Part 40: Cutting Ties

42 40 0
                                    

KHANE’S POV

Simula kagabi ay hindi ko na narinig si Ashanti na nagsalita. Nakita daw ito ni Blue na tulala kagabi sa may garden at halatang may iniisip na malalim. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya, pero kapag tinatanong ko siya ngumingiti lang siya.

Naandito kami ngayon sa bangka.
Namangka kami ngayon at balak namin na mag dive, pero busy si Ashanti sa pakikipag-usap kay Ana kaya kami nalang boys ang sumugbo sa tubig. Nag-enjoy nalang kami sa pagtingin ng mga magagandang coral reefs rito.

Nang makaahon ay agad kong nilapitan si Ashanti. “May problema ba tayo?” tanong ko sa kanya, ngumiti lang siya sa akin. Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

“Diba nangako tayo na walang sekretuhan, sabihin mo sa akin kung ano ang problema.” mahinahong tanong ko sa kanya, tumingin siya sa mga mata ko at muling umiwas.

“Pinapalayo ako ng Lolo mo sayo.” Pagkasabi niya ay agad kong nahigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay napatingin at napatingin sa akin, inalis ko ang pagkakahawak sa kanya at tumingin kay Manong na bangkero.

“Tara na sa pampang.” Yan lang ang sinabi ko kay Manong at agad naman niyang sinunod ang sinabi ko.
Sobra na ang ginagawa niya. Sobra na ang pagkokontrol niya, pati sarili kong buhay ay nakikialam siya. Hindi na ako papaya. Hindi na!

Hindi na ako magiging sunod sunuran sa kanya. Sa unang pagkakataon ngayon lang ako hindi makikinig sa kanya, ngayon lang ako lalaban sa kanya. Ngayon lang! Sinabi kong hindi na iyon mangyayari ulit.

Pagkarating sa pampang ay agad akong bumaba at naglakad. Kailangan ko siyang kausapin, kailangan ko siyang pigilan sa balak niya. Hindi ko hahayaan na mawala sa akin si Ashanti! Hindi, hindi mangyayari ang nangyari sa amin ng Ex ko. Hindi na!

Agad akong nagpunta sa kwarto niya pero bago pa ako makapasok ay pigilan ako ng mga bodyguard niya.

“Sir, may kausap pa po si Master.” Sabi nila. “I don’t care, let me go!” sigaw ko sa kanila, binitawan naman nila ako at agad akong pumasok sa loob ng silid ni Lolo.

“Why are you here?” tanong niya sa akin, nakaupo siya sa couch habang hawak ang cellphone niya. “Bakit mo iyon ginawa?” tanong ko sa kanya, tumayo siya at nagpunta sa tapat ng bintana. “Dahil hindi siya nababagay sa iyo.” Yan lang ang sinabi niya, napakuyom ako ng kamay. Gusto ko siyang saktan, buong buhay ko wala na siyang ginawa kundi kontrolin ako.

Wala na akong nagawang tama para sa kanya. Wala na!

“Kayo ba ang magdedesisyon kung sino ang nararapat sa akin, hindi ba’t ako?!” sigaw ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. “Buong buhay ko, wala na kayong ginawa kundi kontrolin niyo ako. Lahat na lang! Lahat na lang nakasagabal kayo!” sigaw ko sa kanya.

“Lumayo ka sa kanya hangga’t may awa pa ako sa kanya. Dahil kapag wala na sasaktan ko na siya!” may awtoridad ang pagkakasabi niya at nanlalaki na ang mata niya habang sinasabi iyon.

“Iyan diyan naman kayo magaling diba? Ang manakit? Ang may saktan? Inisip niyo ba na nasasaktan rin ako sa ginagawa niyo!” sigaw ko sa kanya.

“Tama nga ang sabi nila. Napaka demonyo mo! Sakim ka.”

Nakatanggap ako ng malakas ng sampal mula sa kanya. Hindi ko maramdaman ang pisngi ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakasampal niya muli akong umayos ng tayo at tumingin sa kanya.

“Sige gawain mo lahat ng gusto mo! Protektahan mo ang babae na iyon, pero kapag napahamak ka ng dahil sa kanya. Wag kang lalapit at hihingi ng tulong!” sabi niya sa akin na nanlalaki ang mata.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon