KHANE’S POV
Nabigla ako sa nangyayari, hindi ko alam na nandito si Ashanti ang alam ko lang kami-kami lang ang naririrto at hindi ko rin alam na may ginawa rin pala siya para sa akin.
“Khane saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Astrid sabay hatak ng aking kamay. Agad ko iyong binitawan pero mabilis niya ulit iyon hinawakan.
“Pwede ba Astrid, pupuntahan ko si Ashanti. Liliniwan ko sa kanya ang lahat!” sigaw ko sa kanya.
“Para saan pa?!” sigaw niya sa akin. “Binitawan ka na niya! Tapos na kayong dalawa! Ano pang lilinawin mo sa kanya?!” pasigaw niyang sabi sa akin.
“Ang lahat lahat!” sigaw ko rito.
Naglakad na ako palayo, malamang maabutan ko pa si Ashanti para makapag-paliwanag ng ayos. Hindi ko alam na naririto siya ang alam ko lang kami-kami lang ang nariririto sa lugar na ito, pero bakit andito siya? Sasabihin ko sa kanya na pakulo lang ito ng pamilya niya, na sinusunod ko lang ang utos nila.
(FLASHBACK)
Andito ako sa bahay na pinagawa ko ng biglang dumating si Astrid at si Ashlyne rito. “Khane?” tawag nila sa pangalan ko habang kausap ko pa ang Architect na hinire ko. Agad akong napaligon sa kanila at tinapos ang usapan naming dalawa ng Architect.
“Paano niyo nalaman ang lugar na ito?” tanong ko sa kanila, tanging ako lang at ang mga kaibigan ko ang nakakaalam ng lugar na ito. Isa ito sa lupa na binili ko rito sa Private Village na ito, binili ko ito at pinagawan ng bahay para sa amin ni Ashanti. Bahay naming dalawa ito pati ng mga anak namin.
“Sinabi ni Eleven na naririto kayo kaya nagpunta kami rito.” sabi ni Astrid sa akin, naglakad ako papunta sa gazebo at sumunod naman sila sa akin. Gawa na ang bahay na ito at pinapaayos ko nalang ang interior ng bahay, gusto ko ay maayos talaga ang pagkakaayos ng buong bahay kaya naghired ako ng architect para asikasuhin ang Interior design nito.
“Ang ganda ng bahay mo ah.” bati ni Ashlyne sa bahay ko na pinagawa ng makaupo sila sa upuan.
“Salamat. Regalo ko ito kay Ashanti, para kapag natapos na ang problema pwede na namin simulan ulit ang pangarap namin.” nakangiting sabi sa kanila.
“Nga pala about sa Anniversary niyo Khane ng Kapatid namin, nakaplano na ang lahat.” sabi ni Astrid.
“Na ano?” tanong ko sa kanila. “Sa mismong Anniversary niyo ay mag pre-pretend kang mag-propose para kay Ate.” sabi ni Ashlyne sa akin, napatayo ako sa sinabi niya.
“Hindi ba sobra-sobra na ito Astrid?” tanong ko sa kanya.
“Wala kaming magagawa, iyon ang plano ng buong Familia, sumusunod lang tayo sa utos.” sabi niya sa akin.
“Wala naman doon si Ashanti, dahil nag-rent kami ng resort para sa gaganapin. I-vivideo nalang para maipasa sa kanya, para hindi masyadong masakit sa kanya ang nakikita niya.” sabi ni Ashlyne. Napatawa ako sa sinabi niya.
“Hindi masyadong masakit?!” pasigaw kong tanong sa kanya. “Tingin niyo biro lang lahat ng ito? Ginagawa ko ito para sa kaligtasan ni Ashanti, hindi dahil biro lang sa akin ito! Kung nasasaktan si Ashanti, paano naman ako? Hindi ako nasasaktan?!” sigaw ko sa kanila.
“Khane this is our last chance, para mabago ang iniisip ni Ashanti. Nalaman namin na nakikipagkita na si Ashanti sa mga team niya at sa mga VIP member. Wala ng makakapagbago ng isip niya, kundi ang bagay na ito.” sabi ni Astrid.
“Pero paano kung bitawan niya ako sa ginagawa nating ito? Tingin mo anong mangyayari sa akin?!” pasigaw kong tanong sa kanya.
“Hindi mangyayaring bitawan ka niya, dahil mahal na mahal ka niya.” seryosong sabi ni Ashlyne.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...