sa kanya, pano ba ito? “Ah wala, alam muna matakaw kasi ako kaya kailangan doble.” Natatawa kong sabi sa kanya.
“Hahaha, grabe naman yang tiyan mo ha.” Natatawang sabi niya sa akin. “Ah ikaw bakit di ka umorder?” tanong ko sa kanya, agad naman siyang tumingin sa akin. “No need, may date kasi kami ngayon ni Ashanti, alam mo na yung pinsan mo always dapat gutom kapag may date.” Natatawa niyang sabi.
“HAHAHA, Napamahal ka na sa kapatid ko noh?” tanong ko sa kanya, agad naman siyang ngumiti ng pagkalapad-lapad. “Haha, wala ei tinamaan. Kahit naman kaaway mo kapag tinamaan ka mawawala ang salitang kaaway sa puso mo.” Hooo, corny! Ano kayang pinalamun ng Abo na yun rito? Halatang patay na patay ei. Pero naawa ako kay Khane, kung alam lang niya na isang kaaway lang ang tingin sa kanya ni Ashanti.
“Siya sige, aalis na ako, sabagay tapos ka nanaman umorder, ingat sa pag-uwi ha. Bye.” Yan lang ang sinabi niya at agad na lumabas ng kainan na ito, pagkakuha ko ng inorder ko ay agad akong lumabas ng kainan na iyon at agad na nagtungo sa sasakyan ko.
Agad kong kinatok si Ashanti na naka-earphones, at nang maalipungatan siya ay agad niyang binuksan ang pintuan.
“Hooy! May nakalimutan ka ba ngayong araw na ito?” tanong ko sa kanya sabay bagsak ng pagkain sa likod.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Novela JuvenilAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...