ASHANTI'S POV
Kanina pa kaming nasa biyahe papunta ng Davao at ilang minuto nalang ay lalapag na kami sa Airport. Nakikita ko na mula sa taas ang magandang lugar na ito. Kaya for sure magiging exciting ang bakasyon ko rito.
"Saan ka nga pala nanggaling kahapon?" tanong ng katabi ko, inilapag ko sa lamesa ang aking hawak na wine glass at tumingin sa bintana.
"Alam mo iyong pinababantayan ko kay Zia na school ni Precious na naikwento ko sa iyo na isa sa amo sa Octagon, si Xeria na ang may hawak ng project na iyon ngayon." sabi ko sa kanya.
Matagal ko ng pinaptrabaho ito kay Zia simula ng umalis ako ng bansa ay agad kong ibinigay sa kanya ang pagbabantay sa university na iyon para malaman kung sino nga ba ang nag-ngangalang Precious na iyon.
"Oh tapos?" tanong nito sa akin. Walang reaksayon sa mukha at hindi interesado sa sasabihin ko.
"Nagulat ako noong tumawag si Xeria sa akin, akala daw niya ay nasa bahay pa lang ako, pero nakita daw niya akong lumabas sa isang van at pumasok sa university." sabi ko rito, nailing ako sa sinasabi ko. Kasi hindi ako makapaniwala sa nakita ko kahapon.
"Nagpunta ako doon sa lugar na sinasabi niya at nagulat din ako, nakita kong naglalakad sa harapan namin ang babaeng kamukha ko at isa pa ang dami niyang kasamang mga bodyguard na halatang naka-importanteng tao ng babaeng iyon."
"Sabi ko kay Xeria baka kahawig ko lang, kasi sino ba naman magiging kamukha ko? Ei wala nanaman akong kakambal. Diba? Pa-----tay naaa." tanong ko rito, at mahinang sabi sa panghuling linya, pero mukhang lutang lang siya habang nakatingin sa akin. Hindi siya nakikinig, hindi talaga ata interesado.
Ginalaw ko ang kamay niya, napatingin agad siya sa akin. "Ano iyon?" tanong niya, tinarakan ko siya ng mata. "Sabi ko, paano ko magiging kamukha iyon ei wala nanaman akong kakambal, diba?" ulit kong sabi rito, napangiti naman siya sa akin.
"Oo nga, paano magiging ikaw iyon? Baka kahawig mo lang talaga." sabi niya sa akin, tumango tango ako sa kanya at nag-okay sign.
"Pero saan nga pala ikaw nagpunta?" tanong nito sa akin. "Nagpunta ako sa school na pinababantayan ko." sabi ko rito.
"Ah, ganun ba?" sabi niya sa akin.
"Pero na-cu-curious talaga ako sa nakita ko, talagang kamukha ko siya at isa pa mukhang importante siyang tao sa dami ng kasama niyang bodyguard." sabi ko sa kanya, habang nakatingin sa mukha niya at pinag-cross arms ang mga kamay habang nagsasalita.
"Gaano karaming guard?" tanong nito sa akin, nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Kailangan ko pa bang sagutin?" tanong ko rito.
"Oo para malaman mo kung gaano kahalaga ang taong iyon." sabi niya sa akin.
"Dalawang van iyon ei." sabi ko sa kanya.
"Edi hindi ganoon kahalaga, ikaw ang mas mahalaga kesa sa kanya." seryosong sabi nito sa akin, napangiti ako sa kanya at naguguluhan rito sa katabi ko. Anong nakain nito at naging sweet? Baka naka-drugs? Buti nalang pinapasok kami sa airport.
"Kailangan ka ng lahat, kaya dapat alagaan mo ang sarili mo." sabi niya sa akin, tumango lang ako sa kanya at iniwas na ang paningin. Ewan ko rito sa kasama ko naka-drugs ata kaya ganito kasweet.
----
Nakalapag na kami sa airport at sinalubong agad kami ng mga magulang ni Ribo, sobrang saya ng pagbati nila na akala mo ay President ako ng bansa na may pa bouquet pa.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Fiksi RemajaAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...