Part 70: The END IS NEAR

27 13 0
                                    

ASHANTI’S POV

Pagkapasok namin sa main gate ay agad kong ibinaling ang paningin sa army camp site, may nakita akong isang liwanag galing sa flashlight sa isang tent sa bandang dulo, alam kong nandirito na ang mga taong ito.

Ibinalik ko na ulit ang paningin sa unahan, pagkapasok sa second gate bago makapasok  ng mansion ay agad kong pinatigil ang sasakyan ng may makita.

“Bakit may pagala galang Lion rito?” tanong ng driver. Mabilis kong binuksan ang pintuan at mabilis na bumaba ng sasakyan. “LEOOOOOOO!”

“Ashanti mag-ingat ka!” sabi ni Ribo na nasa likod ko, dahan dahan kong nilapitan ang alaga kong leon.

“Leo??” tawag ko rito, humarap ito sa akin at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon ko, agad akong lumuhod at pagkapalapit niya ay agad itong niyakap.

Si Leo ang naging sign ko kung bakit may nangyayari rito sa bahay, ang pulang dot na nakita namin sa loob ng Twin Mirror ay si Leo, nilagyan ko siya ng tracking device at kapag naka-alis siya sa kulungan niya ito ay lalabas sa screen ni Twin.

Alam kong natakot siya sa narinig niya kanina, tumingin ako kay Ribo na hinahakbangan ang ilang mga butler na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay.

Agad akong tumayo ng matapos himas-himasin si Leo, nilapitan ang bawat isang butler na andirito sa loob, tiningnan isa isa ang mga bulsa nila, pero wala ito rito. Naglakad ako papunta sa second gate na malayo layo pa rito.

Bawat nakikita ko sa dinadaanan ko ay wala sa bulsa nila ang hinahanap ko, hanggang sa nakarating na ako sa second gate at tanaw na tanaw ko na ang mansion. Kailangan pa ba akong pahirapan ni Montellier para lang malaman kung saang lugar iyon?

Sabagay kung ako rin naman ang maghohostage sa isa sa mga kamag-anak niya hindi ko hahayaan na makita niya kung nasaan ako, para pagdating niya wala na ang mga ito.

Tumingin ako sa isang puno at may nakita akong isang kahina-hinala doon, agad akong lumapit doon at may nakita akong isang paa. Mabilis akong lumapit at tiningnan ang taong naroroon, isang butler agad kong tiningnan ang bulsa niya pero wala ito, pagkatayo ko ay sumagi sa mukha ko ang isang papel na isinabit sa puno gamit ang isang kutsilyo na may dugo.

Agad kong hinatak ang kutsilyo at kinuha ang papel at binasa. “Nandito ka lang pala?”

Agad akong naglakad papunta kay Ribo tinitingnan niya kung may buhay pa sa mga tao rito. Nang makalapit kami sa mansion ay napansin kong may gumagalaw sa malalaking halaman sa garden agad kong kinuha ang baril sa aking likuran, tinutok sa halaman at dahan dahan na kinasa saka dahan dahan na naglakad papunta doon.

Nang makalapit ay agad kong hinawi ang halaman, bumungad sa akin ang dalawang binatang butler na nagtatago roon, agad akong lumuhod at mabilis na niyakap ang dalawang ito. Hagulhol silang yumakap sa akin at halatang halata ang takot sa kanila.

“Miss.” iyak ng dalawa habang sinasabi iyon. Inialis ko ang pagkakayakap sa kanila at hinawakan ang kanilang dalawang kamay. Kinuha ang mga baril sa tagiliran nila at ikinasa isa-isa sa harapan nila. Ibinigay sa kanilang kamay ang mga baril.

“Nakikita niyo ang lalaking iyon?” tanong ko sa kanila sabay turo ni Ribo na tinitingnan ang mga bodyguard na nakahandusay sa sahig kung may pulso pa.

Tumango ang dalawa sa pagharap ko. “Dalhin niyo siya sa likod. Sa madalas ko minsan puntahan.” sabi ko rito. "Ihanda niyo ang inyong mga relo sa bente minutos. Magpanggap kayo na mayroong sugatan doon.” sabi ko rito.

“Magiging safe kayo kung magtatago kayo doon, kung may natitira pang mga maids ay pagkatapos ng isang oras lumabas na kayo at ireport ang nangyayari rito sa pulis.” sabi ko rito. Tumango silang dalawa.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon