Part 13: Miss Ash

70 49 1
                                    

BLUE'S POV

(N/A: Bigyan natin ng Exposure si Blue. Haha)

Mag kakalahating oras na simula ng matapos kaming kumanta, at andito ako sa table ng mga babae na kaibigan ni Ashanti kasama sina Bro ganun na din si Ashanti, pero may kulang yung kaibigan ni Ashanti. Asan kaya iyon? Bahala na siya sa buhay niya, buhay niya naman iyon. Haha pake ko ba don?

"So, I'm here again, I'm here, to announce to all of you, who is the nominees of our Mr. and Ms. Acquaintance party." Sabi ng emcee sa mic ng marinig ng mga student na i-a-announce na agad silang nagsi-ingayan, naririnig ko pa nga ang mga sinasabi nila.

"Sino kaya magiging Mr. and Ms. Acquaintance natin?"

"Diba ang sabi kapag daw naging isa ka sa Mr. and Ms. Acquaintance bawal ka ng sumali sa iba pang mga pageants like, Mr. and Ms. School Beauty, and Mr. and Ms. Department Beauty?"

"Oo nga noh?"

Yan lang ang mga naririnig ko sa likuran ko, oo nga noh may point sila kung mananalo si Ashanti ngayon di na siya makakasali sa Ms. School Beauty. Mas maganda kasi ang School Beauty kaysa sa ganitong Acquaintance.

"Okay I will call, our nominees, so nominees please go to the stage." Sabi ng emcee.

Agad na nagsibulungan muli ang mga mga tao. Inaantay nila kung sino nga ba talaga ang mananalo sa gabing ito.

"Okay, from Business Management Department. May I call on, Mr. Khane Laxus Simpson." pagtawag ng emcee kay Khane agad naman na tumayo si Khane at kumaway sa mga tao, at pormadong naglakad papunta sa stage.

"In Business Department again, May I call on Mr. Blue Neoye Dixon." Pagtawag sakin ng emcee, agad akong tumayo at ngumiti sa mga tao at kumaway sa mga ito. Naririnig ko na ang mga hiyawan. Ako na ang mananalo sa pagkakataon na ito. Wahaha.

"And for the Ms. Acquaintance. From Business Management Department, Miss Hailee Briguela." Naghiyawan ang mga tao ng marinig ang pangalan na iyon.

For more info mga gwapong katulad ko, mag ex si Hailee at Khane kaya wag kayong masho-shock may kalandian kasing taglay itong si Hailee na bruha, kaya napikot si Khane. Wahahaha, ang bastos ko iyon? Haha.

"From Grade 11, from Accountancy and Business Management Department, Miss Ashanti Liyan Lane. " tumingin ako sa paligid nagpalakpakan sila pero walang hiyawan, tumingin din ako sa likod ko, andito yung kuya ni Ashanti pero wala siyang reaction bakit kaya?

"At iyan po ang ating nominees for our Mr. And Ms. Acquaintance 2018." Sigaw ng emcee at nagpalakpakan at nagsigawan ang mga tao. Tumingin ako sa paligid at palihim na lumapit kay Khane.

"Sa tingin mo sinong mananalo?" tanong ko sa kanya.

"Ako yun panigurado." Kumpyansang sabi ni Khane sa akin.

"Ano pusta tayo kapag ako nanalo, bigay ko sayo ang Bago kung Yamaha R1M, ano? Kapag natalo ka, bigay mo sakin MV Agusta F4CC mo? Ano deal?" tanong ko sa kanya.

"Deal." Yan lang ang sinabi niya, para akong nanalo sa lotto ng marinig ang pagpayag niya.

Puta nakasalalay sa mga taga-hanga ko ang aking bagong bagong motor! Please god, sana di siya manalo, pero panigurado naman na di siya mananalo noh. Wahahaha. MV Agusta F4CC mahahawakan na rin kita. Shet!

"Okay, andito na ang lahat sa stage, bibigyan po muli namin kayo ng dalawang papel para isulat kung sino ang bet niyo sa dalawang lalaki at babae. At pagkatapos ng 10 minutes ay sasabihin na namin kung sino ang mananalo." Sabi ng emcee, namigay na ang mga staff ng papel sa bawat lamesa. Tiningnan ko si Ashanti at Hailee, halatang nababagot si Ashanti sa ganito, samantalang ito namang si Hailee na bruha todo ang irap.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon